Chapter One

245K 5.7K 1.6K
                                    


Chapter One 


It was eerily creepy. Iyon ang unang mapapansin ng sinoman na mapapadaan sa school ng Pendleton High. Kahit na napapaligiran ang eskwelahan ng 15ft na bakal at anim na gwardya, mukhang kulang parin iyon para maramdaman ng mga tao sa labas na ligtas sila mula sa mga estudyante nito. Kilala ang Pendleton High bilang school na tumatanggap ng mga delinquents. Hindi rin sikreto na sumasali sa mga underground tournaments ang mga estudyante nito. At dahil doon kaya ito kinatatakutan ng mga tao. Makikita ang ebidensya non sa mga murang renta ng apartments na malapit sa lugar. Ngunit ang hindi alam ng nakakarami ay may tatlong rules ang eskwelahan. Rules na kapag nalabag ay may mabigat na kaparusahan.

Unang araw ng klase mula sa mahabang bakasyon. Mararamdaman ang tensyon sa loob ng mga classrooms. Hindi iyon dahil sa naganap na away kanina sa school ceremony. Hindi rin dahil sa nabalitaan nilang estudyante na lumabag sa rules at ngayon ay pinaparusahan.

Ang tensyon sa paligid ay dahil sa balitang kumakalat simula palang noong summer break. At iyon ay ang banta sa lahat ng Kings ng Pendleton High.

Sa eskwelahan na ito ay may apat na kinikilalang Hari. Hawak ng mga Kings ang mga Alpha. Alpha ang tawag sa leader ng isang klase. At sa bawat year ay may apat na Alpha. Ang sistemang ito ang paraan para mabawasan ang gulo sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan ng lakas, doon nasusukat kung sino ang magiging pinuno. At walang magagawa ang mga nasa ilalim kundi ang sumunod. Kung sinoman ang hindi masaya sa kanyang pwesto, maaari niyang hamunin ang Alpha o King. Ginagawa ito kada taon sa pamamagitan ng mga tournaments. Ito ang batas ng Pendleton High.


[Class 2-B]


"Do you think it's true?" tanong ni Mara sa kanyang mga kabarkada. Nakuha niya ang atensyon ng mga babaeng busy sa kani-kanilang cellphones. "Na nandito ang taong 'yon?"

"Naniniwala ka ba sa naka-post sa forum?" umiiling na sagot sa kanya ni Kyla.

"Kung totoo man 'yon, gusto ko siyang makita," sabi ni Tanya. "Matagal na akong interesado sa pamilya nila. Curious ako. Ano nga ba ang nangyari sa kanila?"

"I heard na nag-tago sila sa America," sabi ni Jinny.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Alex, ang Alpha ng 2-B. Lumapit ito sa girlfriend nitong si Kyla. "Tungkol ba sa'kin?"

"Tungkol sa bagong Alpha at King ng mga first years. Wala pa sila, hindi ba?" nakangiting sagot ni Tanya. "Siguro magpapakita ang—"

"Imposible 'yan," singit ni Lau, kaibigan at Beta ni Alex. "Wala kaming nakita kanina. At kung nandito man siya, dapat ay alam na ng buong school. Pero wala naman hindi ba?"

"Pero kung sakali man na mag-krus ang landas namin," ngumisi si Alex at naramdaman nila ang uhaw nitong lumaban.

"Walang may gustong palagpasin ang pagkakataon na makalaban siya," sabi ni Lau. "Kaya kung nandito man siya, mag-tago na siya. Dahil first year man o hindi, siguradong hindi siya mawawalan ng hamon. Lalo na sa mga Hari."

"I bet ten thousand, that person is here," sabi ni Mara. "Malakas ang kutob ko na this year papasok ang Prince."

"Pustahan?" usisa ni Joel sa kanila saka tinawag ang pansin ng mga kaklase nila. "Oi! Pusta kayo dyan! Ano pusta ninyo? Nandito ba si Pendleton o wala? Lagay na kayo ng pusta!"

At naging abala ang ang mga estudyante sa pag-pusta. Hanggang sa dumating ang kanilang guro, doon lamang sila natahimik.


High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon