Maya-maya pa tumawag na si Yuta sa kanya.

"Oh?" Jaehyun answered his phone.

"May plano pa kayong umuwi? Sabihin nyo lang, hindi kayo isasama ni Doyoung sa sahog dito."

"Grabe ka, uuwi kami. Natutulog lang si Taeyong."

"Ha? Bakit natutulog? Anong pinakain mo dyan?"

Jaehyun sighs. "Uhm, ice cream? Chocolates?"

"Sweets? Gaano karami?"

"Medyo marami."

"Baliw ka ba? Sabi ko sayo noon wag mo i-spoil eh, wag sobra. Inaatake yan ng sugar rush nya. Nagiging hyper, buti naman at walang masamang nangyari?"

"Hindi ko hahayaang mangyari yun noh. Wag ka mag-alala, he's alright. Kaya pala ang cute nya kanina. Uuwi na kami."

After that call, muling tiningnan ni Jaehyun si Taeyong na mukhang malalim na ang tulog. Wala syang choice kundi ang i-piggy back ito pauwi.

Well, he don't mind. As long as it's Taeyong.

Since, hindi naman sobrang layo ng bahay ni Hansol, naglakad nalang si Jaehyun pabalik doon habang nasa likod nya si Taeyong, natutulog.

"Such a baby, bakit ganito ka kagaan?" He asked, kahit alam nyang tulog si Taeyong. "Do you know that I like you?" He sighs. "I hope someday, I have some guts to tell you this. But for now, I want to take care of you."

Nang makarating ang dalawa sa bahay ni Hansol, kaagad na sumenyas si Jaehyun na manahimik at baka magising si Taeyong, tiningnan lang sya nung tatlo na nakangisi at masaya pa para sa kanya.

After maiayos ni Jaehyun si Taeyong sa higaan nito, he planted a kiss on his forehead bago sya lumabas ng kwarto.

JUNGWOO

Hindi ko alam kung anong klaseng saltik ang tumama kay Lucas at nandirito sya sa bahay at nakikikain nanaman. Naabutan ko sya kanina sa labas ng bahay namin na mukhang ewan kung kakatok ba o hindi.

Ang masama pa nakita din sya ni mama at walang dalawang isip na pinapasok sya.

Ang galing.

Mas close sila ngayon. Actually nga kanina pa silang nagkkwentuhan. Pero tapos na ngayon.

"Ang ganda mo talaga noh?"

Napalingon ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay hindi ko alam kung conscious ba dahil o ano. Pakiramdam ko kanina pa syang nakatingin sakin.

"Ha?"

Umayos sya ng upo.

"Alam ko kung sino ang gusto mo, alam ko din na hindi ako yun. Pero sana hayaan mo ako na magstay sa tabi mo at wag mo akong itaboy."

Napatikhim ako sa sinabi nyang yun at iniwas ko ying tingin ko. The way na sinabi nya kasi yun parang manlalambot ka at tatakbo ka sa kanya para bigyan sya ng hugs and kisses.

Tangina, anong iniisip mo Jungwoo?

"Kahit naman itaboy kita hindi ka makikinig."

•Be Mine• (JAEYONG)Where stories live. Discover now