9: Reece

3 0 0
                                    


"Grabe! Hindi ko akalaing kulungan ng mga espirito ang lugar na to." Hindi makapaniwalang sabi ni Reece kay Bylan.

Hindi talaga sya makapaniwala ng ikwenento sa kanya ni Bylan ang Tungkol sa lugar kong saan sya napadpad. Ang tawag pala sa lugar na ito ay Nasboro, isang isla na nasa ibang dimensyon at kulungan ng mga espiritong pinarusahan.

"Hahaha, aakalain mong isa itong paraiso." Humilig si Bylan palapit kay Reece at bumulong. "Kung hindi nga lang dahil sa amin na mga pinarusahan."

Napakunot ang noo ni Reece. "Pero mukha naman kayong mababait at mapayapang namumuhay dito."

"Reece, sa tagal ng panahong nakulong kami dito ang iba ay nakalimutan na ang lakayaan at ninais nalang nila ang mabuhay ng payapa. Meron din naman iba na maslalong naging uhaw sa kalayaan, sila ang mga alagad ng dragon na nang-aakit ng mga tao."

Tumango si Reece. "Ikaw Bylan, gusto mo parin bang lumaya?"

Nasamid si Bylan sa pagkakainom ng kanyang alak, umubo sya ng dalawang beses bago binaba ang kanyang baso at tinignan si Reece pero madali din syang nag-iwas ng tingin.

"Ewan ko, nagagawa ko naman ang lahat ng gusto ko dito sa Nasboro, siguro naman sapat na ang kalayaang ito." Sabi ni Bylan at ngumisi. Sinalinan ng panibagong alak ni Bylan ang kanilang mga baso.

"Masyadong madrama ang usapang ito, ba't hindi natin pag-usapan ang ginawa mong pagtalo sa tigre ha." Nakangiting sabi ni Bylan habang inaabot kay Reece ang basong puno na naman ng alak.

Tumawa si Reece at tinanggap ang baso, uminom muna sya bago sinagot si Bylan.

"Ginawa ko lang ang dapat kong gawin, pero inaamin kong nahirapan din ako dahil sa lakas ng tigre."

"Yang mukhang yan nahirapan?! Eh kong hindi pa tumakas yong tigre malamang ubos na ang ngipin non!" Sabay na nagtawanan ang dalawa, nakangiting tinaas ni Reece ang kanyang baso.

"Kampay!"

"Kampay!" sagot ni Bylan at pinagbundol ang kanilang mga baso bago sabay na uminom.

"Reece." Isang baritonong boses ang nagpatigil kay Reece sa pag-inom at agad nyang nilingon ang pinanggalingan nito.

"Gunter!" Masayang tumayo si Reece at nilapitan ang bagong dating. "Paano ka nakarating dito sa Nasboro?"

"Nasboro?" balik tanong ni Gunter.

"Oo, yon ang panglan ng lugar na ito."

Tumango si Gunter.

"Masaya akong makita ka, hinanap mo ba ako? Pasensya na kong pinag-alala kita, nasan ang prinsepe?" Sunod-sunod na tanong ni Reece masaya syang makita si Gunter.

Sahalip na sagutin si Reece at tinignan sya ni Gunter mula ulo hanggang paa, sinusuri nito ang puting bistida na kanyang suot. Napansin ni Reece ang pag-suri ni Gunter sa kanya, peke syang umubo bago nagpaliwanag.

"Ahm, binigay ito ng bago kong kaibigan, pinagpalit nya sa tindahan gamit ang ngipin ng tigre, alam mo Gunter may natalo akong tigre ngayon!"

Masayang kwento ni Reece, nanatiling walang kibo si Gunter pero sanay na si Reece sa kanya at alam nya na nakikinig ito. Hinarap na Reece si Bylan upang ipakilala.

"Siya si Bylan." Tinignan ni Gunter ang lalaking espirito. "Sya ang sinasabi kong kaibigan na nagbigay nitong bistida." Nakangiting sabi ni Reece, masaya syang magkakilala na ang dalawa.

Napaubo si Bylan mula sa pag-inom, hindi nya inakala na kaibigan ang turing sa kanya ni Reece, bahagyang napailing si Bylan, kaya madaling napapahamak ang mga tao dahil masyado silang madaling magtiwala. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Gunter ang bahagyang pag-iling nito. Nakangiting tinignan ni Bylan si Gunter.

Strange Magic: The Forgotten KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon