One SHIT Story 6

5 0 0
                                    


Nakatulala lang ako sa pinagbabaan nila sa akin. Nandito ako ngayon sa plaza. Maraming tao ang nandirito kaya mapapadali ang pagtatrabaho ko pero nanghihina ang loob ko. Hindi ko na kayang gumawa pa ng masama sa kapwa ko. Ayaw ko na.

Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko lang. May kasama akong bumaba dito pero iniwanan lang niya ako dahil sinabi kong wala akong gana.

May naipon naman ako kahit papaano kaya iyon nalang ang ginawa kong pangkain para hindi ako makagawa ng masama kahit na sa isang araw man lang.

Pagkatapos kong kumain ay naglakad-lakad lang ako. Pinapanood ko ang mga batang naghahabulan sa harapan ko. Nakaka-inggit naman sila, parang wala silang problema dahil sobrang saya ng mga mukha nila.

Nakaka-miss maglaro, matagal-tagal na rin simula noong umalis ako sa bahay. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, nagtataka siguro sila kung bakit hindi na nila ako nakikita.

Sayang din ang taon na ito na hindi ako nakapag-aral. Kailan kaya ako babalik sa pag-aaral? Makakabalik pa nga ba ako?

Napabuntong hininga ako at umupo sa isang bench. Sumandal ako at tumingala sa maaliwalas na langit. Kailan din kaya aaliwalas ang buhay ko kagaya ng nakikita ko sa alapaap?

Gusto ko nang umuwi. Nami-miss ko na ang lugar namin kahit na wala akong matitirhan doon dahil pinalayas na ako ni Mang Ibo sa dati naming tinitirhan. Kahit na mahirap ang buhay doon, mas gusto ko pa ring manirahan doon kaysa dito na ang paggawa ng masama ang nagiging puhunan.

Gusto ko ring dalawin ang libingan nina nanay at ng kapatid ko. Pero hindi ko alam kung makakadalaw pa ba ako sa kanila o hindi na. Ang layo-layo nitong Maynila sa amin. Baka hindi rin naman ako pahihintulutan ni Mang Ibo na umuwi dahil baka isipin nitong tatakas ako.

Haaay. Bumuntong hininga ako at nagpalipas ng oras dito sa plaza. Ayakong bigyan ng lungkot ang mga masasayang mukha ng mga nandirito kaya hindi na ako nagtangka pang magnakaw.

Ayos lang sa akin na baunin ang mga ngiti ng mga batang pinapanood ko ngayon. Kahit na hindi na ako masaya basta't maging masaya lang ang iba.

Nang dumako na ang hapon, naghintay lang ako sandali bago ko natanaw ang sundo ko. Sumakay naman kaagad ako pagkahinto nito sa tapat ko.

"Ilan ang kita mo ngayon, Matteo?" tanong ni Kuya Rico, siya ngayon ang nagmamaneho sa sinasakyan naming van.

"Wala po kuya, wala kasi akong gana."

Nagtinginan naman sa akin ang ilan na naririto, nagtataka siguro dahil ang plaza ang isa sa mga pinakadinadagsa ng mga tao na pwedeng pagnakawan, pero heto nga't nagtataka sila kung bakit wala akong kita.

Wala na akong pakialam kung maparusahan man ako mamaya. Nakakaramdam naman ako ng takot pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Tumingin ako kay Kuya Rico, akala ko sesermonan niya ako pero hindi niya iyon ginawa. Bagkus na pag-aalala ang makikita sa kanya, ay nginitian niya lamang ako. Nakakapagtaka.

Pagkarating namin sa warehouse ay magdidilim na. Nanginginig na ako dahil wala ni-isang kusing akong maibibigay.

Bumaba na kaming lahat at pumila para maipakaita ang pera namin. Sina Kuya Rico at ang isang tauhan lamang ang naririto para mangolekta. Wala ang ibang tauhan na nagbabantay sa amin na ipinagtaka ng karamihan.

Nagulat nalang kami nang biglang bumagsak ang kasama ni Kuya Rico, sinuntok niya ito at agad na nawalan ng malay. Kumuha siya ng tali at itinali ang lalaki sa isang puno.

Umingay ang buong paligid, nagbulungan sila pero agad silang pinigilan ni Kuya Rico.

"Ssshhh, manahimik lang kayo mga bata. Sumunod lang kayo sa akin."

Kriminal (Completed)Where stories live. Discover now