---Dedicated to TeamPadillaFTW. Hello! Sorry natagalan yung dedication. :) Thank you! Enjoy. :D

Chapter 33

Kath's POV


Isinama ako ni Gino papunta sa condo niya dahil aayusin na daw niya ang lahat. Tatapusin na niya ang gulo saming tatlo ni Sofia. And I hope na maayos na talaga to ngayong gabi.

Kaya nandito ako ngayon sa sasakyan at inaantay na bumaba na si Gino. 

Pero dahil impatient ako at gustong malaman kung anong nangyayari, umakyat ako.

20th floor. Nakarating na ko sa unit niya at naabutang nakabukas ng konti yung pinto.

Rinig na rinig ko sila kahit nasa labas pa ko. Ohmygod. 

Sumiliip ako sa loob. Gosh. Hindi ko alam kung maaawa ako kay Sofia o maiinis dahil sa nakikita ko ngayon.

Nagmamakaawa siya kay Gino na huwag siyang iwan. 

Grabe, sobrang sakit nun. Ang laking kahihiyan kung tutuusin pero ginagawa niya padin.

Dahil sa sobrang napa-tutok ako sa pinapanood ko, di ko namalayan na nabuksan ko ng konti pa yung pinto at tumunog ito. 

Napatingin sila sakin. Gulat at galit.

Gulat si Gino, galit naman si Sofia.

Bigla na lang sumigaw at lumapit sakin si Sofia.

"Ikaw! Ikaw babae ka! Mangaagaw ka!!! Gino was mine first! You slut!" 

At bigla niya na lang akong sinabunutan.

"Araay!" reklamo ko.

Pero parang hindi niya narinig. Kaya hindi padin siya tumitigil. Talagang galit siya sakin.

Wala naman akong kasalanan pero bakit ba ako yung sinisisi niya?!

Gusto kong bumawi pero alam kong mali at lalo lang magkakagulo. 

Lumapit si Gino at inawat si Sofia. "Tangina Sofia! Wag mong idamay si Kath dito!"

Napigil naman niya si Sofia at binitawan yung buhok ko.

Ang sakit nung pagkakasabunot niya sakin, grabe.

Magsasalita na sana sakin si Sofia ng biglang may sumigaw na lalaki mula sa pinto.

"SOFIA!"

Napatingin kaming tatlo.

Meet my BOYFRIENDS.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!