Chapter 40: Rituals

Comenzar desde el principio
                                    

"Talaga?" Nakaramdam ng kilig si Kelsey.

"Oo. Bilisan mo bago magbago ang isip ko."

Binitawan ni Kelsey ang unan at lumapit sa duffel bag para kunin ang Hermes Blue Trousse cosmetic bag.

Inabot niya ito kay Rachel na napataas ang kilay ng makita ang label.

"Sosyal. Pati pouch bag mo Hermes?"

Natawa si Kelsey.

"Regalo yan ni Ate Sara. Yun ang may Hermes obsession."

"Talaga?" Binuksan ni Rachel ang zipper at nilabas ang

Clinique moisturizer.

"Oo. Yun daw ang way niya to reward herself lalo na dahil she hates her job."

"Umupo ka dito." Tinapik ni Rachel ang puwesto sa tapat niya.

Sumunod naman si Kelsey.

Nakatitig siya kay Rachel habang binubuksan nito ang lalagyan.

Maikli ang kuko niya at walang nail polish.

Matilos na parang kandila ang mga daliri at bakas ang mga ugat.

Pag-angat ni Rachel ng tingin, nagulat siya dahil nakatitig sa kanya si Kelsey.

"Bakit mo ako tinititigan?"

"I just realized na this will be the first time na gagawin mo sakin 'to and I find it sweet."

"Alin? Ang ganito?" Biglang pinahid ni Rachel ang thin layer ng clear moisturizer sa ilong niya.

Iiwas sana si Kelsey kaya kumalat ang moisturizer pati sa pisngi niya.

"Oops. Sorry." Dahan-dahang pinantay ni Rachel ang clear liquid.

Makinis at maputi ang kutis ni Kelsey.

Walang nunal o freckles at pantay pati ang kulay pati sa tenga.

Iniiwasan ni Rachel na tumitig sa light brown eyes nito pero nakikita niya na napapangiti ito.

"I so want to kiss you right now." Sabi ni Kelsey.

"Why don't you?" May tono ng paghahamon na sabi ni Rachel.

Hinawakan ni Kelsey ang kamay niya at kinuha ang moisturizer para takpan.

Nilapit niya ang labi kay Rachel pero bigla naman nitong nilayo ang ulo.

"Why? Is something wrong?" Gulat na tanong ni Kelsey.

"Katabi ng kuwarto ko ang kuwarto nina Papa." Pabulong na sagot ni Rachel.

"Don't worry. I'll be very quiet." Pabulong din na sabi ni Kelsey.

"There's one more thing." Biglang tumayo si Rachel pero hinila siya ni Kelsey sa kamay.

"Babe, I have to lock the door."

Pagkasabi nito ay saka lang siya binitawan ni Kelsey.

Pinatay din ni Rachel ang ilaw.

Liwanag lang ng buwan ang pumapasok sa loob ng bintana.

Imbes na umupo sa kama, kumandong siya kay Kelsey.

Agad siyang hinalikan nito sa labi.

Marubdob, mapusok, mainit.

Naramdaman niya na mabilis na inalis ni Kelsey ang belt ng suot na robe.

Panty lang ang suot niya dahil sinadya niya talaga na huwag magbra.

She couldn't remember the last time they made love.

She's Dating The TeacherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora