Ayon sa alamat isang temlpo ang nakatago sa ilalim ng lawa. Ito ay kulungan ng mga sinaunang espirito na ikinulong sa loob ng mahabang panahon, ayon sa kwento isang maitim na dragon ang makakulong sa loob at syang nagsisilbing pinunu ng mga espirito. Naghahanap sila ng paraan upang makatakas sa templo at dahil hindi kayang hawakan ng mga espirito ang lagusan ay kinakaylangan nila ng malakas na tao na makapagpapalaya sa kanila, lalo na ang itim na dragon. Ang mga malalakas na espirito ay nakakaakit ng mga tao upang pumasok sa templo doon nagsimula ang pagkawala ng mga kalalakihan sa bayan, at dahil sa nangyari ay iniwasan ng mga tagabayan ang pagpunta sa lawa lalo na tuwing gabi.
Ngunit isang lalaki ang hindi naniwala, pumunta sya sa lawa upang alamin ang totoo naghintay ang lalaki, naghintay sya ng naghintay ngunit walang espirito ang nagparamdam. Wala syang narinig na kahit anong kakaibang ingay o ano paman, napatawa ang lalaki dahil napatunayan nya na walang espirito at ito ay gawa gawa lanang ng mga matatanda. Tumayo ang lalaki sa kanyang kinauupuan at nagsimula syang maglakad pabilik ng mula sa hindi matukoy na direksyon ay may marinig syang ingay. Hindi, mali hindi iyon ingay kundi isang boses, isang napakagandang boses na animoy musikang tumatawag sa kanya.
Hinanap ng binata ang pinagmumulan ng magandang boses na iyon at dinala sya ng kanyang mga paa patungo sa lawa, palalim ng palalim ang tubig ngunit hindi ito alintana ng binata patuloy nyang inihahakbang ang kanyang mga paa palapit sa boses na iyon at huli na ng mapansin nyang malulunod na sya, sinubukan nyang lumangoy upang maiahon ang sari ngunit kahit anong pilit nya ay hindi nya magawa hanggang sa tuluyan syang kapusin ng hininga.
Akala ng lalaki ay yon na ang katapusan nya ngunit sa ay nagising. Nagising sya sa isang hindi pamilyar na lugar, isang malawak na kagubatan na may ibat ibang puno at halaman na hindi nya mapangalanan. Isang lugar na hindi nasisikatan ng araw wala syang ibang nakikita sa kalangitan kundi itim na ulap. Muli na naman nyang narinig ang boses ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na ito ang mapakagandang boses na kanyang narinig isa na itong nakakatakot at puno ng puot na boses. Sa sobrang takot ng lalaki ay lumakbo sya tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa hindi na nya kayang ihakbang ng kanyang mga paa kaya tumigil sya at nagpahinga sa ilalim ng isang puno.
Ng makapagpahinga ay kumuha sya ng ilang mga prutas na pwedeng kainin, ang buong lugar ay nakakatakot lalo na at hindi nya matukoy kong anong oras at araw na. Matapos nyang kumain ay napagdisiyonan nyang hahanapin nya ang daan pabalik sa kanyang bayan, habang binabaybay nya ang malawak na kagubatan ay marami syang ingay na naririnig, mga espiritong bulong ng bulong sa kanya ngunit alam ng lalaki na silay mga mahihinanh espirito lamang na hindi kayang manakit ng buhay ang ikinakabahala nya ay baka may malakas na espirito syang makasalubong.
At mukhang binibiro nga talaga sya ng tadhana dahl muli nyang narinig ang nakakatakot na boses na akala nya ay natakasan na nya kanina, nagsitayuan ang kanyang balahibo dahil sa nakakatakot na boses na iyon at ginawa ng lalaki ang isang bagay na pinaniniwalaan nyang makapaglilitagtas sa kanya, ang tumakbo. At kasabay ng kanyang pagtakbo ang pagdami ng mahihinang espirito na umaaligid sa kanya na parang sinabi sa halimaw na humahabol sa kanya kong saan sya patungo.
Sa sobrang takot ng lalaki ay maslalo nyang binilisan ang pagtakbo kaya hindi nya namalayan ang isang bangil, nahulog sya at nagpa gulong-gulong ng ilang ulit bago tumama ang kanyang katawan sa matigas na lupa. Tatlong ubo ang pinakawalan ng lalaki at nakahinga sya ng maluwag dahil sya ay buhay pa ngunit agad ding naglaho ang kanyang kasiyahan ng makita ang isang malaking itim na aso sa kanyang harapan.
Alam ng lalaki na hindi isang mahinang espirito ang asong itim sapagkat ang mga mahihinang espirito ay walang anyo, sila ay mga usok lamang na sumaabay sa hangin. At sa itsura ng mapupulang mga mata ng aso alam nyang may taglay itong lakas at hindi nakatulong ang itsurang ng aso na animoy guton na guton at handa syang kainin ng buhay. Ngunit may isa pang napanisin ang lalaki, nakita nya na sa may kanang bahagi ng binti ng aso ang isang malaking sugat na sa tingin nya ay nagging dahilan kong bakit hindi makaakyat ang aso sa bangil.
BINABASA MO ANG
Strange Magic: The Forgotten Kingdom
Randomfantasy in reality. Discover the strange magic behind.