6. Food trip? Sa apartment?

7.1K 184 5
                                    

MY VAMPIRE HOUSEMATE
MessyIntrovert

PLAGIARISM IS A CRIME!

CHAPTER 6.

Aerie's POV;

"Bye guys, bukas ulit!" paalam ko sa mga katrabaho ko sa RC...

"Ingat sila sayo!" pang- aasar naman ni Zig.

"Talaga!" pinandilatan ko lang siya tapos tuluyan na akong umalis.

Habang nag- aabang nang tricycle e hindi ko alam kung uuwi pa ba ako o tutuloy na sa eskwela, well usually umuuwi ako sa bahay bago papasok... kaya lang this time parang ayoko e... ayokong makita yong bago kong housemate! tsk! tsk! ewan ko ba, di ko kasi feel yon talaga e...

"Mama para!" huminto naman yong tricycle sa tapat ko. Sumakay ako, "Sa ASU po." alam na ni manong kung saan yon ^_^

Mga more or less 5 minutes nasa ASU na ako... malapit lang diba?

Syempre kalimutan na lahat h'wag lang ang bumati kay manong guard...

Tapos... tititigan ako nang mga girls nyan, yong tipong pamatay... haha! H'wag na kayong magtaka, marami akong haters dito... pano kasi... ang hearthrob dito e nagkataong naging malapit kong kaibigan at naaali- alila ko lang...

Si Lester ang tinutukoy ko... my one and only best dude!

Speaking of the heartthrob, ito na siya... nakasimangot, ano na naman kaya problema nito sakin.

"Dude! Musta? Anong na- miss ko kahapon?" salubong ko sa kanya.

"Ako ba? Anong na- miss ko hahapon? Balita ko... hinold- up yong cafe' niyo a?"

Eh? Pano niya nalaman? Iba talaga connection nito e no?

"Ah... eh, hehe... oo nga e, kaya ako um- absent... ni- nerbyos ako dude."

"Di ka ba nasaktan?"

"Ok lang ako, nukaba... tara, pasok na tayo..." naglakad na kami papuntang school building namin... "Baka samain ako sa mga fans mo dito e. mahirap na." lam niyo kasi... sa klase namin lang ako safe mula sa mga haters ko.

"H'wag mo na kasing pansinin ang mga yan." inakbayan niya ako. tsk! dami na namang broken hearted nito.

***

Break time-

Break time agad, h'wag na nating pag- usapan yong klase namin boring yon e.

Nasa cafeteria ako ngayon, kumakain kasama si Lester syempre... andyan din yong Lester's angel... lam niyo, kung may haters ako, may fans din naman ako... mga tatlo? Haha! Sina Louie, Jela at Yam... mga babae lahat yan... mukha lang lalake... haha! Joke!

"Oi Aerie, linggo bukas... punta kami sa apartment mo ha?" muntik ko nang naibuga ang coke sa bibig ko pagkasabi ni Yam non.

Sa... apartment... ko?

"A- anong gagawin niyo don?"

"Wala... na- miss lang namin mag food trip don."- Louie.

"Sama ka Lester ha?"- Jela.

Food trip? Sa apartment? Kyaaa-----!!.Hindi pwede!

"Hindi pwede!"

Napakunot- noo yong apat habang nakatingin sakin...

Gulp*

May nasabi yata akong mali.

"Hindi pwedeng... sumama si Lester?"- Yam.

"May LQ kayong dalawa?"- naalarma naman si Jela.

"Anong LQ?" binatukan ko nga si Jela. "Ibig kung sabihin, di kayo pwedeng pumunta sa apartment."

"Bakit hindi?" mag- churos ba naman yong tatlo.

"Uhm... wala... busy ako e... basta." hindi ba pwedeng hindi kasi ayoko?

"Di rin naman ako pwede bukas e... busy din ako."- Lester.

Ayon medyo nakahinga ako nang maluwang... di ko pa kasi nabanggit sa kanila yong tungkol sa bagong housemate ko e... baka araw- arawin nila ang pagpunta sa bahay. Mga baliw pa naman to sa gwapo... tsk!

Isa pa ... di na nila kailangang malaman pa ang tungkol doon... total, maghahanap din naman ako nang ibang malilipatan...

"Ah, guys... baka may alam kayong pwede kong lipatan?" paiba ko.

"Bakit? Lilipat ka?"- Lester.

"Sus... pinapalayas na yan sinasabi ko sa inyo..."- Jela.

"Di ah, basta gusto ko nang lumipat... masyadong malaki yong apartment para sakin e..." tama, tingin ko convincing naman yon.

MY VAMPIRE HOUSEMATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon