Chapter 42: One Bad Night

Start from the beginning
                                    

Sa likuran ng mga ito ay nakasunod si Kelsey at nang makita niya kung sino ang kasama ay nagpanting ang tenga niya.

Bukod kasi sa di niya talaga gusto si Angie nung first time niyang makita ito, mukhang tuwang-tuwa si Kelsey habang nakikipaghalikan dito.

Nakahawak pa ang kamay ni Angie sa pisngi ni Kelsey.

Nanliit ang mga mata niya at nag-init ang katawan niya.

Ito ba ang nagsabi sa kanya dati na wala siyang dapat pagselosan?

Kalma lang, Rachel. Paalala niya sa sarili.

Una, kahit gusto niyang umakto as a jealous girlfriend, hindi pwede.

Hindi alam ng mga kasama ni Kelsey kung anong meron sa kanilang dalawa.

Isa pa, hindi siya kailanman naging eskandalosa.

Lagi niyang pinapaalala sa sarili niya na meron siyang reputasyon na pinangangalagaan.

Kaya kahit gusto niyang hablutin at sabunutan si Angie, todo pagpipigil ang ginawa niya.

"Kelsey." Tinawag niya ang kasintahan.

Pagkarinig sa boses niya, naitulak nito si Angie.

Nawalan ito ng balanse at buti na lang at nasalo ng bouncer dahil kung hindi, sa lupa ang bagsak nito.

"You're here." Utal na sabi ni Kelsey sabay turo sa kanya.

"Hey guys," Tinawag niya ang dalawang lalake na kasama nila.

Tumigil ang mga ito sa paglalakad at humarap kay Kelsey.

"You see this girl right here," Nakangising sabi ni Kelsey, "She's my girlfriend."

"Woah!" Sigaw ng isang lalake.

"Angie, may girlfriend na pala si Kelsey eh. Lagot ka." Tukso ng isa na maliit, payat at crew cut ang gupit.

"But listen to this." Hindi pa tumigil si Kelsey.

Tinitigan siya ni Rachel at namumungay na ang mga mata nito sa kalasingan.

"I told her I love her but she didn't say I love you back. How fucked up is that?"

Nakita ni Rachel na nilabas ng kasama nina Kelsey na singkit at parang Korean boy band ang hairstyle ang cellphone nito at nagsimulang kuhanan sila ng video.

"Kelsey, enough." Hinawakan niya ito sa braso pero hinawi nito ang kamay niya.

"I thought you love me but I was wrong." Di pa din ito tumigil sa pagdadrama.

"You know what? I came here because I thought you were in trouble." Matigas na sabi ni Rachel.

"If you're not going to stop this nonsense, I'm calling your mother to pick you up." Tumalikod na si Rachel palayo.

Narinig niya ang pagsigaw ng mga lalake habang kinakantiyawan si Kelsey pero hindi niya ito nilingon.

Pinipigil niya ang sarili na umiyak dahil sa inabot na kahihiyan.

Kaya pala ang tamlay ni Kelsey habang bumibiyahe sila pabalik ng Maynila dahil may hinanakit pala ito.

Pero sapat na dahilan ba ang nangyari para magkalat siya?

She's not even out to her parents yet pero anong ginawa niya?

Siniwalat niya ang feelings niya sa harap ng mga taong hindi naman niya gaano kakilala.

Paano kung ikalat nung lalake ang video na kinukuha nito?

For sure malilintikan silang dalawa?

Nowadays, kahit mga ordinaryong tao, wala ng privacy dahil halos lahat may cellphone.

Kahit ayaw mong mavideo, hindi mapipigil ang mga ito na gawin ang gusto nila.

Narating ni Rachel ang parking lot at nagulat siya ng marinig ang boses ni Kelsey.

Wala na ang mga kasama nito at humahangos na hinabol siya.

"Rach, I'm so sorry." Nawala na ang pagkautal nito.

Hinawakan siya nito sa braso pero pinalis niya ang kamay ni Kelsey.

"Do you realize what you did?" Mahinahon ang tono niya.

"I'm really sorry." Pagmamakaawa ni Kelsey.

"You should be." Galit na sabi ni Rachel.

"Babe, I was drunk."

"Bullshit!"

Natigilan si Kelsey.

Ngayon niya lang nakitang nagalit si Rachel.

"Give me your keys. I'm taking you home."

Kinapa ni Kelsey ang bulsa ng suot na maong na parang hindi matandaan kung saan nakalagay ang car keys.

"Check your jacket." Yamot na sabi ni Rachel.

Dinukot nito ang kanang bulsa at inabot sa kanya ang susi.

On the way back to the apartment, hindi sila nagkikibuan.

Nakatutok si Rachel sa kalsada habang nakatingin naman si Kelsey sa bintana.

Kung kanina ay lasing na lasing siya, ngayon ay alerto siya.

She knew she screwed up.

Big time.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now