Chapter Fifty-Five

Start from the beginning
                                    

"Blue, g-gusto ko nang umuwi," sabi ni Tammy. para itong basang sisiw at nanginginig sa lamig. "Hi-Hinahanap na ako sa amin, Blue."

Basang basa ng ulan ang katawan ng dalawa. Tumingin si Blue sa paligid mula sa itaas ng tree house. Sa lugar na ito, walang makakahanap sa kanila.

'Dito ka lang,' ang bilin ni Blue kay Tammy gamit ang sign language. 'Walang makakakuha sa'yo rito. Dito ka lang. Hwag kang aalis.'

"Blue, saan ka pupunta?" tanong ni Tammy nang makita na pababa si Blue ng tree house. "Blue, hwag mo akong iwan dito! Blue!"

Hindi pinansin ni Blue ang tawag ni Tammy. Patuloy siya sa pagbaba. Kailangan niyang bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa.

"Blue!"

Nakakailang hakbang palang si Blue nang may marinig siyang bumagsak na bagay.

Kaagad siyang napalingon sa likuran niya. Na-estatwa siya sa nakita. Nasa lupa si Tammy at hindi kumikilos.

Mabilis niya itong nilapitan. Nakita niya ang dugo sa ulo nito nang hawakan niya. Tila nag-yelo ang buo niyang katawan.

Tammy!

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at napuno siya ng takot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. May dugo...

Naibuka niya ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas.

Ilang ulit niya itong tinawag. Walang malay si Tammy sa kanyang mga braso. Tumingin siya sa paligid. Tinignan niya ang abandonadong playground at ang malakas na buhos ng ulan.

Nahugasan ng tubig ulan ang dugo sa kanyang kamay at sa ulo ni Tammy.

"T...Ta...mmy... Tam...mmy...."

"TAMMY!" sigaw ng isang babae. Basa ang buong katawan nito na tumatakbo palapit sa kanya. Puno ng takot ang mukha nitong kasing puti na ng papel. Mabilis na namula ang mga mata nito habang nakatingin sa walang malay na anak. Para itong mababaliw sa tindi ng emosyon.

"Tammy, gising Tammy! JARED, NANDITO SILA!"

Ilang segundo pa, nakita ni Blue ang kanyang ama na humahangos ng takbo. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"Blue!"

"Jared, si Tammy! Ang anak ko, tulungan mo si Tammy!"

"Ano'ng nangyari sa kanya?"

"H-Hindi ko alam. Jared, tulungan mo ako. Dalhin natin siya sa ospital."
Napakabilis ng mga pangyayari. Napatingin si Blue sa walang malay na si Tammy. Doon pumasok sa isip niya, kung pipilitin niyang manatili sa kanya ang isang taong gustong umalis... kapahamakan lang ang naghihintay sa kanila.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang ina. Isang siyang isinumpang bata.

Buong puso na nagdasal si Blue habang ipinapasok sa emergency room si Tammy.

Hindi na niya pipilitin pang manatili sa kanyang tabi si Tammy. Ang gusto lang niya ay maging ligtas ito at hindi tuluyang mawala katulad ng kanya ina. Kapalit nito, hindi na niya ulit lalapitan pa si Tammy.

Itatago niya sa kanyang memorya ang kanilang alaala.

***

"Blue, sumagot ka! Bakit mo ba ako iniiwasan? Nagpadala ako sa iyo dati ng mga sulat pero hindi ka sumagot kahit isang beses lang."

Hindi alam ni Tammy kung bakit napaka-laki ng epekto sa kanya ni Blue. Napaka-bata pa nila non. Pero naging parte si Blue ng kanyang kabataan at maliwanag sa isip niya ang mga ginawa nila noon. Malapit sila sa isa't-isa. Para niya itong kapatid. Palagi silang magkasama. Palagi siya nitong pinasasaya.

High School ZeroWhere stories live. Discover now