Chapter 60: Beginnings

Start from the beginning
                                    

Binigyan silang lahat ng instruction ng babae na tumayo sa harap ng shop.

Pinagitnaan nila si Sara na may hawak na napakalaking gunting.

Bago gupitin ang laking ribbon, pinasalamatan muna ni Sara ang mga tao.

Sinabi niya sa mga ito na since she was young, ito na talaga ang pangarap niya—to share her love for pastries.

"Baking gave me joy and I want you to experience that same delightful feeling whenever you come here."

Nagpalakpakan ang mga tao.

Ginupit ni Sara ang ribbon at binuksan ang bakeshop para sa mga customers.

The first fifty people were given a free cupcake and drink of their choice at pink T-shirts na may logo ng cupcake with Sara's Creations printed in white fluffy letters.

"Congratulations, hija." Proud na binati ng mama niya si Sara.

"Thanks, Ma." Tulad ni Kelsey, may lungkot din sa mga mata nito.

"Did you invite him?"

"Oo naman."

"He's really not coming?"

"I'm not sure."

"Sis," Inakbayan ni Frank si Sara.

"Cheer up. Today is the opening of your store. Malas ang nakasimangot. Sige ka."

"Oo nga naman. Isa pa, all of us are here. Kelsey is healthy and Rachel is here too. What more could we ask for?" Sabi naman ni Leah.

Napatingin si Kelsey sa mga kapatid.

Mula ng mangyari ang insidente sa kanila ni Rachel, nagising siya sa maraming pagbabago.

Una na sa lahat ang pag-alis ng Ate Sara niya sa company ng daddy niya.

Kinuwento sa kanya ni Rachel na dahil sa trahedyang nangyari sa kanya, inamin ni Sara na nabuksan ang mga mata niya.

Para daw may nag-click sa isip nito at nagulat sila ng bigla na lang itong magsabi na she was quitting her job to pursue her dream of opening her own café and bakeshop.

Ang Ate Leah at Kuya Frank niya, kahit determinado pa din at overachievers, naging mabuti ang pakikitungo sa kanya.

Habang nagpapagaling siya, laging dumadalaw si Leah para kumustahin siya.

Lagi itong may dalang cheeseburger, fries at Coke.

Kinukwentuhan din siya nito ng mga pangyayari sa mga kaso na hinahandle niya.

Hindi niya akalain na napakadelikado pala ng trabaho ng Ate niya.

There were death threats lalo na sa mga high-profile cases na hinahawakan nito.

Ang Kuya Frank niya naman, puro sasakyan ang bukambibig.

Ito kasi ang hobby niya at stress reliever.

Tulad ni Leah, nakakatanggap din ito ng mga banta sa buhay niya kasi labor cases ang hawak.

Kahit it took a tragic event for them to become closer, nagpapasalamat si Kelsey dahil doon niya nakita ang support ng pamilya.

There was one thing na bumabagabag sa kanya—her dad.

Not once did he show up to check up on her.

Kung hindi pa niya kinulit ang Ate Sara niya, hindi niya malalaman na nakipaghiwalay na ang mama nila dito.

It was a shock to Kelsey dahil her parents have been together for a long time.

Pero dahil daw sa pagmamatigas ng ama nila, minabuti ng mama niya na bumukod muna sa asawa.

Kung handa na daw ito na tanggapin si Kelsey, saka na ito uuwi ulit.

Then there was Rachel.

Kahit pagod ito sa trabaho, she spends her nights at the hospital para magkasama sila.

Doon na ito gumagawa ng lesson plan.

Binabasahan siya nito ng tungkol sa Greek Mythology hanggang sa makatulog siya.

Kinukuwentuhan din siya nito ng mga pangyayari sa school.

Nagulat siya ng malaman ng ikakasal na si Robbie sa girlfriend nito.

Sinabi din nito na kinausap siya ni Sister Margaret at pinagdarasal nito ang mabilis niyang recovery.

When she was discharged from the hospital, inuwi siya ng mama niya sa bahay nila sa Quezon City.

Mas maliit ito sa bahay nila sa Makati pero ang sabi ng mama niya, masaya siya dito.

Madalas umuwi dito sina Leah at Frank and the five of them had dinner together most nights.

Inasikaso ng Ate Sara niya ang klase niya sa MU.

Dahil hindi naman siya makakapasok agad, nagdecide si Kelsey na i-drop ang mga subjects niya.

"You can start over next semester. Sa course na gusto mo." Payo ng Ate Sara niya.

"Babe, are you coming in?" Narinig niya ang boses ni Rachel.

Pumasok na pala ang mama niya at mga kapatid at sila na lang ang hinihintay ng mga ito.

"Yeah."

Rachel's hand was outstretched and she took it.

She remembered the wish she had the first time she laid eyes on her.

That if she ever loved her back, she will never let her go.

THE END

***

A/N:

Another one bites the dust :)

This is the part where I thank you for taking the time to read this story.

I shared with someone that this was conceived during a surgery.

Heavily medicated and with nothing to do, I was watching a lot of the Season 81 UAAP Games of the Ateneo Lady Eagles.

It was also at the time when I was going nowhere with Book 3 of AD.

I wrote thirty chapters of SDTT before inspiration struck to continue AD B3.

As you can see, AD B3 came to an end.

Today, SDTT is done.

As always, I am grateful for your patience, comments, votes and time.

I am lucky to have readers who are kind and smart.

You keep me on my toes.

Keep dreaming.

I will keep writing.

See you again one of these days?

Take care everyone.

xoxo,

LCC

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now