Chapter Twenty-Eight

87.6K 3.3K 1K
                                    

Chapter Twenty-Eight


Nabalot ng katahimikan ang loob ng bar na halos maririnig na ang pagkahulog ng isang karayom sa sahig. Lahat ng kalalakihan na nasa loob ay natigilan at nakatingin sa magandang babae na kalmadong nakaupo sa harap ni Bombi.

"Isang daliri? Seryoso ba siya?" bulong ng isang lalaki.

Para itong apoy na nag-sindi at nag-umpisang mapuno ng samu't-saring reaksyon ang silid. Si Bombi ay kaagad na napalunok. Naramdaman niyang pinagpawisan ang kanyang likod. Hindi niya maalis ang tingin sa mga mata ng magandang babae. Ang kulay abo nitong mga mata ay tila nagyeyelo sa lamig na nakatingin sa kanya. Para siyang natuklaw ng ahas at hindi makawala sa titig nito.

Inalis nito ang tingin sa kanya at saka lang niya nabawi ang sariling kaluluwa. Tumingin ito sa babaeng bihag nila at sa dalawang lalaki na nagbabantay dito.

"Hwag kang mag-alala, hindi mo naman kailangan putulin ang sarili mong daliri. Marami kang tauhan na maaaring mag-sakripisyo para sa'yo," ang sabi ng babae na iniikot ang tingin sa mga lalaki.

Sa narinig ay pa-simpleng itinago ng mga lalaki ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran. Sakripisyo?! Nandito lang sila para manood!

"Kung sakali na matalo ako, maari mong putulin ang daliri ko o ng kasama ko. Pwede kang pumili sa aming dalawa. Kapag natalo ka, pwede kong putulin ang daliri mo o ng kahit na sino mang tauhan mo na mapipili ko. Pumapayag ka ba?" tanong nito sa malamig na boses.

"Isa lamang itong laro, bakit mo kailangan ipusta ang magaganda mong daliri?" tanong ni Bombi na pilit itinago ang kaba. Hindi niya alam na may itinatagong kabaliwan ang magandang babae sa harap niya!

"Pera. Sasakyan. Bombi, alin sa mga ito ang ibinigay mo sa akin?"

Hindi naka-sagot si Bombi. Hindi niya ibinigay dito ang isang milyon na napanalunan. At ang dalawang sasakyan na ipinadala niya ay hindi na magagamit pa. Bigla siyang namutla. Alam niyang wala nang bigat pa ang kanyang salita.

Napamura sa isip niya si Bombi. Alam niyang magaling makipaglaro ang babae. At kung sakali man na matalo siya, ang mga daliri niya o ng mga tauhan niya ang kapalit.

"Pumili ka ng kahit na ano'ng laro at ako ang mag-sasabi ng rules. Kung sino man ang manalo ng dalawang magkasunod na beses, siya ang panalo sa laro."

Hindi tumingin si Bombi sa mga tauhan niya, pero ramdam niya ang tila tumutusok na karayom na tingin ng mga ito. Biglang nag-init ang kanyang ulo. Wala bang tiwala sa kanya ng mga tauhan niya?! Iniisip ba ng mga ito na matatalo siya?! Sa nangyayari ngayon, hindi na siya maaari pang umatras. Hindi niya gustong mag-mukhang talunan.

Dalawang magkasunod na beses. Kailangan lang niyang manalo ng dalawang magka-sunod na beses!

"At para hindi ninyo masabi na wala akong puso. Bibigyan ko ng pagkakataon na tumanggi ang sinomang papalit sa pwesto ni Bombi kapag natalo siya. Pero kung tatanggi kayo, ang mapuputulan ng daliri ay walang iba kung hindi ang inyong leader."

Kaagad na namutla si Bombi. Mukhang nakahinga naman nang maluwag ang mga tauhan niya. Hindi man tignan ni Bombi ang mga ito, naramdaman niya ang pagkawala ng tensyon sa mga tauhan niya! Mga p*ta! Mga walang silbi! Tila ba iniisip ng mga ito na may pag-asa nga na matalo siya!

Tinignan ni Nix ang paligid niya at hindi niya maitago ang bahagyang pag-angat ng dulo ng kanyang labi. Sa kaunting salita ni Tammy, naka-gawa na kaagad ito ng lamat sa pagitan ng boss at mga tauhan nito. Walang gustong mag-sakripisyo sa mga ito. Hindi pa man nag-uumpisa ang laro, nagawa na ni Tammy na i-isolate si Bombi sa mga tauhan nito.

High School ZeroWhere stories live. Discover now