Chapter 6

150 11 2
                                    

OTHER PERSON'S POV~

"Hey, it's your birthday too. Happy birthday Angelo.. Alam ko na walang babati sayo bukod sakin dahil you hide it from everyone. Kmusta kna ba? Tagal na nating hindi nagkakakwentuhan aah? Namimiss na kita sobra. Sana di nalang tayo nagkahiwalay.. Sana hindi nalang kita inaway nung mga bata palang tayo baka hindi tayo pinaglayong dalawa."

Napabuntong hininga ako habang patuloy na pinupunasan ung luha ko na hindi nauubos.
Nakatingin lamang ako sa larawan ni angelo kung saan nakangiti sya..
Ito ung mga panahong masaya pa sya at nakakausap ko pa sya..

"Alam ko may dahilan kung bakit nangyari to at aalamin ko un.. Pangako.. Aalamin ko.. Basta lagi mong tandaan kung nasan ka man ngaun mahal na mahal kita.. Itakwil ka man ng lahat mananatili akong nasa tabi mo.."

Tama malalaman ko din ang dahilan kung bakit nangyare yun. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino o ano ang dahilan nya.. Pinapangako ko yan..

Muli akong napatingin sa litrato nya at tumulong muli ang aking mga luha..

Lumabas na din ako sa kwarto dahil marami pa kong dapat gawin..

DEV'S POV~

WHAAAAAA! This is it pancit bihon! Birthday na nga pala ni angela and Im so excited to present a song for her. Sana magustuhan nya..

Napatingin ako sa gitara ni lance at napangiti..

"Dude, Mukhang tinutulungan mo ko aah. Gusto mo ba,si angela para sakin? Magkakagirlfriend na ba ko sa wakas? Hahahaha cheer me up bro!" Kausap ko sa gitara..

Inayos ko na yung sarili ko dahil alam kong maya maya nandyan na ung mga kaibigan ko..

Tamang wisik wisik lang din ng pabango para syempre fresh ung amuyan ko hahaha baka dumikit sakin si angela ih. Hihi kikiligin ako promise.

Maya maya dumating na nga ung mga bugok kong kaibigan na walang ginawa kundi mambully.

--___-- bakit kaya? E maayos naman outfit ko ah ang cool nga ih..

Anyways so ayun nga papunta na kami sa bahay nila at kinakabahan ako na naeexcite.

At ito na nga nakarating na din kami sa bahay nila,angela at talagang kinakabahan pa din ako. Ung pintig ng puso ko abot hanggang malaysia..

"Ica, Bi, may kinakabahan dito sa gilid ko.. Hihimatayin na ata ee. Hahahaha!" Sabi ni aldrin na ang tinutukoy ay ako.

"Sira hindi ako kinakabahan no." sabi ko.

"Sana hindi ka magboses kambing aah na sa sobrang kaba ee manginginig ung boses mo." Tawang sabi ni abby.

"Tatawag ako agad ng ambulance." Sabi aman ni rica.

"Alam nyo? Di kayo nakakatulong, tara na nga pasok na." Sabi ko.

Pagkapasok namin sa gate rinig na namin ung music sa loob ng bahay nila. House party nga talaga, sana walang tao masyado.

Pagpasok namin..

0_0 <- itsura namin..

"Hi guys, o bat natulala kayo?" Bungad ni angela pagkakita samin.

"Nasan mga bisita mo? Kala ko marami." Sabi ko.

"Hindo ako naginvite dun kasi wala naman ako kaclose masyado. Kayong apat lang kasi nakakasama ko so far. Tsaka auko ng matao masyado. Mas masaya kapag konti lang hehe." paliwanag nito

"Sakto hindi kakabahan si Devs." Sabi ni aldrin na nangaasar pa din.

Naku kung hindi lang masama manapak kanina ko pa sinapak to.

"Kakabahan saan?" tanong ni angela kay aldrin.

"Kakantahan ka,daw nya." sabay na sabi ni rica at abby..

Nagningning naman ung mata ni angela,at napangiti sabay harap sakin.

She gave me her sweetest smile..

"Talaga? Naku Im excited." Sabi nito habang nakangiti..

"Ah, eh hehe pagpasensyahan mo nga lang boses ko kasi di naman ako mahilig kumanta." Sabi ko.

"Kahit ano basta ikaw" sabi nito.

Gosh! Pwede sumimangot ka nalang? Jusko makalaglag brief ung ngiti mo. Whaaaa!

"Feeling ko may nalalaglagan na ng brief" sabi ni abby na naglakad na papuntang sala.

Luh! nababasa ba nya nasa isip ko? Kinakabahan talaga ko sa mga kaibigan ko ih.

Nilibot ko ung paningin ko sa buong bahay.. Angela is really beautiful ang dami nyang picture dito na nakadisplay.

Pero bakit walang ibang litrato bukod,sa knya? Ung parents nya? O mga kapatid nya.

"I own this house kasi. Iba pa ung bahay ng magulang at mga kapatid ko." biglang sulpot ni angela from no where.

"Ha?" Tanging turan ko.

"Alam ko nasa isip mo. Kaya pala di ako mapakali sa kusina kasi tinititigan mo pictures ko." sabi nito na nakangiti.

Namula yata ko bigla,dahil nag init yung mukha ko ih.

"I've been living alone for years pero every now and then binibisita naman ako nila papa." sabi pa nito.

"Ah kaya pala parang wala sila." Sabi ko.

"They will come tomorrow.. Sinabi ko din kasi na pupunta kayo so hindi na muna,nila ko inistorbo. Bukas nalamg daw kami,magcelebrate ng birthday ko." Sabi nito.

"I see, happy birthday nga pala. Di pa kita naggreet simula ng dumating ako." Sabi ko.

"Thank you.. Masaya ako na nandito ka.. Kayo." Sabi nya.

Luuuuuh! Ung puso Ko..

"Syempre naman.."

"Let's go? Kanina pa sila kumakain at nakaset na din ung pagkakantahan mo para,sakin." sabi ni angela saka ako hinawakan sa kamay at giniya papunta sa dining table kung saan kumakain na ung mga kaibigan kong masisiba.

"Hoy devs kung san san ka napapadpad. Kain na si angela pala nagluto netong lahat." Sabi ni aldrin..

"Oo na kakain na nga ih." sabi ko saka sumadok na.

Masaya akong makita si angela na masaya. Kwela naman din kasi tong mga kaibigan ko,kaya there's no room for sadness..
Kain dito, tawa tas kwentuhan.. Ang saya at nakakalibang talaga.

"Ay bago natin makalimutan db kakanta ka ? Aba anung petsa na uh!." Sabi ni rica.

Panira talaga to!

Napatingin sakin si angela na tila naghihintay din..
Kaya anu pa nga bang magagawa ko kund tumayo at kunin ung gitara ni,lance.

Pagkapunta ko sa harap bigla ang may napansin sa mata ni angela.. Bigla syang napaseryoso pero biglang ngumiti din.. Baka guniguni ko lang..

Crazy Little Thing Called PantasyaWhere stories live. Discover now