Friends lang kami.

"Atsaka, anong sinasabi mong sinend? Hindi ko yun alam." Sabi ko naman. Kung ano man yung sinend ni Hansol sa kanya, hindi ko talaga alam at wala akong kinalaman doon. Malay ko ba kung anong kaharutan nanaman ang pinaggagawa nila ni Yuta?

"Nothing." Ginulo nya ulit yung hair ko saka kami dumirecho ng living room kung saan nandoon yung tatlo.

Enebe, kinikilig ako paggumaganyan sya. Nagagawa ba yan ng crush nyo sa inyo? Haha daig ko kayo!

Joke, peace tayo jan.

"Oh. Bakit ka nandito?" Tanong ni Yuta sa kanya.

"Kasalanan mo." Sagot pa ni Jaehyun. "Saka bakit mo sinama si Taeyong? May lakad kaya kami bukas."

"Meron ba? Wala naman syang sinabi eh, isa pa hindi ko yan pwedeng iwan mag-isa sa dorm at masyadong matatakutin."

"Inamong Hapon ka. Secret lang yon." Pabulong kong sigaw kay Yuta at mahina ko syang hinampas sa braso nya.

"Kailangan nya malaman para maprotektahan ka nya in the future."

"Manahimik ka nga."

"Eyy Dons, you have to cook na for our lunch." Nakangiting ngisi ni Hansol sabay hagis ng sandok kay Doyoung.

Oh? Marunong sya magluto? Hindi halata sa kanya. Well I know I shouldn't judge but, I'm a bit surprised.

"Marunong ka?" Bigla kong naitanong sa kanya.

"Wow, ang mean ha." Sagot nya sakin. Wag kayo, close na nga kami nyan.

"Seryoso kasi."

"Oo nga, hindi ba ako kinikwento ni Jaehyun sayo?"

"At bakit kita ikkwento?" Biglang sumabat si Jaehyun. Liningon ko naman sya at nginitian, ang gwapo kasi mga besh kahit mukhang napipikon sya.

Oy bakit napipikon kaya?

"Malay mo lang diba?"

"Tara tulungan kita." Sabi ko naman kaya nilingon nya din ako ng nagtataka.

"Marunong ka?" Balik tanong naman nya sakin at sya ulit yung nagtaka.

Napangisi ako saka sya hinampas ng malakas sa braso. Sabi sa inyo close kami eh. "Don't look down on me. Tara." Ayon hinila ko na sya.

"Grabe naman magluluto lang sila." Rinig kong sabi ni Hansol pero hindi ko na pinansin. Ang mahalaga, magluluto kami ni Doyoungsss.

Practice ko na din ito in the future. Malay nyo naman maging mabait sakin si Lord at hayaan nya na ako nalang ang ipakasal kay Jaehyun diba? Iba na ang ready no.

Habang ako'y tuwang-tuwa sa pinaggaga gawa ko, napansin ko si Doyoung na nakatingin lang sakin.

Ang ganda ko ata para tingnan nya ng ganyan.

De joke. Wag kayong maingay kay Taeil hyung.

"Wag moko titigan ng ganyan. Baka isipin kong crush mo ko."

"Asa ka naman hoy, ayokong mamatay ng maaga."

"Bakit? May nagkakacrush ba sakin na iba para ikamatay mo ng maaga?"

"Siguro. Malay ko. Bakit kasi ikaw na ang nagluto lahat nyan?"

Napatingin naman ako sa mga niluto ko. Oo nga no, nag eenjoy kasi ako kaya hindi ko napansin.

"Sorry na agad. Gusto mo tumikim?"

Ngumiti naman si Doyoung at tumango-tango.

----

THIRD PERSON

After nila kumain ng lunch, kaagad na hinila ni Jaehyun si Taeyong palabas. Hinayaan lang sila nung tatlo at sila na din ang nagligpit nang pinagkainan nila, nakakahiya naman kasi istorbohin yung dalawa. Si Taeyong na nga nagluto eh.

"Uy."

"Gusto mo ng ice cream?" Jaehyun asked, kaagad namang kuminang ang mata ni Taeyong at tumango-tango. Well, he loves sweets.

"Pati chocolate pwede?" Taeyong then nagpuppy eyes sya.

Those eyes made Jaehyun weak and soft.

Pinisil nya sa pisngi si Taeyong. "Okay, tara."

Jaehyun held him at lumabas na sila ng bahay ni Hansol nang hindi man lang nagpaalam. Ni hindi rin naman sumanggi sa isip ni Jaehyun na mag-aalala sila dahil hindi naman talaga since si Jaehyun naman ang kasama ni Taeyong kaya okay lang.

Hindi naman mapigilang kiligin ni Taeyong habang nakatingin sa kamay nyang hawak ni Jaehyun.

For him, it feels like a dream. Yung crush nya, eto kasama nya at hawak pa ang kamay nya. Bihira lang mangyari ang ganito.

"I heard from Yuta that, you like sweets." Jaehyun said, he actually asked Yuta everything about Taeyong. Whipped si koya.

"Ang daldal talaga nun." Natatawang sabi ni Taeyong.

"But he said, wag lang daw sobra. I wonder why?"

Napaawang ang labi ni Taeyong but he smirks. Si Yuta at Taeil lang naman ang pumipigil sa kanya kumain ng sobra eh, pero since wala sila ngayon, it's time to shine.

"Wag ka maniwala doon. Bili rin tayo ng cake please? Matagal na kasi akong hindi nakakakain ng sweets eh. Okay lang ba?" Taeyong pouted habang nakapuppy eyes.

So Jaehyun can't say no to those eyes.

"Sure. Para sayo." He smiled, showing off his dimple.

"Yey!! Thank you Jaehyun!!!" Taeyong said then did some little jumps. Finally.

Jaehyun smiled while watching him.

"Cute." He mumbled.

Katulad nga ng request ni Taeyong, Jaehyun bought him ice cream, chocolates and a piece of crepe cake.

Taeyong's eyes sparkled after nyang makita ang mga binili ni Jaehyun. Halos mahalikan nya sa pisngi si Jaehyun dahil sa tuwa nya pero syempre kalma-kalma lang muna sa kaharutang nararamdaman nya. Baka nakakatakot na, imbis na maging sila hanggang huli hindi matuloy dahil natakot sa kanya.

Pero never namang matatakot si Jaehyun sa kanya.

He gasped like a child nang makita ang mga iyon and he started to dig in.

"Gusto mo?" Taeyong asked but Jaehyun shook his head.

"No, I bought all of these for you. You can have it, I'm okay."

"Thank youuuu." Taeyong said like a child bago lantakan ang mga sweets na nasa harap nya ngayon.

Tuwang-tuwa naman si Jaehyun habang pinagmamasdan si Taeyong. He looks like a happy kid na sa wakas nabili na din yung favorote nyang candy.

"Pero kumain ka din kahit bite-bite lang!" Taeyong said, binawasan nya yung crepe cake at dahan-dahan na sinubo kay Jaehyun.

So dahil marupok din yung isa, hindi na sya tumanggi. Ang mahalaga napapasaya nya ang love of his life nya.

"Masarap?" He asked and Jaehyun nodded.

"Mas masarap ka." Biglang sabi nito, pero kaagad ding binawi. "I-I m-mean yung ano, masarap kang panoodin na nag-eenjoy." Jaehyun sabay fake cough nya. His ears are getting red na din dahil sa nasabi nya.

Kaloka.

Taeyong chuckled at sinundot-sundot yung dimple ni Jaehyun. "Ang cute mo talaga."

Kung tenga lang ang namula kanina, ngayon buong mukha na nya.

•Be Mine• (JAEYONG)Место, где живут истории. Откройте их для себя