💙Chapter 39💙

Start from the beginning
                                    

Nagkibit balikat na lang si Christian "let her be, magsasabi rin yun at the right time" comfort nya "sana nga, nag aalala kasi ako sa kanya" pabuntong hininga kong sabi, ngayon lang kasi nagkaganyan si lea, hindi ko naman malaman ang totoo dahil umiiwas sya kapag tinatanong ko,

Pero sana hindi problema yung dinadala nya para nang sa ganon mapanatag ang kalooban ko, "mmm buti pa kaiinin na natin to para di sayang" pag iiba ni Christian  kaya napatingin ako sa pagkain, tumango naman agad ako at kinuha ang burger saka nilantakan yun ganon din sya.
.
.
.
Matapos naming kumain at magawa ang dapat gawin inaya muna akong lumabas ni Christian para daw malibang ako, dinala nya ako sa isang amusement park kung saan unang beses ko pa lang napuntahan at sobrang ganda

"Wowwww ang ganda, parang totoo yung mga art dito" mangha ko habang nililibot ang tingin sa buong paligid...ngumiti naman sya "oo sobra at ito halika may ipapakita ako sayo" hinila nya ako malapit dun sa tapat ng dinosaur na art, tapos bigla nyang nilabas ang phone nya saka binuksan ang camera nito at tinapat sa dinosaur art

At saka pinakita sakin "look" nagulat ako sa nakita ko dahil gumagalaw yung dinosaur sa cellphone nya, tinignan ko ang art pero di naman nagalaw pero ng ibalik ko ang tingin sa cellphone nya gumagalaw ito at may apoy pang nagliliyab sa harapan

"Hala grabe gumagalaw pano mo ginawa yan?" Nagkibit balikat sya at napangiti "tanging owners ng park na to ang nakakaalam kung paano nila napapagalaw ang mga art dito using our phone's camera dahil dito pwedeng maging totoo ang lahat parang 3D"

Napa "wooww ang galing" halos di na maalis ang mata ko sa mga art na nakapaligid hindi nakakasawang tignan at napakakulay, bigla akong hinawakan sa kamay ni Christian at hinila ako pakaliwa "uy san tayo?" Walang idea kong tanong

"Doon tayo sa guardians vividyuhan kita" sambit nya at hinila ulit ako, nagpadala lang ako sa hila nya dahil parang wala ako sa sarili, pero kahit na tulala ako sa mga tinitignan ko, hindi nakaligtas sa paningin ko ang kamay naming dalawa na magkahawak

Pakiramdam ko tuloy couple kami kahit na nagliligawan pa lang, "here tayo ka dyan tapos smile ka" nawala bigla ang kalikutan ng isip ko nang magsalita si Christian hindi ko namalayang naipwesto na pala nya ako sa gitna kung saan puro guardians na may makukulay na pakpak sa paligid ko

"Hala ang ganda" tuwang tuwa ako na parang bata, kaya tuloy natawa rin sya "see I told you haha ok game smile ka picturan muna kita tapos galaw ka na parang nalipad ok" nag sign pa yung kamay nya ng ok, mabilis akong tumango "ok sige" ginaya ko rin ang ok sign nya.

"1..2..3" makailang ulit akong pinicturan ni Christian at ako naman enjoy na enjoy, "oh video naman" sunod nyang sabi na sinunod ko naman, pinagaspas ko ang dalawang kamay ko feeling nalipad talaga, panay naman ang tawa nung isa nung kamuntikan na akong mahulog sa kinatatayuan ko, pero nagkibit balikat na lang ako na parang walang nangyare

"Oh ano isa pa?" Hamon ko kay Christian umiling sya "haha tama na baka mapagod ka pa tara sa iba naman tayo" utos nya, napangiti na lang ako at sumunod sa kanya...
.
.
.
Ilang oras din kaming nagpa ikot ikot sa loob ng museum na parang bata sa sobrang ligalig, at gaya ko kinuhanan ko rin sya para pareho kaming may remembrance ng museum, sa ilang oras na pamamasyal namin, nakalimutan ko lahat ng iniisip ko, at dahil yun kay Christian

Inabot din kami ng pagod kaya lumabas na kami ng museum, dinala naman nya ako sa isang lugar kung saan walang tao, tanging kami lang ang nandito at puro berde ang makikita mo sa paligid parang isang malaking garden

"Anung ginagawa natin dito?" Tanong ko pagkababa namin sa hagdan, humarap sya bigla sakin sabay ngiti "this place are really peaceful, madalas akong pumupunta dito kapag gusto kong mapag isa at kung minsan nag iisip din" sagot nya napatango naman ako hudyat na sang ayon ako sa sinabi nya saka ako inalalayan papuntang bridge

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now