Chapter Three

130K 4.5K 1K
                                    

Chapter Three


May dalawang buildings ang Pendleton High. Ang east building ay inookupa ng mga third at fourth years. Sa west naman ay ang mga first at second years. Sa loob at labas ay magkatulad ang istruktura ng dalawa. Para sa west, ang first floor ay rooms ng mga freshmen, clinic at canteen. Sa second floor ang room ng mga sophomores, faculty at library. Sa third floor naman ang mga club rooms, science room, computer lab at private rooms ng mga Kings.

Des yeux qui font baisser les miens

Un rire qui se perd sur sa bouche

Sa west building, isang silid sa dulo ng pasilyo sa third floor ang nababalot ng malambing na musika. Nakatambay sa loob nito ang grupo ng dalawang babae at lalaki. Nakaupo sa isang sofa malapit sa bintana si Nino na nagbabasa ng isang libro. Patuloy sa pag-ikot ang vinyl sa turntable, naglalabas ng isang lumang kanta sa wikang pranses.

Voilà le portrait sans retouche

De l'homme auquel j'appartiens

"Nino, c'mon, don't be boring," lambing kay Nino ng babae sa kaliwa niya, si Lily. May hawak itong ilang baraha.

"Yeah, play with us!" sabi ng babae sa kanan niya, si Yana.

Ngumiti si Nino ngunit di inalis ang mata sa binabasa. "Should I?"

"Hoh!" sambit ni Marko habang nakatingin sa cellphone. May gulat na expression sa mukha nito. "Oi, Nino, tumingin ka sa bulletin board."

Hindi pinansin ni Nino ang kanyang Beta at inilagay sa bagong pahina ang kanyang binabasang libro. Ang dalawang babaeng katabi niya sa magkabilang gilid ay agad na kinuha ang mga cellphone nila at binuksan.

"Crap! Ang bilis nina Reo at Alex, si Oca din?!" bulalas ni Marko na napaayos ng upo.

Isinara ni Nino ang kanyang libro. Kilala niya si Marko, hindi ito marunong tumahimik. Kukulitin siya nito hanggang sa gawin niya ang gusto nito. Kung minsan ay hindi na niya alam kung sino ba ang Alpha sa kanilang dalawa. Pero higit sa lahat, nakuha ng tatlong pangalan na iyon ang atensyon niya.

May away na naman ba sa pagitan ng mga ito? Alam niyang mainit ang dugo ng mga ito sa isa't-isa. Alam din niyang si Oca, ang kanyang kaklase, ang madalas na nagsisimula ng away. Noon ay inaawat pa niya ang mga ito pero sa bandang huli ay nag-sawa na rin siya. Ngayon, si Marko nalang ang hinahayaan niyang umayos ng gulo. Ulit, sa kanilang dalawa, hindi na niya alam kung sino ang Alpha.

"Who's this?" tanong ni Nino nang makakita ng mga pictures sa bulletin board ng website ng kanilang school. Binuksan niya ang discussion tungkol sa mga pictures.

"PENDLETON HEIRESS" "HER ROYAL HIGHNESS" "I MET AN ANGEL" "TAMMY PENDLETON" "A BEAUTY" "HEART ATTACK" "SLOW MOTION" "NP CLOSE TO YOU" "REO AND ALEX TO THE RESCUE"

Kaagad na napatayo si Nino nang makita ang pinag-uusapan ng buong school. Palagi niyang naririnig ang usap-usapan tungkol sa anak ng gang leader na noon ay naghari sa buong distritong ito. At sa hindi malamang dahilan, bigla itong nawala matapos magpakasal. Nalaman lang niya ang mga iyon dahil napapaligiran siya ng mga taong interesado sa mga Pendleton. Sa totoo lang ay hindi siya interesado roon. Pero ngayon...

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nino.

"Je suis amoureux," ang sabi ni Nino bago mabilis na lumabas ng silid.

***

Sa loob ng classroom ng mga 2-C, halos maibato ni Hanna ang kanyang cellphone dahil sa mga nababasa sa school website nila. Puno ang top ten discussions ng site tungkol sa isang first year na babae.

High School ZeroWhere stories live. Discover now