Chapter 12: TRIVIA <3

1.8K 24 0
                                    

"ATE!" Sigaw nung isang lalaki. Siguro mga nasa 2nd yr lang to. Ako naman si lingon. Malay mo ako nga yung tinatawag.

"Ako ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga ikaw nga Ate. May itatanong lang po ako."

Huh?

"Tatanong ko lang po kung new student ka." Tanong niya.

"Ah.. Oo. Bakit?"

"Nakita kasi kita kaninang umaga palabas ng office nung Principal. Kaya napaisip ko na baka new student ka. Ito nga pala."

Sabay abot niya sakin ng paper.Ano naman gagawin ko dito?

"SPORTS CLUB?" Tanong ko sa kanya. Putek. Mukha ba kong lalaki?!

"Ako nga pala si Echo. Secretary po ako ng Sports Club. At kung interested kayo sa Club namin.. Welcome po kayo.. "

Ha?! May mga ganun pala dito. Ano silbi nun. Eh tutunganga ka lang naman dun.

"Pag iisipan ko sige una na ko." At pumasok na ko sa loob ng library. Wow. Konti lang tao. Dito pala masarap matulog.

Kumuha ako ng libro at kunwari mag babasa ako.

Nako wala kang maasahan sakin pag dating sa mga basa basa. Nakakahilo yung mga naka sulat. Ang liliit.

Tinitigan ko lang yung mga picture tapos lipat agad. Mas madili pa pag picture lang yung titigan. :-)

Na eenjoy ko ha. First time to.

"Miss. Gagamitin mo ba yang book na yan. Kasi hihiramin ko." Sabi nung lalaki. Teka siya yung nabangga ko kanina. Bakit nandito to ulit. Siguro stalker ko to.

"Ha? Hindi sayo na." Sabi ko at inabot ko sa kanya. Putek na yan. Ang hirap mang panggap na mabait ka!

"Thanks." At umalis na siya agad at pumunta sa librarian.

....

Last subject na. Bilis ng araw. Pero nababanas ako dito sa katabi ko. Wala ng ginawa kung di matulog tapos pag may ipapagawa yung teacher ibibigay sa iba o kaya sakin yung papel niya para sagutan.

Putcha. Sana DI NA LANG SIYA NAG ARAL! SARAP PATAYIN.

"CLASS!"

Sabi nung teacher ko.  Eng na kasi ngayon. At karamihan samin mga tulog na. Di ko alam pero nakakantok talaga tong subject na to.

"CLASS!" SIGAW NUNG TEACHER NAMIN. LAHAT KAMI NAGULAT. NAGISING NGA AKO.

"Inaantok kayo ha. Oh sige ito na lang. My new trivia ako sa inyo."

Ano daw? Trivia? Pauso to!

"Ano yun Ma'am?" Tanong nung isa kong kaklase. Babae siya eh. Napansin ko nga na kanina pa yun tumitingin sakin. Bunutin ko mata nun.

"OK. Face your seatmate."

Agad namang nag harap yung mga kaklase ko. Ako hindi. Yuckk lang. Di niya ko mauuto.

Yung katabi ko naman. Nakatingin lang ng diretso sa teacher. Di ko pa nga alam pangalan, kahit natulungan ko na to.

"MR.DELA FUERTE. FACE YOUR SEATMATE NOW."

"Ayoko!" Sigaw niya sa teacher.

"MR.DELA FUERTE SA AYAW O SA GUSTO MO HARAPIN MO ANG KATABI MO!"

Nakakatakot

Humarap na sakin tong katabi ko. Ako naman sa board nakatingin.

"Miss. The Girl beside Mr.Dela Fuerte."

BAD GIRL Princess MEETS BAD BOY PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon