Part 12

1.8K 110 16
                                    


Dinig na dinig ang tunog ng mga sapatos nila sa hallway ng floor 12B. Sa dulo niyon ay may malaking metal door na may malaking symbol ng Meurtrier Assemblage: HQ branch. Tuloy-tuloy na lumakad sina RYJO at Shadow samantalang nagdadalawang-isip si Laby sa pagtuloy.

"You're crazy! Alam mo bang delikado ang lugar na ito!" singhal ni Laby habang hinahabol ang paglakad ng dalawang kasama. "Hanggang floor 7B lang ako puwede! Papatayin nila ako kapag nalaman nilang may nakapasok na Class O dito sa 12B! At isa pa itong Shadow na ito! He's a prisoner! Papatayin nila kami! Pati ka na!"

"I'm so scared," walang emosyong sagot ni RYJO sa lahat ng sinabi ni Laby. Tumuloy lang siya sa paglalakad habang sinusundan siya ni Shadow.

"Seryosohin mo naman ako! High Rankers at Top Class lang ang nakakababa hanggang dito!" Hinarangan agad ni Laby ang dinadaanan ni RYJO at idinipa ang mga braso.

"High Ranker ka, Top Class ka rin, di ba? You're more than qualified." Itinulak lang niya si Laby at nagpatuloy sa paglalakad

"Pero wanted na ako! Hindi nila tayo palalabasin dito nang buhay! Malamang na alam na nila ngayong pinatay mo si Azi!"

"He's not totally dead, he's in coma. Ranger can revive him."

Nakaabot na sila sa may malaking pinto ng 12B. Tumakbo agad si Laby para pigilan si RYJO sa pagbukas ng pinto.

"Hindi mo puwedeng kausapin ang OIC! Delikado!"

"Kung natatakot ka, bumalik ka na lang sa taas at magtago ka roon sa opisina mo."

"Hindi nila kayo bubuhayin! Threat si Shadow sa Assemblage, hindi ka na Ranker! May dahilan na sila para patayin kayo!"

"Siya si Shadow at ako si RYJO. May dahilan na sila para hindi kami patayin." Hinawakan na ni RYJO ang pinto para buksan pero kinabig agad ni Laby ang kamay niya.

"Mamamatay kayong dalawa!"

Tumahimik si RYJO at tinaasan na lang ng kilay si Laby.

"Pipilitin nila si Shadow na ilabas ang data! Hindi na niya matandaan ang tungkol doon!"

"Data ba ang kailangan nila?" Natawa nang mahina si RYJO. "Puwes, ibibigay ko ang Data na hinahanap nila."

Tinulak na lang ni RYJO si Laby at binuksan na niya ang pinto.

Nakapasok na ang tatlo sa loob ng HQ Main Sector, ang office ng officer-in-charge. May dalawang floor ang lugar, combination ng blue and gray motif and glass ang kulay ng paligid, kaiba sa labas na puro puti lang ang kulay ng interior. Nakahilera ang mga table at desk ng mga Class M Ranker na eksklusibong nagtatrabaho para sa OIC. Puro mga Top Class at High Rankers ang naroon sa lugar—sila ang mga kumukuha ng mga special mission direkta mula sa MA: Central Office at Citadel na ibinibigay ng mismong OIC at mga Class M appointee niya. Doon sila nakakakuha ng impormasyon tungkol sa mga special target at client, at iba pang detalyeng may kaugnayan sa mga nagbabayad sa kanilang mga trabaho.

Walang naliligaw na Low Rankers sa lugar na iyon dahil mga Top Class at High Ranks lang ang puwedeng makapasok. Hindi na rin ginuguwardyahan ang lugar dahil mas delikado ang loob niyon kaysa labas.

Bumungad sa tatlo ang mga Ranker na kumukuha ng missions. Busy ang lahat ngunit napahinto dahil sa pagsulpot nilang tatlo.

Lumingon-lingon pa si RYJO sa paligid para hanapin ang OIC.

"Nandito ba ang Elites?" tanong ni RYJO sa mga Ranker.

"Galing dito si Crimson kahapon. Sina Ranger at Neptune, nasa 4B. Si Elfe hindi pa naliligaw," sagot ng isang Ranker kay RYJO na hindi gaya sa itaas ay para bang normal lang ang pagdating nito sa lugar na iyon.

Project RYJO 2: Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon