1: Gunter anong sekreto mo?

37 1 0
                                    

Tumakbo si Reece palapit sa binata at inatake ito gamit ang espada ngunit sinalag ito ng binata.

  "Kapag natalo kita Gunter, magsasalita kana ba?" Tanong ni Reece habang magkadikit parin ang mga espada nila.

  Binigyan lang sya nito ng isang maangas na ngiti sabay diin ni Gunter ng espada kaya napaatras si Reece ng ilang hakbang. Naghanda ulit sya para sa isang atake, inatake nya ng maraming ulit si Gunter pero lagi lang itong sinasalag o iniiwasan. Medyo napikon si Reece sa uri ng pakikipaglaban ni Gunter, alam nyang hindi ito nagseseryoso.

  "Magseryoso ka Gunter o mapapaslang kita!" Sigaw nya.

  Ang laban nila ni Gunter ang panlabingdalawang laban ni Reece sa araw na ito at ganon din ang binata, alam nyang pareho na silang pagod. Si Reece at Gunter nalang ang wala pang talo sa mga naunang laban kaya gusto nya magseryoso su Gunter sapagkat tatalunin nya ito sa araw na ito.

  Sa isang maliksing galaw ni Gunter ay tumilapon ang espada ni Reece at napaupo sya sa lupa. Tatayo pa sana sya pero tinutok na ni Gunter sa leeg nya ang espada.

  "Ang nanalo si Gunter!" Deklara ng isang sundalo na syang tagahatol.
Nagpalakpakan ang ibang mga sundalo na nakatayo sa gilid. Binalik ni Gunter ang kanyang espada sa sisidlan nito bago naglahad ng kamay kay Reece upang tulungan itong makatayo. Umiling si Reece at tumayong mag-isa. Hanggang ngayon ay hindi nya parin magawang talunin si Gunter.

 Tumunog ang trompeta hudyat ng pagdating ng Punong Heneral, ang ama ni Reece. Mabilis ang galaw ng mga sundalo at lumikha ng sampung linya at sabay na sumaludo sa Punong Heneral.

  "Magandang umaga mga magigiting na mag-aaral, kumusta kayo?" Bungad ng Punong Heneral.

  "Mabuti po Punong Heneral!" Sabay sabay naming sagot maliban kay Gunter na diretso lang ang tayo at tingin.

  "Natutuwa akong pagmasdan ang susunod na henerasyon na magtatanggol sa kaharian. Sa makalipas na labingdalawang taon nakita ko ang inyong pag-unlad lalo na sa pakikipaglaban, alam kong handa na kayo upang maging ganap na sundalo ng ating mahal na kaharian..."

  "...masaya akong ibalita na sa susunod na araw ay gaganapin ang seremonya na pangungunahan ng ating Mahal na Hari upang kayo ay maging ganap na sundalo." Pagtatapod nito.

  "Mabuhay ang kaharian ng Damors!" Sigaw ng isang sundalo na may mataas na rangko habang tinataas ang kanyag kamao.

  "Mabuhay ang kaharian ng Damors! Mabuhay ang kaharian ng Damors!" Sabay sabay nilang sigaw habang tinataas ang kanilang kamao.
Masayang masaya si Reece dahil sa wakas ay magiging ganap na silang sundalo.

  Pinayuhan silang umuwi muna at bumalik sa makalawa para sa gagawing seremonya kaya naging abala ang lahat sa paghahanda. Masayang lumapit si Reece sa kanyang ama at sinalubong naman sya nito ng isang mainit na yakap.

  "Reece aking anak, masayang masaya ako para sayo."

  "Ako din ama."

  "Gunter." Kumalas ang punong heneral sa yakap at tinapik si Gunter sa balikat, hindi namalayan ni Reece na nakalapit na pala ito sa kanila.

  "Para narin kitang anak at masaya ako para sayo." Sabi ng punong heneral.
Labing dalawang taon na simula ng umuwi ang ama ni Reece kasama ang isang batang lalaking sugatan. Ang sabi ng kanyang ama ay nailigtas nya ito sa kanyang misyon at doon na maninirahan sa kanila si Gunter.

  Isang tango lang ang sagot ni Gunter at mula sa kung saan ay may biglang humila kay Reece at niyakap sya ng mahigpit.

  "Reece! Sa wakas magiging ganap na sundalo na tayo!"

Strange Magic: The Forgotten KingdomWhere stories live. Discover now