Meet my BOYFRIENDS. 39

26K 427 88
                                    

---Dedicated to femalecassanova. Hello! Sorry kung natagaan yung dedication mo. Enjoy! :) and salamat sa suporta. :) God Bless!

PS: the following scenes/chapters, iba't ibang timeslots na po. During their 5th year college na po yun. :) Sana ma-feel niyo tong chapter na to. :)

Chapter 39

Hay. Malapit na naman mag pasko.

I'm guessing this christmas isn't gonna be that merry again.

November na.

At dahil nalulungkot ako sa bahay, sabi ko dun na lang muna ko sa mansion. Sinamahan naman ako ni mommy kahit busy siya.

At ngayon, kasalukuyan akong nagaaral sa sofa habang hinihintay ang promise ni mommy na ipagluluto niya ko ng paborito kong sinigang.

"Kathryn, lalabas lang ako saglit ha? I'm just gonna fetch something. Dito ka muna."

"Sure ma."

"Hindi na ko magsasama ng body guards, mabilis lang ako."

"Ha? Eh baka kung anong mangyari sayo, ma. Isama mo na kahit si kuya Robert lang."

"No need, Kath. Sige na, mabilis lang ako. I'll be back soon. Good bye!"

"Bye." at bumeso ako kay mommy.

After a few minutes, bigla akong tinamad mag-aral.

Tumayo ako at pumunta sa kitchen para maghanap ng makakain na kung ano.

Sana may cake.

Pagpasok ko dun, nakita kong may hinahalo si manang.

May tao pala dito? Sobrang tahimik kasi.

"Manang, ano po yan?"

"Caldereta, paluto na."

"Ah. Okay po." tapos pumunta na ko sa ref.

"Luto na nga pala yung sinigang. Hintayin mo na lang mommy mo para sabay na kayong kumain." 

"Ah, saan po ba siya nagpunta?"

"May kinuha lang daw siya."

Hindi na ko sumagot. Tumalikod na lang ako para bumalik sa sofa.

Hihintayin ko na si mommy para sabay na kami.

Pero napatigil ako bigla sa narinig ko. 

Isang tunog ng baril mula sa labas.

"Shit!"

Sumilip ako sa bintana para tignan kung may ibang tao ba.

Pero iba ang nakita ko.

Isang hindi inaasahang pangyayari.

"Mommy?" dahan dahan akong naglalakad palabas ng gate. Patungo sa kalsada kung nasaan nakahandusay ang katawan ng mommy ko..

Duguan at walang malay.

"Ma'am! Teka lang po, wag po kayong lalabas! Baka mapahamak kayo!"

"Mommy?!"

"Kathryn!"

"Dad?! Dad! Si mommy! Dad! Tumawag kayo ng ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya, ano ba?!"

Hindi na nila ko napigilan pang lumapit kay mommy.

"Mommy.. Mom.. No! Please, no! Wag mo kong iwan, ma!"

Meet my BOYFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon