Chapter 24

142 2 0
                                    

Ilang buwan na rin ang lumipas nang makalabas na ako ng hospital, kahit na kaya ko pang maglakad ay pinilit pa rin ni Raikko na dapat maupo na lang ako sa wheelchair at siya na ang bahalang tumulak noon para sa akin.

Kagaya nang sinabi sakin ng Mommy ko, niyakap ko ang kambal kong si Nathan nang mahigpit at sinabi ko rin sa kanya ang sinabi sakin ni Mommy.

"Handa ka na ba?" Sabi ni Raikko habang inaayos niya ang buhok ko na maayos na maayos naman.

"Oo, saan mo ba talaga ako dadalhin?" Mahinang sabi ko at inalalayan niya akong maglakad habang takip na takip niya ang mata ko na parang may makikita naman ako.

"Gusto ko lang ipakita sayo ang taal na 'to," nang alisin niya ang kamay niya sa mata ko ay malabo pa ang paningin ko pero nang malinawan na ang paningin ko ay napangiti na lang ako sa nakita ko. Ang taal.

"So ano ba ang hiling mo sa darating mong birthday?" Agad kong nilingon si Raikko na nakangiti na nakatingin sa taal.

"Ang wish ko? Ang tanong, willing ka bang tuparin ang huling hiling ko?" Kahit na nanghihina na ako nang sabihin iyon dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon ay marahan pa rin akong niyakap ni Raikko mula sa aking likuran.

"Huli?" Napatango na lang ako sa tanong niya na may pagtataka.

"Yes, so what is your last wish Hana?" mas lalo kong naramdaman na humigpit ang pagkakayakap sakin ni Raikko kung kaya't hinawakan ko na lang ang kamay niyang nakapulupot sakin.

"Wedding, gusto kong maikasal sa harap ng bulkang mayon Raikko, yun...yun ang last wish ko" dun na ako tuluyang napangiti ng marinig ang humihikbing si Raikko at nagpatango-tango sa huling hiling ko sa kanya.

"S-so, I will be your groom, and you will be my bride my love," napalingon na lang ako kay Raikko ng kumalas ang yakap niya sakin at dahan-dahan siyang umatras.

"I, Hyums Raikko Casper!" Nakita ko ang luha sa mata ni Raikko habang nakangiti siya sakin. Nagsitinginan na sa'min ang mga tao dito dahil sa sinigaw niyang pangalan.

"Will you marry me Hana Jane Tiffany Morgan?" Kahit na hindi pa ako nakaka-graduate tumango ako sa kanya at lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya nang mariin. Narinig namin ni Raikko ang palakpakan ng iba't ibang tao na nakasaksi sa proposal niya sakin.

Nang matapos niya akong halikan, hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at saka niya sinuot sa palasin-singan ko ang singsing na hawak niya bago niya ito halikan.

"I will be your last wish my love," napayakap na lang ako sa kanya nang makatayo na siya.

"I love you Hana," napa-iyak na lang ako ng mariin niyang haplusin ang buhok ko.

"Mahal din kita Raikko," bulong ko at mad lalo niya namang hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin.

Kahit na hindi alam ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon ang kalagayan ko, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil sila ang saksi sa pagmamahal sakin ni Raikko at syempre na rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Inalalayan ako ni Raikko na bumalik sa dati naming pwesto at nilingong muli ang taal na saksi rin sa lahat. Hindi ko napigilang ngumiti ng malawak dahil sa naiisip ko. Ikakasal ako sa hinahangaan kong lalaki na owner pa nang school na pinapasukan ko.

Rinig ko ang bawat pagsinghot ni Raikko habang yakap niya ako sa aking likuran. Alam ko na malapit ng magwakas ang buhay ko. At sigurado na akong tataningan na rin ng doctor ang buhay ko.

Ilang oras pa nga ba ako tatagal sa mundong 'to?

Isang araw ba? Linggo, buwan? Ang sagot ko na lang siguro...ewan. Baka sa susunod, makalawa, o ikatlong araw mamatay na pala ako di ba?

Hindi natin alam ang takbo ng oras dahil bawat segundo, minuto, o isang oras na ang nakalalipas ay iba't-iba na ang nangyayari sa lahat ng bagay ng kilos natin.

Hindi din natin masasabi kung ilang oras na rin tayong mabubuhay sa mundong 'to kaya hangga't nandito pa tayo sa mundong ginagalawan natin dapat sulitin natin ang bawat oras na makasama natin ang pamilya, kamag-anak, kaibigan, at lalong lalo na ang pinakamamahal natin. At kung gumigising pa tayo kinabukasan para ipagpatuloy ang misyon natin o goals huwag nating kakalimutan ang magpasalamat sa diyos dahil binigyan niya tayo ng pagkakataong baguhin ang lahat ng nagawa natin mali noong nakaraan o kahapon.

Ang masasabi ko lang, huwag tayong mag-aksaya ng oras, bawat segundo ng buhay natin ay mahalaga.

"Alis na tayo?" Napatigil na lang ako sa pag-iisip ko ng mga bagay-bagay ng marinig ko ang boses ni Raikko.

"Saan naman tayo pupunta ulit? Raikko alam mo naman na bawal ako mapagod hindi ba?" Sabi ko na agad naman siyang tumango.

"I know, alam ko ang bawal, hindi dapat sayo Hana kaya please trust me, hindi ka naman mapapagod sa gagawin mo," sabi niya kaya tumango ako at inalalayan niya akong maglakad papunta sa sasakyan niya.

"Teka, saan nga ba tayo pupunta?" Tanong ko nang kabitan na niya ako ng seatbelt.

"Magsusukat ka nang wedding gown my love,"

I will be your Last Wish [COMPLETED]Where stories live. Discover now