Chapter 5

2.4K 57 0
                                    


"Alam mo, Gail, napaka-delikado naman kasi ng panahon ngayon lalo na sa mga babaeng tulad natin. Sumabay ka nalang kay Carl. Baka kasi pagalitan tayo ni ma'am Leah kung papabayaan ka namin. Ikaw pa naman ang pinakabatang kasamahan namin." Napangiti ako kay ate Candy dahil kahit papaano ay nag-aalala rin sila sa akin. Isa lang naman talaga ang inaalala ko ngayon, ang makasama ko si Carl na kaming dalawa lang mamaya. Ngayon palang ay gusto ko nang mahiya o parang ayaw nang lumabas ng boses ko.

"Gail, are you still okay there? Kung nababagot ka na pwede na kitang ihatid." Buhat ni Dexter nang dumating ito. Amoy alak na ito. May bitibit pa itong bote ng beer.

"Nako, Dexter 'wag na. Ihahatid nalang siya ni Carl mamaya." sabat ni ate Candy kay Dexter. Nag-aalala rin ako sa reaksyon ni Dexter. Ayaw ko namang magalit siya. Pero mas mabuti na rin iyon dahil medyo lasing na rin ito.

"Pero 'di ba sabi ko ay ako ang maghahatid sa'yo?" tumabi si Dexter sa'kin. "Pasensya ka na Gail, ha. Napadami na kasi yata ang inom ko. Pinagtitripan kasi ako ng mga barkada ko 'dun." Nginuso niya ang mga kasamahan niyang nakangising nakalingon sa'min.

"Dexter, it's okay. I will send her for you." Sabat ni Carl. Natulala ako. Napansin ko kasing parang iba ang timpla ng boses niya. Hindi ko alam kung naiirita ba ito o baka napipilitan lang itong ihatid ako.

"Thanks, pare." Lumapit si Dexter kay Carl at nakipaghigh five pa siya rito. Pinatong niya ang bote ng beer sa mesa namin at umupo.

"Dexter siguro ay uuwi na kami." Tumayo na ako. "Medyo gabi na kasi." Gusto ko na kasi talagang umiwas kay Dexter. Baka kasi ano pa ang sasabihin at gagawin nito gayong nakainom ito.

"Sure, sure. Salamat sa pagpunta niyo rito. Thank you ng sobra, Gail." Wika nito. Nagkatinginan tuloy kami ni ate Candy. Alam ko kasing napapansin din nito ang pagtrato ni Dexter sa akin.

"Thank you rin. Ipaalam mo nalang kami kay ate Lyka." Wika ko sa kanya habang dinadampot ang bag ko at nagsimula nang lumabas ng gate. Nakasunod naman sina Carl at ate Candy. Pati si Dexter ay hinatid na rin kami palabas.

"Oh siya. Andito na si Leo. Una na ako sa inyo, ha." Nagpaalam na si ate Candy. Dumating na kasi si Leo, ang boyfriend nito. Nasa gate ito naghihintay kay ate Candy at halatang kakalabas lang mula trabaho dahil naka-uniporme pa.

Nabigla nalang ako nang lumapit sa'kin si Dexter. Akala ko may ibubulong siya pero nabigla ako sa kamuntik niyang gawin. Hahalikan niya sana ako sa pisngi. Laking pasasalamat ko nalang nang hilain akong bigla ni Carl.

"Gail, come on." Hila ni Carl sa'kin. "Dexter, we need to go, it's already late. Bye, pare." Paalam ni Carl. Sumusunod lang ako nang tahimik sa kanya. Gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit tila ayaw naman magprotesta ng kamay ko. Nilingon ko si Dexter, nakasunod lang ito ng tingin sa'ming papaalis.

"Uhm...Carl?" nagtatanong ang mga matang nilingon niya ako. "Yung...'yung kamay ko." sinundan ko iyon ng tawa. Saka naman niya iyon binitawan kaagad.

"I'm...I'm sorry. Hindi ko napansin." Wika niya sa'kin. Binaling ko nalang ang mga tingin ko sa ibang direksyon hanggang sa nakasampa na ako sa likod ng kanyang motorsiklo.

Tahimik na binabaybay lang naman ang daan. Wala kasi ni isa sa amin ang unang magsalita.

"Gail..." tawag niya sa'kin.

"Uhm, bakit?" mahina kong tanong. Bigla yata akong kinabahan.

"Pwede mo ba muna akong samahan sandali? May bibilhin lang ako. Sandali lang talaga. Pagkatapos ay ihahatid naman kaagad kita." Nabigla ako sa tono ng pananalita ni Carl. Parang naging maamong topa ito ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now