My only fantasy

362 10 2
                                    

"Hey Devs!"

Napalingon ako sa tumawag sakin..

Napangiti ako ng makita kung sino..

Si Angela..

"Uy ikaw pala.. Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko kay angela.

Nasa library kase ako. Haha actually inunahan ko lang talaga sya.. Alam ko kase na papunta sya dto.. Hehe simpleng stalker ako ee..

Umpisa palang ng story alam kong alam nyo na may gusto na ko kay angela.. Hehe love at first sight ih..

Kahit naman sino magugustuhan sya. Bukod sa panlabas nyang kaanyuan.. Mabait sya mukha lng hindi.. Approachable din, talented at matalino.

Sana lang dumating yung araw na magustuhan nya ko..

"Malamang manghihiram ng libro. Haha" sabi nya saka dumiretso sa rack kung nasan yung librong kelangan nya.

"Busy ka ba?" Biglang sabi nya.

"Hmmm hindi naman gaano bakit?" Tanong ko.

"Samahan mo ko please?"

Pasikreto akong napangiti..

"Saan naman?" Sabi ko.

"Dun sa national bookstore.. Bibili kase ako nung pandecor sa project ko." Sabi nito.

"Okay wala naman akong gagawin mamaya ee." Sabi ko.

Deep inside:
Gosh! Is it real? Akala ko hanggang tingin lang ako sa knya..

Pero ngayon kaibigan ko na sya.. See? Gusto nya pa kong kasama sa pupuntahan nya..

Kenekeleg eke mge besheeeee!

"Sige asahan kita mamaya aa." Sabi nito.

"Sige count me in basta libre mo ko ng mcdo fries ha?" Sabi ko kuno pero sa totoo lang gusto ko kase matagal ko pa syang makakasama..

"Haha! No problem! Laters Devs." Sabi bito saka nagpaalam na sya na mauuna..

Pagkaalis nya umalis na din ako. Jusko wala naman talaga akong gagawin dto sa library ee..

I just came here to see her.

Dumiretso ako ngaun sa tambayan Namin..

"So here comes the lover boy.." Sabi agad ni aldrin ng makita ako.

"GUUUUUUYS!!!!" Masiglang bati ko sa knila..

"Oh napano ka?" Si rica.

"Shemay! Nagpapasama sakin si Angela mamaya.. Eto na talaga ee. Eto na! Nararamdaman ko na." Sabi ko.

"Naku bes wag tayo magassume ha?" Si abby.

"Oo nga baka magaya ka kay Author na umasang gusto sya ng taong gusto nya." Sabi ni aldrin..

"Kilala mo si Author?" Tanong ni abby.

"Ou haha chix yon. Anyways anu bang plano mo Devs?"

(A/N: segway ni Author hahaha thank you kiddos!)

"Nahihiya kase ako magopen. Siguro hanggang dito muna ko. pagppantasyahan ko muna sya ganon. Hehehe hindi sa torpe ako. Ang saya pa kase.. baka mamaya pag sinabi ko sa knya na gusto ko sya lumayo sya. Pantasya muna." Sabi ko.

Totoo naman ih. 75% lang ng umaamin yung nagwawagi. The other 25% nauwi sa pagluha.

"Tama yan. Wag magmadali. Kung kayo edi kayo. Kung hindi edi iyak kang konte tas tama na." sabi ni abby na tinap yung balikat ko.

"Pero Devs alam mo? Tingin ko dun ka,sa Iyak ng konte tas Tama na. Haha!" Sabi ni rica.

"At bakit?"

"Kase maffriendzone ka lang ni angela. Nararamdaman ko." Sabi pa nito.

"Kaibigan ba talaga kita?" Asar na tanong ko dito.

"Im just kidding. Haha anyways, Lets Go dadalaw pa tayo sa puntod ni Lance. Remember we promised to visit him today." Sabi nito.

Oo nga pala, Nangako kami nung araw na ililibing na sya..

Bigla ko syang namiss..

Tumayo na kami at tinungo ang papuntang sementeryo..

Habang papunta kami don nagulat ako ng matanaw namin si angela palabas sa sementeryo.

"Gela. sinong dinalaw mo dyan?" Tanong ko ng makalapit sya samin..

"Ha? Wala kaibigan lang.." sagot nito.

"Ay may friend ka din palang pumanaw.. Kami din ee actually dadalawin nga namin sya ngayon.." Sabi ni abby dto.

"ganun ba.. nakakalungkot yon. Pano una na ko. Devs tx kita mamaya ha?" Sabi nito sabay baling sakin.

"Sige sige, tx mo lang ako."

Nagpaalam na sya at naglakad na. Ganun din kami pero syempre ang kuya nyo lilingon muna haha!

"Jusko.. madapa ka sana." Sabi ni rica.

"Malala na to. Isusumbong ko to kay lance ee para multuhin sya." Sabi ni aldrin.

"Kase naman ee. Okay na ee. Nakita ko sya ulit wala na.. Nahulog ulit." Sabi ko.

"Wala na talaga. Nabuang na." Sabi ni abby.

Hindi ko na sila pinansin. Nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating namin yung puntod nito..

"Mukhang binisita si lance ng family nya aa." Sabi ni rica.

Merong tunaw na candle at flower dto. malinis din ang paligid..

"Ou nga, finally. Hindi rin talaga nila matitiis si lance." Sagot ko.

Nang pumanaw si lance hindi ko alam kung anong problema ng family nila pero halatang balewala lang sa kanila ang nanyare. Hindi mo kakikitaan ng pighati ang mga ito .

Hindi kase maayos ang trato ng mga ito kay lance. Siguro isa talaga yon sa dahilan why lance committed a suicide..

"Hello lance. Alam mo ba miss kna namin.. Yung corny jokes mo.. Miss na namin." panimula ni Rica.

Naupo kami at tumahimik.

"Alam mo bang nagsasawa na kami kay Devs? Kaya nakakainis ka kase iniwan mo na kami." Sabi naman ni abby.

"Oy teka bat pati ako?" Tanong ko.

" Ou nga lance. Pano umiibig na tong kolokoy na to. Crush nya yung Bagong transfer sa school angela basa yung name nya." Sabi ni aldrin.

Magsasalita palang ako bigla namang humangin..

Siguro natutuwa si Lance sa binalita ng mga to.

"Lance sana masaya ka kung nasan ka man ngayon.. Miss kna namin.."

"Galit pa rin ako sayo kase sumuko ka. Di man lang namin nalaman probleMa mo.. Why you need to hide it from us? magkakaibigan tayo kaya dapat inopen mo samin.." Sabi ko..

Naluluha na ko. Si rica at abby umiiyak na.

"Pero wala na ee. Nagdecide ka na ee. At ito nga yon.. Bantayan mo kami lagi aa. We miss you kaibigan." dagdag ko pa.

Nanahimik kami at nag alay ng dasal.

Pagkatapos namin don nagsiuwian na kami.

Malapit nalang din naman yung bahay namin kaya madali lang kaming nakauwi..

Bandang alas kwatro ng magtx si angela.

Alright! This is it!!!!

Nagmadali akong magbihis. Matino naman ako magdamit no. Hindi weirdo kase nga hindi naman ako super nerdy. Nagsalamin lang talaga ako.

Pagkatapos kong magayos ng sarili ko, Lumabas na ko to meet my fantasy..

Crazy Little Thing Called Pantasyaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن