Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang isa sa kanila. "Uy Gia, dito ka na sa kama, ako na sa kutson."

I smiled. "Thanks!" Agad kong sagot, baka bawiin pa eh.

Dali-dali kong pinatong ang bag sa kama dahil baka may umagaw pa. Yung rest hours sana namin ay naging chismisan dahil panay ang tanong nila sa akin. Kung kamusta daw ang pamilya namin, na ang gwapo ng kambal ko at kuya ko, na bakit daw ang yaman namin. Err. Ito 'yung mga tanong na ayaw ko ng sagutin, not that I am not proud, it's just that I am tired of answering it. Bakit ba kasi gano'n, they always ask the same thing, 'pag ba nakikita nila ako iniisip agad nila 'yung yaman namin, mga kapatid ko, at pamilya ko? Can't they ask what it feels like to be the only girl in the family and to have over protected brothers and parents?

Don't they want to know how I feel?

After a series of answering the same thing, finally someone asked something different.

She clapped her hands. "Nagka-boyfriend ka na ba?"

I shook my head. "Nope. NBSB kaya ako."

"Okay lang 'yan, uso single ngayon nakaka-bwisit lang maging in a relationship, sakit sa ulo."

They said many things they dislike when you're in a relationship. Bukod sa magulang mo, magpapaalam ka rin sa boyfriend mo ng mga bagay-bagay, saan ka pupunta, sino kasama mo, anong gagawin niyo, anong oras ka uuwi, may lalaki ba, at kung ano pa. Sakit din sa ulo na may iniintindi ka bukod sa sarili mo, mga kaibigan mo, at sa pag-aaral mo, lalo na kung bulakbol ang naging boyfriend mo. Iniisip mo kung nakagawa na ba ng homework 'yon, kung nag-aral ba, kung nakapasa ba sa quiz o exam, kung kumain na ba o nakipag-away lang, at kung may kasama bang babae.

But the most important thing they dislike in a relationship is jealousy. Tipong makitang may kausap na babae, tumatawa kasama ang ibang babae, gentleman sa ibang babae bukod sa'yo, sa kapatid at sa nanay niya, at iniisip niya ang iba habang magkasama kayo.

When will I experience jealousy because of someone special? Kay Macey naman hindi ako nagseselos do'n, tss, naiinis ako sa kaniya oo pero hindi 'yon selos kasi hindi naman siya kaselos-selos like duh, mas gusto nga ako kasama ni Gavin kaysa sa kaniya eh. No need to rub it in her face.

"Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" someone asked like it is something unusual. Ma-o-offend ba ako o ano?

The truth is no one dared to court me. Yes, they say I'm pretty, intelligent, but they don't say that they like me nor love me.

Am I hard to fall in love with?

Noon, 'pag may mga gathering with my parents' business partners ang dami kong nakikilala. Mayroon pa ngang mga nagbabalak na i-reto 'yung anak nila sa akin eh but of course my parents won't allow that.

And I'm telling you, hindi lahat ng anak ng business person or ng CEO eh gwapo. I met a guy na mukhang nerd as in, ang lalim ng eyebags niya and ang kapal ng salamin. 'Yung isa naman, ang yaman-yaman pero mukhang walang balak mag-gym. Meron din namang mga gwapo pero since alam nilang gwapo sila at mayaman eh damang-dama na nila, in short mga GGSS. And only Gavin caught my attention. Bata pa lang kami iba na 'yung dating niya hanggang sa lumaki kami siya pa rin 'yung lalaking, alam niyo 'yon, tipong pagkakita mo pa lang sa kaniya mapapamura ka na lang kasi iba 'yung feeling.

"I am actually waiting for someone." Waiting for an impossible become possible.

"Si Gavin ba?" I smiled. "Hindi ka ba niya nililigawan? Eh ang bagal naman pala no'n eh!"

I glared at her. "Sadyang gentleman and mature lang talaga siya. Kasi hindi siya basta-basta nanliligaw, he's waiting for the right time, I guess."

A Levelheaded LassМесто, где живут истории. Откройте их для себя