MULA sa pakikinig kay Orye, biglang natigilan si Vionna nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya. Pasimple niyang pinaikot ang paningin upang hanapin ang nagmamay-ari ng titig na iyon ngunit nadismaya lamang siya nang wala siyang makita.

"May problema ba, Vi?"

Napabaling siya kay Cilan na siyang nagtanong at kaagad na umiling-iling. "Wala.."

Napabuntong-hininga na lamang siya at muling itinuon kay Orye ang paningin, sakto namang tinatawag na nito ang hari at reyna ng kahariang Swordaile.

"Wow..." Misty muttered in awed nang makita ang reynang nakaupo sa trono nito sakay ang pulang ulap. "She's gorgeous... Too gorgeous."

Yeah, Vionna can't disagree with Misty. The queen is really an epitome, ngunit bahagya siyang natigilan nang mapasadahang mabuti ang mukha ng reyna. May kamukha kasi ito, hindi lang niya mahagilap sa memorya niya kung sino.

Napuno ng palakpakan at paghanga ang buong bulwagan lalo na nang lumapit na rin sa reyna ang hari at tumabi ng upo rito.

"And for the main reason of this event!" Dumadagundong sa buong bulwagan ang boses ni Orye. "We would like to introduce to you, royalties and all of the people here, the prince and princess of Swordaile Kingdom na ipinagkait naming ipakilala sa inyo sa mahabang panahon!"

Ang kanina'y bulungan na mga boses ng mga dumayo ay biglang naging normal na lakas na, ang iba'y sumisigaw na, dahilan upang mas lalong umingay ang buong bulwagan nang marinig ang inanunsyo ni Orye.

Lahat ay hindi na makapaghintay na makita at makilala ang dalawang tagapagmana lalo na ang mga Swordailes na sabik ding makita ang kanilang mahal na prinsepe't prinsesa.

Samantalang sa kabila nang ingay ay hindi nakaligtas sa paningin ni Vionna ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga kamao ni Alain, na para bang may pinipigilan itong lumabas mula roon. Nais man niyang tanungin kung maayos lang ba ito ay hindi niya nagawa dahil sa narinig na pangalang binanggit ni Orye!

"Ladies and gentlemen, help me welcome the prince and princess... Prince Riolo Hitari and Princess Diancie Keiozha!"

Lahat sila ay natigilan sa nasaksihan lalo na si Toshiko na literal na bumagsak ang panga nang sabay na lumapit sa hari at reyna sina Riolo at Diancie.

"I can't believe it..." Cilan muttered habang nasa dalawa ang mga mata. "Magkapatid sina Riolo-sensei at Diancie?" dagdag pa nito na bakas sa mukha ang pagkagulat.

"And they're the heirs of Swordaile Kingdom..." Misty added.

"Then what are they doing in Santalune?" Klinton asked. "In the Shalour Academy to be precise. Why pretending like us?"

Lahat silang nakapalibot sa lamesa ay napalingon kay Klinton dahil sa tinuran nito.

'He has a point.' Vionna thought. 'Bakit nga ba?'

Muling ibinaling ni Vionna ang paningin sa dalawang sakay na ngayon sa kulay lilang ulap, katabi ng hari at reyna, at hindi na niya itinuring na iba para sa kanya. And there, as she stares to Diancie, lahat ng katanungan niya noon tungkol dito ay biglang nasagot. Hindi niya akalain na ang pagiging prinsesa nito ang bukod tanging sagot sa mga katanungan niya. But still, she's wondering, why?

ALAIN can't take his eyes away from Diancie. It's been a while since the last time he saw her, and now... he can say that there are lot of changes.

'So, she's the reason huh...' he thought. '...of this weird emotion I've just felt.'

Mataman niyang pinasadahan ng tingin ang dalaga at lihim na lamang siyang napangisi nang may mapansin siya rito. 'Hmm.. But still the Diancie I used to know...' he thought again when he noticed the irritability on her face. 'Doesn't like formality and attention.'

Matapos ipakilala sa lahat ang prinsepe at prinsesa at magsimula na ang kasiyahan, doon kaagad na dinumog ng ibang maharlika ang dalawang tagapagmana. Asking question, introducing each self. Ganoon pa man ay hindi iyon naging hadlang para mawala sa paningin ni Alain ang dalaga.

"May kakaiba sa mga tingin... Halatang pinipigilan ang sarili..." pakantang turan ni Toshiko habang may pasipol-sipol pa.

"Pinagsasabi mo, pato?" pansin ni Cilan dito.

"Makapato 'to ah, sa gwapo kung ito?!" mabilis na kontra ni Toshiko sa tinawag sa kanya ni Cilan.

"Gwapo? Saan banda, eh mukha ka naman talaga pato, ang hilig ngumuso."

Toshiko pouted with whay he heard.

"See?" Cilan added sabay turo sa nakanguso nitong mga labi.

"Tsee!" irap ni Toshiko rito kapagkuwan ay bumaling kay Alain. "Lapitan mo na kasi..."

Kunot ang noong nilingon ni Alain si Toshiko. "What?"

"Aysus... Kunwari pa eh..." iling-iling na anas ni Toshiko.

Hindi na lamang ito pinansin ni Alain at muling ibinalik ang paningin kay Diancie ngunit ganoon na lamang ang pagdilim ng paningin niya nang makitang may lalaking nakaakbay rito.

F. Sylveon

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now