We were talking about what happened outside when Carol asked what happened to Simon's foot. Si Hebrew na ang sumagot pero natawa si Carol sa naging sagot ni Hebrew.

"You are so useless, Simon. Well, what do we expect from a gay. Acting like a damsel in distress." Natatawang sabi ni Carol.

Tahimik kaming nakatingin sa kanya na kahit si Selena ay mukhang hindi rin nagustuhan ang sinabi nya. Walang nagsalita sa amin at si Carol ay nagpatuloy lang sa pagkain na parang wala lang syang nasabing hindi maganda.

"Carol, what are you good at?" Ella asked in a cold voice.

Napatingin ako sa kanya, she has a stoic expression on her face.

"I'm good at beauty pageants. Actually, there's a lot of thing which I'm good at. Like—" Carol started boasting but Ella cut her off.

"Simon isn't actually useless. And he's good at being kind towards other people. He was there outside even though he was terrified. Unlike someone who just locked herself in her room while others are fighting and risking their lives outside." Seryosong sabi ni Ella na hindi namin inasahan ng lahat.

The way she said it, parang pinapakita nyang marami syang alam.

Ibinagsak ni Carol ang hawak nya sa mesa at kalmadong napatingin si Ella sa kanya.

"Wow. You talk like you know a lot about him, huh." The Carol in front of us isn't the Carol who we met with the boys.

Tahimik lang si Simon at parang wala lang sa kanya ang naging sagutan nina Ella at Carol. Masyado silang abala ni Hebrew sa kanilang pagkain.

"Carol, If you don't wanna be kicked out of this house, keep your shit together." Kalmadong sabi ni Selena bago tumayo. "Ella, we will dress your wound when you're done." Sabi nito bago umakyat sa taas.

Hindi na nagsalita pa si Carol. Nang matapos kami ay iniligpit ko ang mga pinagkainan namin. Pinakain ko si Chase ng kalahati ng pagkain ko kanina. Nang maubos nya na ito ay tumayo naman si Phoenix at binigyan rin sya ng pagkain.

It's already nine in the morning, the sun is high and we are removing weeds from our plants. May mga maliliit ng tumubo mula sa ibang parte ng pinagtaniman namin. Pero 'yung iba naman ay wala pa.

Hindi namin ito gagawin buong araw dahil hindi naman ganoon karaming damo ang nandito dahil araw-araw naman itong nililinisan. Si Carol ay inutusan ni Selena sa loob at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya. Nang wala na akong magawa ay pumasok na  ako. Pinapasok ko na rin si Hebrew para makapagpahinga.

Si Chase ay dinala ni Phoenix sa kanyang kwarto kanina. Doon daw muna ito.

Naupo ako sa couch kung saan ako natutulog dahil wala na akong ibang magawa. Naisapan kong pagkaabalahan ang cellphone ko. Paulit-ulit kong tinignan ang litrato nina mama at Gavin. Miss na miss ko na sila. Sobra. Kung sana ay pwede kong maibalik ang nakaraan ay gagawin ko.

Pumasok sa isipan ko si Phoenix. He said his wife died three years ago. Ganito rin siguro ang nararamdaman nya. May mga panghihinayang at may mga sana.

Tinignan ko ulit ang larawan ng pamilya ko. A smile crept to my face as the tears fell from my eyes.

I hugged my cellphone and imagined that I am hugging them. Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Ginapangan ako ng antok kaya nahiga ako sa couch hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

A hand cupped my cheek, waking me up from my sleep. Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko para matignan kung sino iyon.
Phoenix. He has a foreign expression on his face.

Gumalaw ako kaya inalis nya ang kamay nya sa mukha ko. He is kneeling in one knee, the other is bent in an angle to support his upper body. Tumayo sya at namulsa. Napansin kong madilim na kaya agad akong napatingin sa orasan sa dingding. Shit.

Adelaide: Today For TomorrowHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin