Part 13

1.6K 109 0
                                    



Ang Superiors, isang guild na binubuo ng dalawampung miyembro na pawang mga institusyon na sa kani-kanilang mga larangan at dalubhasa na sa kanilang mga piniling liga, ay gumawa ng Codes of Ethics at doktrina ng mga kriminal na tinawag nilang Criminel Credo.

Ang Superiors at ang kanilang Credo ang nagpapatakbo sa apat na malalaking asosasyon ng mga kriminal:

Ang Assassins Asylum (AA),

Ang Satsujin-sha Ichizoku (SI),

Ang Sanglant Congregation (SC),

Ang Meurtrier Assemblage (MA),

Ang apat na association na ito ay pinamumunuan ng apat na matataas na opisyal at na sumusunod sa doktrina ng mga Superior. Sila ang tinawag na Four Pillars ng kanilang sistema.

Si Railey ng AA,

Si Yuki ng SI,

Si Jasfyr ng SC,

At si Otwell ng MA.

Maraming dekada na ring pinatatakbo ng Superiors ang mundo ng mga professional. Sila ang taga-implement ng mga pangkalahatang batas ng mga kriminal na inaayunan ng interlaw at walang ibang magagawa ang mga Under nila kundi ang sumunod.

Ngunit anim na taon ang nakalilipas, isang napakalaking lihim ang nalaman ng isang miyembro ng Sanglant Congregation—ang Caste: Expert, First Degree, The Brain.

Aksidenteng nalaman ng Brain ang Top-Secret Data na makapagpapabagsak sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para hunting-in siya ng lahat ng association.

Sikretong nagpadala ang Congregation ng assassin para patayin ang Brain. Ipinadala naman ng Asylum si Shadow para nakawin ito sa Congregation. Ibinigay naman kay RYJO ang misyon na kuhanin sa Brain ang data at patayin ito pagkatapos.

Hindi inaasahan ni Shadow na isang 9 year-old na batang babae lang nakaaalam ng data na kayang makapagpabagsak sa mga namumuno sa kanila.

Nagawa ni Shadow na nakawin ang Brain at nadala niya ito sa isang lugar na hindi mahahanap ng association.

Ngunit, ang hindi niya inaasahan, ang lugar na pinagdalhan niya sa Brain ay ang teritoryo ng pinakasikat na assassin na si RYJO.

Nagtagpo ang landas ng tatlong Zenith sa iisang pagkakataon.

Ang child prodigy ng SC.

Ang cat burglar ng AA.

At ang ultimate assassin ng MA.

Project RYJO 2: Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon