Chapter 1

4.7K 88 36
                                    

FIRST BOYPREN!
FIRST HEARTBREAK!

Medyo makulimlim na nang makarating ako sa paboritong tagpuan namin ni Ken, sa Payag sa bayan ng Dumaguete. Isang malaking kubo na fully furnished with dimmed light na umiilaw sa loob. Sa labas nito ay maraming nakalinyang kulay itim na mesa at upuan na gawa sa bakal. Dito kami unang nag-date ni Ken nang yayain niya ako. Nasa tabi ito ng bay walk.  Tumawag kasi siya sa akin na magkikita raw kami. Syempre, sabik akong makita siya. Dalawang linggo na kasi ang nakalilipas nang sobrang naging busy yata siya dahil daw na-promote siya bilang supervisor agent sa isang BPO company na kanyang pinagtatrabahuan. Umupo ako sa isang bakanteng upuan dahil kakaunti pa naman ang naroroon. Kinuha ko sa bag ko ang aking perfume at naglagay ng kaunti. Nakangiting inaalala ko pa kung papano kami nagkakilala ng first boyfriend kong si Ken. Dito ko kasi siya unang na-meet nang mamasyal kami ng aking kaibigan. Aksidenteng nagkabanggaan kami noon dahil busy ako sa kakatext. Unang nagkasalubong ang mga mata namin ay ibang kilig na agad ang naramdaman ko. He has this brownish tantalizing eyes na animo'y palaging nakangiti. Pinarisan pa ng mga makakapal na kilay na isa sa mga gusto ng mga babae. Gwapo talaga ito at talagang maikukumpara ko siya sa mga gwapong naging crush ko noong highschool. Tinulongan niya pa akong makatayo noon. Nagkalat-kalat pa ang mga lamang-loob ng cellphone ko dahil sa lakas ng pagkabagsak niyon. Siya mismo ang dumampot niyon at umayos. Mayamaya pa ay kinuha niya ang numero ko sa cellphone. Hindi naman ako marupok kaya binigay ko na kaagad ang cellphone number ko. Alam ni'yo na, lagi akong sinisingil nina mama at papa kung kailan ako magkakajowa. Dalawang buwan niya akong niligawan at pumupunta-punta pa siya sa bahay upang bisitahin ako tuwing rest day niya. Syempre pakipot din ako, hindi ko pa kasi nasubukang magkaboypren. Hanggang sa sinagot ko siya. Masyado kasi siyang mabait, maalaga at magalang. Limang buwan na rin kaming magsyota. Alam kong naging madalang na ang komunikasyon namin simula nang ma-promote siya. Naiintindihan ko naman iyon dahil mahal ko siya.

"Hi." Nasabik ako nang marinig ang boses niya. Ngunit matamlay ang tono niyon. Siguro ay pagod lang siya.

"Hello babe, kumusta ka na? Halos ilang linggo na tayong hindi nagkita. Miss na miss na kita." Ngumiti ako sa kanya at tumayo upang salubongin siya ng yakap ngunit umiwas siya at umupo sa kabilang silya. Hindi naman siya mukhang nilalagnat. Fresh na fresh naman ito tingnan.

"A..anong problema?" tanong ko. Ilang sigundo rin bago siya umimik. Nanatiling naghihintay lamang ako sa sagot niya.

"M...may sasabihin ako sa 'yo. Sana huwag kang magalit. Sana intindihin mo ano man ang sasabihin ko, Gail." Kiming tumango lang ako sa kanya. Kung ano man ang problema niya, handa akong intindihin siya. Basta huwag lang kaming maghiwa....

"I'm...I'm breaking up with you." Halos nagkabikig ang aking dila. Naging tagtuyot ang pakiramdam ko sa aking lalamunan. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong humihinga.

Tama ba ang narinig ko? "I'm...I'm breaking up with you?"

"Gail..." bumalik ang aking malay nang hawakan niya ako sa balikat.

"Bakit?" ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking boses. Para ba'ng ang sakit-sakit sa pakiramdam. Gosh, this is my first heartbreak! No! Gusto ko isigaw iyon pero nagawa ko pa ring kontrolin ang aking sarili.

"We...we don't deserve with each other." Sagot niya sa 'kin. Napahagulgol ako ng iyak.

"Puga naman, Ken! Paano mo naman nasabing we don't deserve with each other? Iyan ba talaga ang rason o may iba ka pang dahilan?" Pilit na kontrol ko sa aking boses. Mahina ngunit naroon ang sakit.  Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Umiwas ako sa kanya at iniharap ang mga paningin ko sa dagat. Hilam na sa luha ang aking mga mata. Mabuti nalang at medyo madilim sa parting iyon.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko. "Gail, I'm sorry pero.." napayuko siya . "...mahal ko... na siya ulit. Napamahal ako ulit sa kanya." Mas masakit pa sa kinatatakutan kong injection ang mga sinabi niya sa akin. Iyon ba ang sinasabi niyang ex niya noon bago naging kami? Ginawa lang ba niya akong rebound?

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now