Chapter 19: 𝗘𝗳𝗳𝗼𝗿𝘁

Start from the beginning
                                    

Tiningnan ko sya sa side mirror ng kotse at parang ang layo na naman ng iniisip nya.

Kapag tumingin naman ako ng diretso sa kanya ngingiti lang sya ng pilit.

Ngiting parang pagod na pagod kahit wala namang gina-gawa.

"Jake may tanong ako sayo."

"Ano naman."

"Normal lang bang magalit sa'kin yung nanay ko ng sobrang tagal?"

"Hindi ko alam Jade ang alam ko lang kasi walang nanay na hindi nagmahal sa anak. Lahat ng nanay mahal nila ang anak nila minsan nga lang makikita mo na parang wala kang halaga pero it doesn't mean na hindi ka na nila mahal, ang gusto lang nila mapa buti kalang in the near future."

"Ewan ko nararamdaman ko kasi na parang ni kaunting pagmamahal wala naiibigay sa'kin si mama lahat na kay ate napupunta lahat na sa kanya even though nakakagawa sya ng mali sa'kin parin ang sisi."

"Sorry Jade hindi ko kasi alam ang ganyang pakiramdam, my mom love's me so much."

"Sana all nga mahal ng ina, ako parang basta lang nabuhay."

"Hey don't think negatives hayaan mo sya I know na someday she will be proud of you."

Ngumiti lang sya sa'kin this time alam kong totoo na ang ngiti nyang 'yon.

********

"So paano dito na ako Jade may practice pa kami mamaya pa namang one o'clock ang start ng game."

"Sige dito naman muna ako may klase pa ngayong umaga eh, buti ka pa excuse."

Kumaway nalang sya sa'kin at tyaka naglakad palayo.

"Hoy Kim ngiting-ngiti ah sino na naman yang nag-papangiti sayo?"

Sinamaan ko ng tingin si Deon ayos pa ang pag-iimagine ko dito panira.

"Hoy Kim sino nga yang nag-papangiti sayo? si Jade!? si Shane!? and 99 others?"

"Gago ka talaga Deon manahimik ka nga muna dyan panira ka ng araw."

"Bakit kayo lang ang nag-uusap bakit hindi nyo manlang ako sinasali."
sabat naman ni Raver na ngayon ay nasa harapan ko narin.

Mga lintek na kaibigan ko ang tatakaw sa chismis. Lalaki ba talaga itong mga 'to?

"Yown si Kim! huli ka pero di kulong!"

"In love ka nga Jake nays! dahil dyan libre mo kami ng snack mamaya."

Sinamaan ko naman sila parehas ng tingin.

"Fuck you! mga buraot kayo!"

"Sinasamantala lang namin ang pagiging inlababo mo."

"Tsk mag practice raw kasi tayo hindi mag-kwentuhan!"

"Okay tara let's go."

Nagsimula na kaming mag-practice at doing good naman kami.

Wala paring kupas ang team namin even though nakakalungkot kasi next year college na kami.

I'm In Love With My Boss Where stories live. Discover now