Chapter 11: Section Royalty

23.6K 895 214
                                    

Ngayon ang umpisa ng pasok namin sa section ng Royalties at hindi ko maiwasan na hindi mapabuntong hininga.

Bago pa man ako pumasok sa Academy sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko ang mga mayroong mga mataas na ranggo dito lalong lalo na ang mga Royalties. Isang taon na ang pananatili ko dito sa Academy ngunit hindi ko alam na dahil sa kagagawan ko napalapit pa tuloy ako sa kanila.

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yun? Ang alam ko lang naman nainis ako sa mga sinabi ng Prinsesa ng Ondios dahil sa masyado itong mapagmataas at iyon ay isa sa mga pinakainaayawan ko.

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa harap ng pintuan ng Section Royalty ngunit imbis na buksan namin ito at pumasok nanatili lamang kami na nakatingin dito. Kapag binuksan namin ang pinto at pumasok kami ibig sabihin ay officially na dito na ang section namin at pwedeng maraming bagay na mangyari.

"What should we do now?" Pagbabasag ni Cyrille sa katahimikan.

"I don't know." Sagot naman ni Tine.

"Should we go in?" Enzo asked.

"Maybe!/Yes!/No!" Sabay sabay namin na sagot.

Napakamot na lang si Ethan sa batok nito na para bang naguguluhan sa amin ng bigla na lamang binuksan ni Monique ang pintuan at tuluyan na pumasok. Nagkatinginan kaming lahat bago nagpakawala ng buntong hininga dahil kay Monique.

Tuluyan kaming nakapasok at nakita namin na maraming naguguluhan pagkakita sa amin habang ang Royalties ay nanatiling nakatingin sa amin nakita ko din si Victoria na nakataas ang kilay habang tinitingnan kami at si Mich naman ay masama ang pagkakatitig sa amin o sa akin.

"What are you doing here?" bigla tanong ng guro na nasa harapan at mukhang hindi nagandahan sa biglang pagpasok namin.

"Inilipat kami ni Hm Tanya dito." Casual na saad ni Nova.

"At bakit?" Taas na kilay na tanong nito.

"Mabuti pa ma'am tanungin ninyo yung naglipat sa amin dito hindi yung kami na napilitan lang" mataray na saad ni Monique

Bigla itong namula sa narinig na sabi ni Monique habang kami naman ay napangiwi na lamang.

"Find a seat, huwag na kayo magpakilala tutal kilala naman na kayo." Namumula pa din na saad nito.

Tumango kami at pupunta na sana sa likod kung saan bakante at malapit sa Royalties ng bigla may nagsalita.

"Don't you think you should be tested?" Tiningnan namin kung sino ang nagsalita ng makita namin na isa ito sa mga kaibigan ni Mich na sa pagkakatanda ko ang pangalan ay Ynna.

"Tested?" Pagtatanong na sabi ni Alys.

"Lahat ng mga nalilipat sa section na ito ay dumadaan muna sa pagsubok upang makita namin ang kakayahan ninyo at doon namin masasabi kung talagang nababagay kayo dito." nakangiti ito habang nagsasalita habang ang iba naman ay nagulat.

"Ynna matagal ng inalis ang patakaran na iyan at mismo si Emperor Kiyan ang nagutos." Biglang salita ng isang babae.

"Alam ko pero hindi ba kayo nagtataka kung bakit sila nakakuha ng mataas na marka sa leveling at kung totoo talaga nila itong ability. Malay niyo nandaya lamang sila." May panguuyam na sabi ni Ynna habang nakatingin sa amin.

"Pero Ynna masyadong delikado." Muling sabi ng babae.

"They'll survive kung talagang malakas sila." Hindi pa rin matigil na sabi ni Ynna.

"Fine. When?" Bigla na naman na saad ni Monique na naiinis na.

"Monique!" Bigla naman sigaw ng mga kasama ko. Si Monique naman ay umiwas lamang ng tingin.

The Mystery In Her [Revising]Where stories live. Discover now