Chapter 4

2.4K 56 0
                                    


Ilang linggo na rin ang nakakalipas nang wala pa ring imik si Carl. Abala rin kasi siya sa pagtatapos sa ginagawang designs upang masimulan na ang gawain para sa kleyente na sina Mr. and Mrs. Lim. Mabuti nalang at linggo. Day-off kasi namin tuwing linggo at first payout ko kaya napagdesisyunan kong mag-gorcery sa down town. Sinubukan kong imbitahan si Ara ngunit nag-out of town naman kasi ito kasama ang boyfriend niya.

Nagulat nalang ako nang pagbaba ko ng ground floor upang kunin ang scooter ko matapos makapamili nang makita ko si Carl na may kausap na babae. Mga sampong metro lang naman ang layo nila mula sa akin. Sa tanto ko ay nag-aaway yata sila. Naguguluhan na yata ako sa estado ni Carl. Lalaki ba talaga ito o bakla? Iniling-iling ko ang aking ulo. Para kasing sinasabi ng mga paa ko na pumunta ako roon upang makinig sa pag-uusap nila. Samantalang sinasabi naman ng utak ko na huwag.

Huwag, Gail. Huwag ka nang makisawsaw sa usapan nila. Saway ko sa aking sarili.

Hanggang namalayan ko nalang ang sarili kong naka-ninja moves. Patago ako na naglalakad palapit sa direksyon nila. Diniin ko ang tainga ko sa pader na pumapagitan sa amin. Tiningnan ko ang direksyon nila. Pamilyar sa akin ang naka-side view na babae.

Lumipat ako sa likod ng isang Montero na nandoon.

"Carl, stop it." Rinig kong wika ng isang babae sa kanya.

"How could you do this to me? You're liar." ramdam kong puno ng hinanakit ang boses ni Carl. Sumilip ako ng kaunti upang maaninag kung sino ang babaeng kasigawan nito.

"Carl, ikakasal na ako. My father is in an ill condition and as her daughter kailangan kong gawin ang gusto niya. Kailangan kong isalbar ang kompanya namin through marrying Luke. "

Luke? Teka, Luke. Iyon ba 'yung client na pumunta ng opisna? Tapos siya 'yung babaeng kasama ni Luke, tama. Siya nga pala. Tama nga ang hinala ko, eh. Ex nga siya ni Carl.

"Pero minahal kita, Steph. " Rinig kong sabi ni Carl. Napataas ang kilay ko. Sa kaibuturan ng aking puso ay nakaramdam ako ng awa kay Carl. Kaya ba siya ganoon ay dahil sa mga pinagdadaanan niya? Parang gusto ko tuloy siyang lapitan at yakapin.

"Carl, I'm engaged already, okay? Just please leave me alone. We can be friends again. I'm already falling to Luke. Four months na kaming nagsasama. Ikakasal na kami." Wika ng babae. Sa palagay ko ay umiiyak na rin ito.

"Nagsasama? May nangyari na ba sa inyo?" sabi ni Carl sa galit na boses. "Tell me, may nangyari na ba?" hindi sumagot ang babae. Nakita ko siyang nakayuko lang nang sumilip ako."You Sh*t...."Nabigla ako sa kasunod na ginawa ni Carl. Pinilit niyang halikan si Stephanie. Umuungol lang ang babae na pilit kumakawala sa pagkakahalik ni Carl. Gusto kong sugurin si Carl at pagsasampalin, batukan, suntukin dahil pambabatos ang ginagawa niya kahit pa sabihing may nakaraan sila ni Steph. That's sexual harassment. Pero parang naging bato ako. Parang mas gusto kong tumakbo, ayaw kong masali sa away nila dahil panigurado ay magagalit at mabubulyawan ako ni Carl. Mas lalo lang kaming mag-aaway.

Unti-unti ay dahan-dahan akong tumalikod at papaalis na sana.

And the next thing happened made me in terribly shock. Nakagat ko ang mga labi ko nang tumunog ang Montero. Nasanggi ko yata. Sensored pala iyon. Halos mabingi ako kaya tinakpan ko ang mga tainga ko. Tatalikod na sana ako at tatakbo palayo nang...

"What are you doing here? Hanggang dito ba naman? Are you stalking on me?" napatigil ako at dahan-dahang humarap sa kanila. Nag-peace sign ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Wala na rin si Stephanie.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now