51

29 4 0
                                    

Dahan dahan mong inilapag ang cellphone mo sa study desk mo pagkatapos mong basahin ang messages na sinend sa'yo.

Bumalik ka muli sa higaan upang hayaan ang sarili na malunod sa kalungkutan. Tinakluban mo ang iyong sarili ng kumot at napapikit ng mariin.

Nanubig ang iyong mga mata habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Napatutop ka sa iyong labi nang magsimula kang mapahikbi. Ang hikbi na ingay na iyong nililikha ay mas lalo lumubha. Napahagulgol ka habang napahigpit ang kapit sa kumot.

Parang biglang bumalik ang lahat, ang senaryong naganap kanina.

Muli mong naalalang nakaupo ka noon sa lamesa kasama ang iyong mga kaibigan. Mas lalong nag-ingay ang lahat nang magsimula na ang unang banda.

Masyadong inenjoy ng mga tao ang pagtugtog ng banda na hindi niyo namalayan na pinagtatabi niyo na ang mga lamesa upang magsaya. Todo hiyawan ang lahat at kung minsan ay sinasabayan ang mga bokalista sa pagkanta.

Isang banda na lang bago ang kanila.

Naisipan mong magbanyo dahil kanina mo pa nais gumamit. Pagkalabas mo sa C.R. may nakasalubong kang isang tao na hindi mo inaasahang makikita.

Ang lalaking nakahoodie na minsan nang sumusunod sa'yo.

"Gusto lang kita balaan. Hindi kita sasaktan kung iyan ang iniisip mo." Sabi niya pagkatapos ka niyang pakiusapan na kausapin.

Sinunod mo ang gusto niya. Kaya natagpuan mo ang sarili mo na nakasandal sa puno habang siya ay limang talampakan ang layo niya sayo. Nakayuko siya at pinipilit na itago ang kanyang sarili sa suot  nitong itim na hoodie.

"Gusto ko lang sabihin na ang ako ang nagtetext sa'yo." Nagulat ka sa kanyang sinabi. Hindi ka nakapagsalita kung kaya't nakatingin ka lamang sa kanya.

"Gusto mo bang. . . malaman kung sino ang basher mo?"

Tinitigan mo lamang siya ng mariin. Nakaramdam ka rin ng tensyon dahilan para pagpawisan ng todo. Umiwas ka ng tingin at napaismid.

"Pwede ba, tigilan mo na ako? Did I already told you that I can handle this? Nasa sa akin na iyon kung aalamin ko kung sino siya o hindi. Labas ka na dito." May halong gigil na pagkakasabi mo at saka mo siya tinalikuran.

"C'mon. Natatakot ka lang ba na harapin siya? O natatakot ka lang na aminin mo sa sarili mo na nahulog ka na sa kanya?" Kahit hindi mo nakikita ang pagmumukha ng iyong kausap, batid mong nakangisi ito ngayon.

Hinarap mo siya ng buong tapang at saka ka lumapit sa kanya.

"Ano bang gusto mong mangyari?" May halong pangbabanta na sabi mo. Pakiramdam mo nagliliyab ang iyong mga mata sa galit. Parang gustong gusto mo siyang sakalin.

Napailing iling siya. Narinig mo siyang tumawa ng mapakla.

"Pagsisisihan mong hindi mo siya kinilala." Tinaasan mo siya ng kilay.

"Ni-hindi mo man lang itinanggi na nagkakagusto ka na sa basher mo. Tsk. Naku, paano na kaya si Jongdae?" Pang-aasar niya sa iyo.

That's it. Tila naputol ang litid mo dahil sinagad na niya ang pasensya mo. Sumugod ka sa kanya upang sampalim mo siya ngunit sadyang mas mabilis siya at napigilan ka niya. Hawak na niya ngayong ang dalawa mong braso.

"Bakit ba kasi hindi mo maamin sa sarili mo na mas gusto mo ang basher mo kaysa sa kanya? Kumbaga ginamit mo lang si Jongdae, pampalipas oras mo lang siya, 'diba?"

Napaigik ka sa higpit ng pagkakahawak niya sa'yo.

"Bitawan mo 'ko!"

"Fine." Natatawa niyang sabi at saka ka niya binitawan.

Basher | jongdaeWhere stories live. Discover now