Chapter 26

238 11 1
                                    

[Kisha's POV]

Bumalik ako sa likod ng bahay para hanapin yung kwintas na binigay sakin ni mama.

"Nandito lang yun eh." Habang hinahanap sa ilalim nung upuan.

"Tara na guys!" rinig kong sigaw ni Marc.

Nakita ko rin na may kuminang, kaya naman dinampot ko na ito at binulsa. Papasok na sana ako ng bigla akong hilahin sa kamay.

"Ranz?" nagulat ako ng makita ko siya.

"Shhh..." mahinang sabi niya at nagtago lang kami sa may mga shrub bush.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sakaniya, kasi pati ako naguguluhan na.

"Kasama nung mga armadong lalaki si Mario at yung pangalan sa natanggap natin letter na Miora? Siya iyon. Iisang tao lang sila." pagpapaliwanag sakin ni Ranz.

Hindi ko pa rin lubos maisip na isa si Mario sa may kagagawan nito.

"Bakit niya to ginagawa?" tanong ko.

"Hindi ko ri---" napatigil siya sa kaniyang pagsasalita matapos niya marinig yung putok ng baril.

"Calvin!!!" rinig kong sigaw nila Marc. Tatakbo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Ranz.

"Nandon yung mga kaibigan natin. Wala ka man lang balak gawin?" inis na sambit ko sakaniya na mas lalo lang niya hinigpitan yung pagkakahawak sa braso ko.

"Mas mawawalan tayo ng pag-asa kung pare-pareho tayong mahuhuli." sambit niyang nagpakalma sakin.

Naupo na muna ako dito sa damuhan. Narinig kong paalis na yung mga sasakyan. "Tara na." sabi niya at tinayo ako.

Pagpasok namin sa loob ng bahay. Agad akong napatakip ng bibig ko. Nakita kong nakahiga na ngayon sa sahig si Calvin.

"Pre, calvin saan sila dadalin?" tanong ni Ranz at inalalayan makaupo si Calvin.

"R-ranz sa kampo..." mahina pero maririnig mo pa rin siya.

"Saan yun?" tanong ko.

"Su-undan uhhh..." hindi na niya natuloy pa sasabihin niya ng bigla na siya bawian ng huling hininga.

"Tara na!" sabi ni Ranz at hinila ako palabas ng bahay.

Agad siya sumakay ng sasakyan. Sumakay na rin ako. Sinundan niya yung sasakyan sa harapan namin. Pero dumidistansya ng malayo para na rin hindi kami mapansin nung sinusundan namin.

"Alam ko na kung bakit ako pinilit ni Mario, na sumama dito." ani ni Ranz habang seryosong nakatingin sa sasakyan. Agad naman ako nacurious kung bakit.

"Talagang pinilit ka ni Mario?" tanong ko. Sinagot niya lang ako ng tango.

"Gusto niyang maghiganti sa ginawa nating pagligtas sa pilipinas." nalungkot naman ako sa narinig ko. Dahil planado na pala ito dati.

Bigla naman tumigil yung sasakyan na sinasakyan namin. Napansin ko na hindi pa tumitigil yung sinusundan namin na sasakyan.

"Ranz anong nangyari?" tanong ko dito.

"Naubusan tayo ng gas" sabi niya habang sinusuntok yung manibela.

"Wala man lang tayo gagawin?" tanong ko sakaniya kasi nakaupo lang siya sa upuan niya.

"Kailangan natin magkaroon ng lead para mahanap yung kampo nila." sagot niya habang patuloy na sinusuntok yung manibela.

Ilang sandali lang napansin ko sa side mirror ko na may sasakyan na paparating sa pwesto namin.

"Ranz may sumusunod satin!" sigaw ko.

"Shit..." nakita kong pinapasabugan kami nung sasakyan sa likod.

"Ranz!" napapikit na lamang ako matapos kong maramdaman na tumama sa sasakyan namin yung grenade launcher. Naramdaman kong patumba na yung sasakyan namin.

"Aghhh..." napatingin ako kay Ranz, tumama yung ulo niya sa manibela.

Narinig kong tumigil yung sasakyan sa tabi namin. Binuksan nung lalaki yung pinto ko. Halos masakit buong katawan ko hindi ko na ito magalaw pa.

"Nako matutuwa si Boss nito." rinig kong sabi nung lalaki. Linagyan pa kami ng tela sa mukha.

"Dali isakay niyo na yung dalawa na yan!" rinig kong sabi nung lalaki bago pa ako nawalan ng malay.

_ _ _

Pagdilat ko, wala pa rin akong makita. Sinubukan ko naman igalaw yung braso ko pero nakatali pa rin ito.

"Kisha, ikaw ba yan?" rinig kong boses ni Ranz. Tila magkatalikod kaming tinali.

"Oo ako ito." sagot ko.

"Pre, mukhang gising na sila. Tawagin mo na si Boss." rinig kong boses ng lalaki sa di kalayuan.

May nag-alis ng takip sa mukha ko at nakita ko kung nasaan kami. Nasa isang warehouse yata kami.

"Boss sila yung mga nahuli namin." sabi nung lalaki habang nakasunod sakanila yung boss daw nila.

Inaaninag ko naman yung mukha.

"Kisha? Ranz?" Teka pamilyar yung boses niya ah.

"Rk?" rinig kong sabi ni Ranz, dahilan para magulat ako.

"Kilala mo sila boss?" gulat na tanong nung lalaki.

"Oo, pakawalan mo sila!" sabi niya na agad naman sinunod nung kasama niya. Naiwan naman akong tulala, dahil narinig kong nagsalita siya ng tagalog.

"Sorry, alam kong hindi kayo sanay na nagtatagalog ako pero, I'm half pilipino and american." pagpapaliwanag niya. Agad din naman ako naliwanagan.

"Nako, pasensya na ah. Akala namin kasamahan kayo ni Dr. Yansha." sabi nung lalaki habang pinapakawalan kami.

"Pasensya na kayo Ranz, hindi ko rin inaasahan na kayo yung huhulihin ng mga ito." sabi ni Rk hindi naman siya pinansin ni Ranz.

Nadako yung tingin ko sa kaliwang braso ni Rk kasi wala na itong kamay. "Ah eto? Nakagat kasi nung zombie yung kamay ko. Kaya pinutol ko para hindi agad kumalat yung virus." sabi niya, mukhang napansin niyang tinitignan ko ito.

"Nasaan yung presidente?" tanong ni Ranz. Napansin ko namang nag-iba ng reakyson si Rk.

"Tara, sasamahan ko kayo papunta sakaniya." sabi niya at nagsimula ng maglakad.

Napatigil ako ng marinig kong may humahampas ng pader. Naramdaman ko bigla yung kamay ni Ranz sa kamay ko.

"Tara na." Sabi niya, habang nakatingin lang sa daan.

Sa tuwing papalapit kami mas lalong lumalakas na paghampas yung naririnig ko.

"Iyan na siya ngayon." sabi ni Rk. Bigla naman itong tumakbo papunta sa amin, na siyang dahilan ng pag-atras ko. Mirror wall lang yung pumapagitan sa amin ngayon.

"Ilang araw na rin siyang nandiyan." sabi niya. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito yung presidente.

"Umaasa din akong babalik pa siya sa dati." sabi niya.

"Kailangan natin iligtas yung mga kaibigan ko at patayin si Dr. Yansha." ani ni Ranz, na siyang kina-iling ni Rk.

"I won't risk my men to save your men." seryosong sabi ni Rk.

"They're not my men they're my FRIENDS" madiin na turan ni Ranz, dahilan ng pagwalk-out ni Rk.

Naupo bigla sa sahig si Ranz at napasabunot sa sarili niya.

"Convince me if you can.." huling salita ni Rk bago ito nawala.

"Kung hindi sana nila tayo hinuli. Nasa kampo na sana tuloy tayo ng kalaban." bulong ni Ranz habang nakayuko sa sahig.

Naupo na rin ako sa sahig. Habang hinihintay umayos itong katabi ko. Alam kong pareho lang kami ng gusto iligtas sila kaso paano? Mamaya mas marami pa mga armadong lalaki ni Dr. Yansha kaysa sa amin.

Book 2: Be Live Be Taken: Special MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon