Nang masigurong hindi na kami maaamoy ng mga changers ay isaisa na silang nagsiakyatan. There's a small living area in here and two large bedrooms. Enough for all of us. Dinala rin namin dito lahat ng mga gamit namin.

Selena and Phoenix went back downstairs. I don't know what they're doing. We were all sitting here in the couch. I sat on the single couch. May inilagay kaming solar na flashlight sa gitna pero tinakpan namin ito ng puting kumot para hindi masyadong lumiwanag.

Lima kaming lahat dito. The two girls and the other man who's name is Eason. Sya 'yong sinabi ni Harris last time na kasama nya. Eason is a good looking young man, same with Harris.

"I'm Harris." Nag-abot ng kamay ang kapatid ni Phoenix sa akin.

Nakangiti kong tinanggap ang kamay nya.

"I'm Aide. I'm glad that you are finally with us." Ngumiti siya sa sinabi ko.

"I'm glad that I finally met you, too." Sagot ni Harris sa akin na hindi ko inaasahan.

Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan ni Harris ang paghawak dito. Naiilang ako sa ginawa nya pero sya ay nakangiti lang at parang wala ito sa kanya.

Napatingin ako sa ibang kasama nya. Yung isang babae ay nakatingin sa kamay namin ni Harris. Siniko nya ng mahina si Harris pero wala akong nakikitang galit sa mukha nya. I thought she's Harris' girlfriend. Kung tama ako ay Blaire ang pangalan nya.

Nagulat ako ng may humablot sa braso ko kaya nabitawan ni Harris ang aking kamay. Napatingin ako sa madilim na mukha ni Phoenix, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Harris.

"Not funny." Seryosong sabi ni Phoenix pero natatawa pa rin si Harris.

Umiling-iling naman si Blaire. Sandaling napatitig ako sa kanang balikat nya. May dugo rito.

"May sugat ka yata." Napatingin si Blaire sa akin nang sabihin ko iyon.

Itinuro ko ang balikat nya. Tingin ko'y hindi nya namalayang nasugatan sya. Agad ko namang nakita ang pag-aalala sa mukha ni Harris at agad na tumayo hawak ang kamay ni Blaire. Hinila nya ito papunta sa may sahig para doon sila maupo. Tumayo rin ako para sana iabot sa kanila ang first aid kit ko pero pinigilan ako ni Phoenix.

"Harris, I have a kit on my backpack." Sabi ko nalang kay Harris bago sinamaan ng tingin si Phoenix.

Hindi nilabanan ni Phoenix ang mga titig ko. Umupo sya sa kung saan nakaupo si Harris kanina at iningat ang aking paa na ikinagulat ko.

"P-Phoenix, aray!" Kinurot ko ang balikat nya nang pisilin nya ang paa ko.

He glared at me. "What happened to you while we were away?"

Napayuko ako dahil sa galit na boses ni Phoenix. Babawiin ko sana ang paa ko na nakapatong sa hita nya pero hinigpitan nya ang hawak rito. Napatingin ako sa mga kasama namin na parehong tulala habang nakasandal si Reign sa balikat ni Eason. Nahihiya ako pero hindi ko nalang binawi ulit.

"I slept in my house nang umalis na kayo..."

Ikinwento ko sa kanya lahat-lahat at wala akong itinirang detalye sa nangyari kanina.

"Magkasama kaya 'yong mga nakita ko kanina at 'yong mga humahabol sa inyo?" I asked Phoenix kaya napatitig sya sa akin.

"Maybe they are." Sandaling napaisip sya bago sumagot. "This is the worst injured foot that I've seen." Ani Phoenix na ngayo'y ibinalik ang titig sa namamaga kong paa.

"I'll try to move it." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"No! Masakit, Phoenix!" Reklamo ko agad and he glared at me.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon