Epilogue

300 6 0
                                    

After One Year...

"Papa, akala po namin hindi na kayo pupunta sa kaarawan ko" nakangiting sabi ni Manuel habang nakanguso pa.

"Kaya nga ako natagalan ehh kase binilhan ko kayo ng chocolates!" Sigaw ko at nagpalakpakan naman sila.

"Yehey! Salamat po Papa!" Sabi nila at kinuha na ang supot na punung-puno ng chocolates and candy na dala ko.

Ngumiti na lang ako ng palihim at naglakad papunta kung saan nakatayo ang mga nagbabantay sa mga bata. Si Alice, Pia, at Nicole.

"Kumusta na si Jane?" Tanong ko dahilan kung bakit sila agad napalingon sakin.

"Ay nandyan na po pala kayo sir, si Jane po ba? Nandun po ulit sa kwarto niya, ayaw niya pong sumama sa mga batang ito para makipaglaro," sabi ni Alice na in-charge dito sa pinatayo namin ni Hana na bahay-ampunan para sa mga batang nasa lansangan at wala ng magulang.

Marami na rin ang naampon sa bahay na ito at gumanda na rin ang buhay ng mga batang musmos noon.

"O'sige pupuntahan ko na lang muna siya," akmang maglalakad na sana ako ng marinig kong magsalita si Pia.

"Na'san po ba ang asawa niyo sir Raikko? Sabi niyo po noon ipapakilala niyo siya sa amin eh hehe.." sabi niya upang mapatingin ako sa langit.

"Nasa paligid lang siya at binabantayan ako," sabi ko at tumingin sa kanila. Nagpatango-tango naman sila at muling nagsalita si Pia.

"Naku sir, dapat po pala ay umiwas kami sa inyo haha kasi binabantayan po pala kayo ng asawa niyo," sabi ni Pia na nagpatawa sa akin.

"Kung alam niyo lang talaga ladies, sige uuna na ko"sabi ko sa kanila at naglakad na ako papunta sa kwarto kung nasaan si Jane.

Nang marating ko na ang kwarto ni Jane ay kumatok muna ako bago pumasok. "Jane?"sabi ko bago ko sinara ang pinto at lumapit sa kama niya kung saan nakataklob ng kumot ang buong katawan niya.

"Bakit ayaw mong makihalo-biro sa mga batang nasa labas?" Mahinahon kong sabi na agad namang nakapagpa-upo sa kanya sa kama.

"Kasi po Papa, niaaway po nila akong lahat, mabaho daw po ako" natawa na lang ako ng bigla siya umiyak.

"Niaaway mo din ako Papa! Ayoko na po sayo!" Sabi niya at nagtalukbong ulit siya.

"Hay ikaw na bata ka, tulad na tulad kayo ng asawa ko," sabi ko na nakapag-patahan sa kanya.

"Talaga po Papa? Kung may asawa po kayo na'san na po siya? Na'san po ang Mama namin?" Napangiti na lang ako dahil sa tanong niya.

"Ang totoo niyan kasama na niya ngayon ang mommy niya sa langit pero hush muna tayo ahh...tutal maganda kayong dalawa ng asawa ko, dapat makita mo 'to," agad kong dinukot sa aking bulsa ang wallet ko at kinuha ang litrato namin ni Hana nung binilhan ko siya ng bagong phone noon.

"Wow! Ang ganda po pala ni Mama, Papa!" Sabi niya at nagtatalon pa sa tuwa.

"Kung magkamukha po kami ni Mama ibig sabihin po ba maganda din ako Papa?" Sabi niya kaya agad naman akong napatango.

"Kaso noon, tulad din kayong mabaho pero nung naligo siya at nagbihis ng maganda, dun na siya naging mabango.." masayang sabi ko atsaka ko pinaamoy sa kanya ang kwelyo ko.

"Ang bango niyo po Papa!" Sabi niya at niyakap ako.

"Naku, mabaho na nga ikaw, kung ayaw mong niaaway ka nila maligo ka na huh?" Sabi ko at pinisil ang ilong niya.

"Opo papa! Isusuot ko po yung niregalo mo sa'ming dress," sabi niya at tumakbo na palabas ng kwarto. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papasok dito sa kwarto at niyakap ako ng mahigpit.

I will be your Last Wish [COMPLETED]Where stories live. Discover now