"Yeah, I get you. Iyon bang kahit na galit na galit ka pag nakakita ng isang adorable na baby, bigla na lang malulusaw ang galit mo. You were overcome by their cuteness. So, na-overcome ka pala ng cuteness ni Alexa?" Nangingiting tanong ng journalist.

Aya released a laugh. "Well... parang gano'n na nga... she's a very sweet baby."

"Aww..." Ivy cooed "pero mag-iingat ka, ha. Because she maybe just as vulnerable as a baby. You know... there's that thing with outgoing people. Akala natin parang lagi silang walang problema, na maning-mani lang sa kanila ang buhay, pero yo'n pala... mas malalim pa ang pinagdaraanan kesa sa'tin. Front lang pala 'yong pagiging masayahin nila," ang wika ng journalist "but I don't know with Alexa," agad na dugtong sa mas mataas na tono "I'm just saying."

Natigilan si Aya sa sinabi ng kaibigan. Naalala niya ang muntik na nilang pagka-aksidente ni Alexa. Siguradong may malalim na rason kung bakit biglang nawala sa sarili ang kasintahan noon. Hindi na niya naikuwento iyon kay Ivy at hindi na rin niya siguro sasabihin. That was a very sensitive topic for Alexa. Ayaw niyang pangunahan ito.

"O, bakit?" Curious na tanong ni Ivy nang biglang matahimik si Aya.

"Hm... wala naman..." iling ng designer.

"Akala ko'y na-offend ka na," turan ng journalist.

"Hindi... ano ka ba. Wala 'yon. Salamat sa paalala," nakangiti pang tugon ni Aya.

"Naalala ko kasi iyong sinabi ni Alexa---"

What Ivy was saying peaked Aya's interest. She tuned in expectantly. Ngumunguya kasi ito muli ng cake kaya naputol ang sasabihin.

Lumunok muna ang journalist at sumisimsim sa sariling inumin na espresso. "---ang sabi kasi niya, baka raw naaawa ka lang sa kanya," dugtong nito.

Napakunot-noo si Aya. "Sinabi niya 'yon?" Takang tanong ng designer. May kung anong damdamin ang nasaling sa kanya nang dahil sa nalaman.

"Yup. Just before you go to London," ang sagot ng journalist.



----



Napakurap-kurap si Alexa. Medyo nagiging awkward na kasi ang pakiramdam niya sa pagkakatitig ni Aya sa kanya. Kanina pa itong nakatingin lang at hindi nagsasalita.

Nasa apartment sila ni Alexa. Nakaupo ang dalawa sa makeshift couch na gawa sa pinagpatung-patong na unan. Nakasandal ang mga likod sa paanan ng kama. Wala kasing couch sa silid ng babae. Wala ring TV. Bukod sa kakain lang iyon ng space, para kay Alexa ay magdudulot lang ito ng katamaran sa kanya. At ayaw niyang nagsasayang ng oras. Ugaling-chinese.

Alexa cleared her throat when she couldn't fathom the silence, anymore. "Babe? What is it?"

Tahimik pa ring nakatitig lang ang kasintahan sa kanya.

"Nag-a-ala-estatwa ka na naman eh," komento pa ng makulit na babae. "Ano 'yan... pinagtitripan mo na naman ako ah..." dinaan niya ito sa biro. Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam niya sa paraan ng pagkakatitig ni Aya.

"Why you didn't tell me?" Aya suddenly asked.

Napakunot ang noo ni Alexa. "Ang alin?"

"Na pinagdududahan mo pala ang nararamdaman ko para sa'yo," sagot ng designer. Mula nang sabihin iyon ni Ivy sa kanya ay hindi na siya natahimik.

"Anong... " naguluhan si Alexa "ah... sinabi ba sa'yo ni Ivy?" She added in a realization. "Ano ka ba... normal lang naman siyempre na magduda ako. Pero huwag mo nang isipin 'yon. Okay na. Hindi na 'ko nagdududa. No'ng una lang naman eh..." pagrarason niya. The silly woman tried to act cool but she was having a bad feeling on where this conversation was heading.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now