5: Paano si Reece!

8 1 0
                                    

Isang kahindik hindik na sermon ang inabot ni Reece mula sa kanyang ina, maging si Adam ay hindi rin natiwa sa desisiyon ng anak ngunit wala na syang magagawa dahil utos na ito ng hari. Susubukan sana na humingi ng tulong ni Reece kay Gunter pero ng lingunin nya ito ay mas galit pa ang lalaki kesa sa kanyang ina.

Lumipas ang araw at natapos na rin silang tatlo sa paghahanda, sinimulana nila ang paglalakbay bago pa man sumikat ang araw. Maglakbay sila patungong kanluran.

At hindi paman ay naiinis na si Reece sa prinsepe, bitbit nilang dalawa ni Gunter ang lahat ng mga gamit samantalang tanging ang espada lang ang hawak hawak ng prinsepe. Walang tigil na paglalakad ang ginawa nila, humihinto lang sila kapag kumakain o natutulog sa gabi na hindi naman magawa ng maayos ni Reece dahil nagsasalitan sila ni Gunter sa pagbabantay.

Sa ikalimang araw ng kanilang paglalakbay ay narating nila ang isang malawak na lawa na animoy dyamante na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw. Ang higit na natuwa sa nakita ay awalang iba kong hindi si Reece, para sa isang babae wala ng mas hihigit pa sa isang masarap na pagligo pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay.

Parang isang bata si Reece na agad na ibinaba ang kanyang bitbit na gamit at tumakbo palapit sa lawa upang isawsaw ang kanyang mga kamay. Ngayon lang sya nakakita ng ganito ka gandang lawa na animoy tinatawag sya upang ipagmayabang ang angkin nitong ganda.

"Parang bata." Komento ni Rensis.

Dahil sa kasiyahan ni Reece ay hindi nya pinansin ang sinabi ni Rensis, masaya syang tumayo at lumapit kay Gunter.

"Gunter gusto kong maligo!" Puno ng siglang sabi ni Reece.

Tatango na sana si Gunter pero biglang nagsalita si Rensis.

"Sino ba satin ang prinsepe? Hindi ba't ako kaya ako ang mauuna." Sabi ni Rensis sabay lakad patungo sa lawa, para sa kanya dapat sya ang laging inuuna sa lahat ng bagay. Dapat ngayon palang ay alam na ito ng isang simpleng sundalo.

Halos umusok naman ang tenga ni Reece sahil sa inis, konting konti nalang talaga ay masisipa na nya ang prinsepe. Naiinis sya kong bakit ito pa ang naging prinsepe nila kawawa naman ang kaharian nila kong ito na ang namahala, wala naman ibang ginawa kong hindi ang magyabang at mag-utos.

"Magpahinga ka muna, hindi mabuti ng maligo kapag pagod." Sabi ni Gunter.

Napabuntong hininga si Reece, tama si Gunter hindi mabuto kong maliligo sya agad, mabuti nalang at kasama nya ang lalaki dahil alam ni Gunter kong paano sya pakalmahin.

"Sige matutulog nalang muna ako." Nilingon ni Reece si Rensis na magsisimula ng maligo at sarap na sarap sa tubig. Inirapan nya ito ng hindi nakatingin ang prinsepe. "Pagkatapos ng prinsepe ikaw na ang sumunod gisingin mo nalang ako pag tapos kana."

Umupo na si Reece sa ilalim ng isang malaking puno, mas mabuting itulog nya nalang ang kanyang pagkainis sa prinsepe bago pa nya ito maisipang lunurin sa lawa.

Naalimpungatan si Reece ng maramdamang may marahang tumatapik sa kanyang pisngi. Ng imulat ni Reece ang kanyang mga mata ay nakita nya si Gunter na bagong ligo na sya palang gumigising sa kanya.

"Gumising kana, pwede ka nang maligo." Sabi nito.

Tumango si Reece at umayos ng upo tinignan nya ang paligid at napansing malapit na palang gumabi.

"Gunter ayokong maligo na nandito kayo." Reklamo ni Reece, babae sya at hindi maganda kong maliligo syang nandito ang dalawang lalaki.

Tumago si Gunter bilang pagsang ayon kay Reece, ngunit si Prinsepe Rensis na walang ibang alam kong hindi ang sarili nya ay hindi naintindihan si Reece.

Strange Magic: The Forgotten KingdomWhere stories live. Discover now