Chapter 49: The Talk

Start from the beginning
                                    

Tumango si Kelsey.

"At dahil dun, nagwala ka ganun ba?"

"Why didn't you say it back?"

"Diyos ko naman, Kelsey. Just because hindi ko sinabi, ibig sabihin hindi na kita mahal."

"So, bakit nga hindi ka nagrespond?"

"Una, hindi ako sanay. Nung sinabi mo iyon, natigilan ako. I know you were expecting me to say something but the moment passed at hindi ko na nasabi." Pinisil ni Rachel ang kamay niya.

"But it doesn't mean I don't feel the same way about you. Binigay ko na nga sa'yo ang lahat di ba? Sinuko ko ang Bataan at kung ano pang pwede kong isuko. I gave you a key to my apartment dahil I wanted you to have a home here kasama ako."

Ngumiti si Kelsey.

"Pero hindi pwedeng at the first sign of a problem, maglalasing ka. That's not how we should solve our problems, Kelsey. We are in a relationship. You should talk to me kung merong gumugulo sa'yo at hindi iyong bigla ka na lang tatahimik. Sinabi ko naman sa'yo di ba? Hindi ako mind reader."

Huminga ng malalim si Kelsey.

"Does this mean I'm forgiven?"

"No."
"No?"

"I'm not going to kiss those lips hangga't hindi mo nililinis ng maigi ang bibig mo. Malay ko anong bacteria meron sa bibig nung Angie na iyon."

Natawa si Kelsey.

"Don't worry. I rinsed my mouth with a big bottle of mouthwash."

"Seriously, Kelsey, I am very disappointed."

"Alam ko. I'm mad at myself too." Sumeryoso na ulit ang itsura nito.

"I made a big mess and I don't know how to fix it."

"Why don't you start by telling your Ate Sara that you're okay."

"I will do that. She has hundreds of voice mails and text messages."

"Saan ka nga pala nag-stay?"

"Kina Flo."

"Bakit hindi ka dito pumunta?"

"First, I know you were mad at me. Pangalawa, alam ko na ikaw ang unang tatanungin ni Ate Sara kung nasaan ako."

"Tama ka. Ako nga ang tinawagan niya."

"Ano pa eh di alalang-alala sa'yo? Pati ang Ate Leah mo at Kuya Frank, pinapahanap ka."

"Talaga?" Sumaya ang itsura ni Kelsey.

"Oo naman. Alam mo, kahit hindi kayo magkakasundo minsan, hindi ibig sabihin na wala na silang pakialam sa'yo. Kapatid ka pa din nila. Bunso ka pa. Natural lang na mag-alala sila."

"Natatakot pa din ako na ipatapon ni Daddy sa Taiwan."

"Hindi malulutas ang problema mo kung magtatago ka. Sa pag-alis mo, siguro naman alam na nila na ayaw mo talagang pumunta dun."

"But it doesn't mean Dad won't do it."

"Maaaring tama ka."

Biglang may naalala si Kelsey.

"Eh ikaw, how was school? Did somebody see that video?"

"Si Robbie lang ang nagpakita sakin ng video. Other than that, wala naman akong nabalitaan."

"Sana nga wala ng may alam. Natatakot kasi ako na baka kapag nakarating kay Sister Margaret, she will fire you."

Natahimik si Rachel.

Kahit siya, nagtataka din kung bakit walang sinuman sa mga co-teacher niya ang bumanggit tungkol sa video.

Sana nga wala ng may ibang alam tungkol dito maliban kay Robbie.

"Rach, kung sakali mang may mangyari, I will stand by you."

"Don't make promises you couldn't keep."

"I'm not. God knows ang dami ko ng pangako na napako. But in case something happens to you, gagawin ko ang lahat para tulungan ka."

Tinapik siya ni Rachel sa tuhod.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Ipagluluto kita ng corned beef. May de lata pa naman diyan. Okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman."

"Hanggang kelan ka mag-stay kina Flo?"

"Hindi ko alam eh."

"Bakit di ka na lang dito muna tumuloy? Baka nakakahiya naman sa parents ni Flo."

"Are you sure okay lang sa'yo?"

"Oo naman. Pero tawagan mo muna ang Ate Sara mo para alam niya na ligtas ka."

"Okay."

Tumayo na si Rachel at tumungo sa kusina.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now