Chapter 22: Misunderstanding

1.9K 29 0
                                    

Picture po ni Chase, Lorainne, SD, at ni Janella a.k.a Jane

Lorainne's POV:

Naglalakad ako papunta sa parking lot. Gustong gusto ko na umuwi talaga. Nasukatan na nga kami ng jersey kanina. 3:00 pa lang. Pero 3:30 uwian namin. Ok na yun. Gusto ko na kaso talaga umuwi.

Flashback:

Recess na ng umaga ngayon. At ang aga-aga nang gagalaiti ako dahil sinisimulan nanaman ako ni Faye. Pag ako talaga di na nakapagpigil uuntog ko na yan sa pader. Di ako nag bibiro. Kung nahampas ko nga ng walis tambo yung classmate ko dati dahil sa inis ko siya pa kaya.

"So. I heard na ikaw ang muse natin. Nakoo. Ang malas naman ni Chase." Sabi ni Faye. At kasama pa niya yung 3 niyang alagad na mukhang dinapuan ng harina sa kapal ng foundation ng mukha. Si Faye naman mukhang dinapuan ng ketchup na may hot sauce na parang kinagat ng langgam dahil sa pula ng labi niya. Yuckkk.

"Ahh. Nalaman mo pala. Nakoo. Kasi naman maganda ako kaya ako yung napili. Alam mo try mo kayang ipakagat yan sa ipis at pahiran mo ng pintura na red yang labi mo kasi sa tingin ko, nahiya ka pang kapalan ng pagka red yang lips mo. Try mo gawin yun baka sakaling mapili ka next time na maging muse."

"Hoy ikaw kung makasta ka kala mo kung sino ka. Eh mas maganda naman si Faye sayo."

"Really? Eh kung maka pag foundation ka kala mo kay ganda mo. Gusto mo regaluhan kita ng harina bukas tapos iroll ko sa mukha mo yun. Tapos nun. Ready to eat ka na dahil mukha ka ng pandesal." Sabi ko at halatang nainis na sakin sila. Haha. Buti nga. Di ko sila aatrasan.

"Kala mo naman magugustuhan ka ni Chase kahit muse ka na. No way."

"Oo nga. Never ka magugustuhan ni Chase."

"Wala ka pa sa talampakan ni Jane."

Jane? Sinong Jane.

Wag ko na nga isipin. Di ko naman kilala.

Hinarap ko ulit sila.

"Bakit? Hiniling ko bang magustuhan ako ni Chase? Diba hindi? Baka kayo yun. Dapat nga ako mag sabi niyan kasi....."

Hinila ko si Faye at hinawakan ko ng mahigpit yung mukha niya. Nang gigigil na talaga ako.

"KASI ANG PAPANGET NIYO!" Sigaw ko at umalis na ko. Lahat ng studtantr sinamaan ko ng tingin.

Kailangan ko pang dumiretso sa sports club room. Susukatan daw kami ng jersey ngayon.

Pag dating ko nandun na lahat. Nag sisimula na sila. Late nanaman ako.

"Oh andyan na si Lorainne. Tara dito ikaw na mauna." Sabi ni Coach.

Bakit? Naglakad na lang papaunta sa table.

Nagsimula na kong sukatan nung babae.

Pag kaita ko sa sinusulatan niyang papel. Nakita ko na ang jersey no. ko ay 10.

O__________O

Bakit 10? Eh sabi ko 5?

"Hoy Coach! Bakit 10 to? Di ba 5 to?"

"Nag aaway kasi kayo ni Chase nung Sabado di ba? Parehas niyong gusto no.5 tapos pinapapalitan niyo sa isat-isa kaya naman naisip ko..

5+5=10"

O_______________O

"ANO?! Teka. Di naman kayo yung mag susuot eh! Shit."

Pag katapos nun papalabas na ko ng room ng.

"COACH ANO NANAMAN TONG KALOKOHAN NIYO?!"

Narinig kong sigaw ni Chase.

End of flasback

BAD GIRL Princess MEETS BAD BOY PrinceWhere stories live. Discover now