[7]- Cute teady bear

188 8 0
                                    

Chapter 7 - Cute teady bear

HANA JANE'S POINT OF VIEW


Tumigil kami sa isang Red Ribbon Cake's Shop. Tama ba? Hihi basta... Bumili si Raikko ng isang mahabang Cake na full chocolate ang toppings. Natuwa na naman ang dalawa. Dumaan din kami sa Mall malapit sa Red Ribbon Cake's Shop. Sabi ni Raikko, lubusin na namin kasi birthday naman na ni Faith kaya binilhan namin sila ng Dresses. Madami ba? Oo madami. Birthday gift daw ni Raikko sa bata. Ewan ko nga kung bakit ang bait-bait nito sa mga bata ehh... Mas close niya pa ang dalawa kesa sakin. Kaloks naman hihihi....

"Gusto ko po nun!" Sabi ni Faith kaya kuha lang ng kuha si Raikko. Mapa-sapatos, damit, toys, kinuha na niya. Sure ba siya na kaya niyang bayaran ang lahat ng yan?

Pero naiwan ako nung tatlo. Pumasok sila sa isang Teady bear's Shop.

"Paki-deliver naman nitong big teady bear sa bahay na 'to!" May inabot siyang sulat sa isang sale's lady.

"Nandiyan yung address and a paki-kuha ako ng sticky note may isusulat lang ako!" Sabi nang hindi man lang nginingitian yung sale's lady. Pumunta siya sa may tabi ng counter. Sabi niya bantayan ko daw muna yung mga bata, kaya naman sumunod lang ako. Pagkatapos niya dun sa sinusulat niya ay nagbayad na siya. Php 12,975.50 Haneeeeeepp! Ang Mahal naman nung mga damit.

"Salamat po nang marami kuya!" Sabi ni Fiona sa kanya.

"Salamat din po!" Sabi din ni Faith. Saken? Di sila magpapa-salamat? Ang sad ko naman!.

"Hana... Paki-linisan mo nga ang mga batang yan sa C.R! Ilalagay ko lang ang mga ito sa sports car ko!" Sabi niya habang dala-dala yung mga pinamili namin sa Mall. Lakas naman nitong utusan ako? Hanep! Wala din naman akong magagawa siya ang boss ehh! Tsk tsk.

"Salamat din po ate!"

"Your welcome!" Akala ko di na nila ako kilala ehh... Ka-sad naman! Pero oks lang. Di naman nila ako nakalimutan. Dumiretso na kami sa C.R at pinunasan ko sila nang basang towel. Panyo ko pala. Tinanggal ko lang yung mga dumi sa katawan nila. Inayos ang mga buhok at sinuklay. Ang ganit pero nag-sorry naman sila. Hihihi dapat nga ako yung mag-sorry ehh...

"Hana! Eto yung ipasuot mo sa two kids!" Sigaw ni Raikko sa labas ng Girls Room. Kinuha ko naman at ipinasuot sa mga bata. Ang gaganda nila! Sabi na ehh... Konting linis lang?

"Wow! You look Princess guys!" Sabi ko sa kanila. Natuwa naman sila at agad na nagsitakbo palabas. Kinuha ko yung mga pinag-lumaan na nilang damit at itinapon. Butas-butas na kasi tsaka ang dungis na.

Sumakay na ako sa kotse ni Raikko. Tumingin ako sa may luma kong cellphone na Nokia pa. Sorna, mahirap lang kami eh...

Time check------05:35 P.M

Lagot ako kay Mama! Paktay sigawan ako nun? Tiningnan ko si Raikko habang nagda-drive sobrang seryoso naman nang mukha nito! Siguro pinaglihi siya ng kanyang butihing Mama sa sama ng loob ano? Ewan.-_-

"We're here kids!" Tumigil kami sa isang Mcdo, fast food. Ang saya nang mga bata. Sabi nila ehh... Dati dito pa sila namamalimos tapos ngayon... Dito na din sila kakain. Nice!

Pumasok kami sa loob ng Mcdo. Sabi ni Raikko siya na daw bahala mag-order, ako na daw ang bahala maghanap ng table na kakainan namin.

♥♥♥

Wala pang 30 minutes ay dumating na si Raikko. Dala-dala din niya yung Cake na request ni Faith. Halos nandito lahat nung sinabi ni Faith kanina ahh... Aba! Tumutupad sa wishes si Raikko? Aba Nice!

I will be your Last Wish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon