[14]- Tonight with him

178 8 1
                                    

Chapter 14 - Tonight with him



HANA JANE'S POINT OF VIEW

"Thanks ahh..." Sabi ko sa kanya. Dahil kasi sa pag-iyak ko kanina, nabasa yung polo shirt niya. Jusko man ‘doy! Bwahahaha...

"It's okay!" Sabi niya. Pauwi na kasi kami sa bahay niya. Halos ilang oras din ako umiyak ng umiyak kanina. Banaman, ikaw kaya na malaman mo ang tunay mo pa lang Mommy ay dedsi na! Hay nako! Sino kayang hindi iiyak dun?

"Gusto mo ba na kumain muna tayo sa ngayon?" Sabi niya at tumigil sa isang gilid. Tumango na lang ako. Nalaman ko na lang na nasa may tabi na pala kami ng isang jollibee.

"Eto na po Sir! Thanks!" Nabaling ang tingin ko sa babae. Luh siya! Namumula ang pisngi???

"Ehem!" Nahalata ko kasi na hindi pa tinatanggal nung babae yung kamay niya sa paper bag! Nakikipagtitigan pa kay Raikko! Kainis ahh...

"Ayy, shorry po Shir!"

"Hala! Oy ate! Di mo ba ako nakikita? Nakakahiya ka ahh..." Tiningnan naman ako nung babae. Nagta-trabaho ba siya o lumalandi? Sorry for the word ahh... Ang pabebe kasi! Naiinis pa naman ako sa mga ganyang babae. Hays.

"Ayt. Istorbo ka Ma'am! Bye-bye shir!" Hayst. Jusko ko po! Sana kuhanin niyo na siya!!! Napakibit-balikat na lamang ako sa ginawa niya. Nakita ko naman na ngumisi si Raikko. Inirapan ko siya.

"Why?! Wag mo sabihing mahal mo na pala ako?" Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Ano???

"Ano?! Di ka nakapag-salita? Totoo ba?" Kinulabutan ako sa sinabi niya. Nakooooo... Mind reader ba 'to? Hala! Kung oo nga! Paktay na! Crush ko siya ehh... >_<

"Ano? Pinagsasa-sabi mo diyan?" Yan na lang ang tinanong ko. Hay jusko naman! Sana hindi niya malaman na may crush ako sa kanya.

"Tsk. Eat this!" Sabi niya at inabot sakin ang paper bag na binigay sa kanya nung babaeng malan---- hahaha... Grabe naman ako kung ganon di ba?

Kinuha ko ang paper bag at tiningnan kung ano ang nasa loob. Nakita ko na may burger at jollibee coke. How's sweyt!

"Thanks!" Sabi ko at kumuha ng burger.

"Huy! Anong thanks?! Hati tayo diyan!" TOINKS! Yan tayo ehh... Hatian. Bale isa lang ang makakain ko? Huwat? Paborito ko pa naman ang burger.

"K..." Sabi ko at kinuha na lang ang isang burger at isang jollibee coke. Binigay ko naman sa kanya yung paper bag na may tig-isang katulad nung sakin.

Pinaandar na niya ang kotse at diniretso na ito sa bahay nila. Di ba sabi ko kina Raikko ako, mago-overnight?! Di ba?..... Okay walang sumagot hahaha.. XD

"Hana?" Napatingin naman ako kay Raikko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Can I ask you a question?" Sabi niya nang hindi tumitingin sakin. Syempre nagda-drive ehh...

"K... What is it?" Sabi ko... Aba! Tama ba sinabi ko?

I will be your Last Wish [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz