Chapter 6

2.3K 56 4
                                    

Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki. Nakatago lang kami isang sa malaking kahoy na akasya. Kinalabit ko si Carl nang makita kong nakatulog na ang dalawang lalaki sa sobrang kalasingan. Ang ingay pa nitong matulog. Ang lakas humilik.

"Carl, tingnan mo, nakatulog 'yung dalawang mokong. Pwede naman natin sigurong itakas 'yung babae, 'di ba?" bulong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Okay, this is the plan. Babadbaran ko 'yung babae at bantayan mo ang dalawang lalaki. Do you get me?" tanong niya sa'kin. Tumango ako sa kanya. Ngayon pa lang ay nanginginig na ako sa gagawin namin. Humakbang siya ng kaunti na tila may hinahanap gamit ang ilaw ng kanyang cellphone. Nakita kong kinuha niya ang medyo kalakihang kahoy na nakasandal sa akasya.

"Ito, ihahampas mo ito sa kanila kung magising ang dalawang lasing na iyon, okay?" Inabot sa'kin ni Carl ang kahoy na medyo kalakihan. Medyo nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon sa kanya. Nagthumbs-up pa siya sa'kin. Kumawala ako ng isang malalim na hininga at tumango. Dahan-dahan kaming lumapit at humakbang upang hindi makagawa ng kahit ano ma'ng ingay.

Nang makalapit na kami ay mahinang kinalabit at ginising ko ang babae. Nilingon ko si Carl. Nag-senyas siya ulit na huwag gagawa ng ano mang ika-iingay naming dalawa. Tumango lang ako sa kanya. Kinalas niya ang mga nakatali na lubid sa babae habang ako ay nakabantay sa dalawang mokong na baka magising. Kinuha ko ang panyo sa baba ng dalagita at suminyas na huwag mag-ingay.Umiiyak ito at basang-basa ng pawis. Nanginginig na hinawakan niya ako sa braso. At nang tuloyan na itong nabadbaran ni Carl ay niyakap ako nito. Tinulongan ko siyang makatayo nang maayos. Sinenyasan ko si Carl na umalis na kami. Tumango lang siya. Dahan-dahan kaming bumaba upang makalayo sa maliit na kubo nang...

"Hoy! Sino kayo?"

Isang hampas at putok ng baril ang narinig ng dalawang tainga ko. Paglingon ko, bumulaga sa'kin ang duguan at nakahandusay na si Carl.

Kinuha ko mula sa kamay ni Carl ang isang kahoy na dala niya at hinampas nang pagkalakas-lakas sa isang lalaking bumaril kay Carl. Siguro lahat ng naipon kong lakas ay pinakawalan ko na sa paghampas. Hindi ko akalain na malulumpasay ito at mawalan ng malay. Bumaling ako sa isang lalaki. Nakahandusay rin ito. Natamaan yata ito ni Carl kanina kaya hinimatay. Bumaling ako kay Carl. Nakalukot ang mukha nito. Namimilipit sa sakit na nararamdaman.

May tama si Carl!!!

May tama si Carl!!!

Nang kapain ko, nasa kaliwang balikat ang tama nito. Naliligo na ito ng dugo.

Nilingon ko ang babae. Umiiyak ito sa sobrang takot.

"Tu..tumakbo ka na. Humingi ka ng tulong .....sa taas." Sigaw ko sa kanya kahit naghihirap na ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko. Natatakot at nanginginig. Kinuha ko si Carl at sinaklay sa balikat ko. Kahit napakabigat niya ay pinilit ko siyang itayo at pinalakad habang nakaalalay ako.

"Carl, please. Kailangan nating makalayo rito."

"Huwag ka munang mamamatay."

"Carl, huwag mong ipikit ang mga mata mo."

Ang paulit-ulit kong wika habang nahihirapang maglakad dahil sa kabigatan niya. Sobrang madilim ang dinadaanan namin. Hindi ko na rin alintana ang mga matutulis na dahong tumatama sa balat ko. Ang importante ay ang makalayo kami ni Carl at ang mailigtas ko siya. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Hindi ko na matandaan ang dinaanan namin kanina. Sobrang gulong-gulo na ng utak ko.

"Gail, iwan mo na ako rito." Ang wika niya sa nahihirapang boses.

"Shut up. Baliw ka ba? Hindi kita iiwan dito." Saway ko sa kanya. Patuloy pa rin ang paglalakad namin. Bahala na kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Ang importante sa ngayon ay ang makalayo kami mula sa mga masasamang tao na iyon.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now