Part 30

1.9K 117 4
                                    


Nagkakagulo na sa harapan ng HQ dahil sa dami ng unipormadong Guardians na nakahilera doon at mga armado pa. Agad na ipinatawag si Razele mula sa Treatment Center at pinapunta agad sa lobby ng HQ Main Building.

"Ano'ng nangyayari ngayon dito?"

Nakahilera agad ang napakaraming Rankers at nakaabang sa harapan ng entrance ng main building.

"Chief, problema," salubong agad ng isang Ranker kay Razele pagkalabas na pagkalabas niya ng elevator. "Malaking problema."

Kinabahan si Razele dahil naglabas din ng mga armas ang mga Ranker na nasa lobby at labas ng main building.

"Hindi ba kayo sumusunod sa protocol?" Ang kalmadong lakad niya ay biglang tumulin papalabas ng main bulding "Nasa Code Red ang HQ, bakit naka-Code Green ka—" Natigilan siya pagkakita sa batalyon ng mga Guardian na handang paulanan ng bala ang harapan ng main building.

"Holy shit."

Nasa harapan na naman nila ang dalawang Superiors na kagagaling lang sa HQ. Pinaliligiran ito ng mga Guardian at mukhang may order na ng shoot-to-kill para sa mga Ranker.

"An agent informed us a while ago that RYJO is not a man. You fooled them!" sigaw ng interpreter na kasama ng dalawang Superior.

"Stupid. Stupid. Stupid." Paulit-ulit iyong ibinubulong ni Razele sa sarili dahil ngayon lang niya nararamdamang napakalaking pagkakamali ng nagawa niya sa mortuary.

"How dare you do that to the Superiors! We will consider your actions as an act of treason!"

"RAZELE!"

Ilang sandali bago ang lahat ng mabibigat na kaganapan . . .

"E . . Era . . . jin!"

Duguan ang kamay nang lumabas si RYJO ng ICU. Nanghihina pa siya at wala pang lakas dahil sa lakas ng boltahe ng live wire na hinawakan pero nagawa pa niyang pabagsakin sina Ranger at Neptune nang mag-isa habang hindi ito nakatingin.

"P-prob . . . lema. K-kaila . . . kailangan kong . . ."

Ilang linggo pa ang estimated recovery ng katawan ni RYJO bago siya magising ngunit wala pang isang buong araw ay nakabangon na agad siya.

Nakabukas ang announcement radio sa Treatment Center kaya dinig na dinig ang balita sa bawat floor ng main building maging sa underground floors.

Iika-ika at susuray-suray siyang naglakad patungong elevator. Inilapat niya ang palad sa scanner at pinindot ang umiilaw na GF button. Nanlalabo pa ang paningin niya at halos akayin ang sarili pasandal sa loob ng elevator pagkapasok.

Huling nasilayan ng mata niya si Laby na napaupo na lang sa sahig ng pasilyo ng Treatment Center habang takot na takot na nakatingin sa kanya.

May ilang minuto siya sa loob ng elevator para ayusin ang sarili. Malalim at paulit-ulit na paghinga. Dumodoble ang mga linya sa elevator. Ipinikit niya ang mga mata at saka tumingala.

"Kakayanin mo ba?"

"Bumalik ka na."

"Gusto natin 'to, di ba?"

Magkakaibang bulong sa isipan niya. Mainit pa ang pakiramdam niya kahit malamig sa loob ng elevator dahil sa malakas na ventilation. Unti-unti, nakakabawi siya ng lakas. Wala na siyang panahon at pagkakataon para makainom ng gamot niya. Naiwan niya ang mga iyon sa bahay nila ni Josef.

Ting!

Doon lang nagmulat si RYJO ng mata at agad siyang lumabas ng elevator.

Wala siyang deretsong lakad. Umiikot ang paningin niya kaya hirap siyang maglakad nang maayos. Nakikita niya ang napakaraming tao pero hindi siya sigurado kung dumoble lang ba ang paningin o marami lang talaga silang lahat na naroon sa lobby.

Project RYJO 2: Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon