"Hi!" Pilit niyang pinigilan na lumabas sa boses ang labis na excitement. Pero hindi yata siya nagtagumpay dahil narinig niya ang tawa ni Alexa sa kabilang linya.

'Hello, my dear girlfriend,' bati ni Alexa sa kabilang linya.

Nakagat ni Aya ang pang-ibabang labi, pinipigilan ang kilig na nararamdaman sa endearment ni Alexa.

That's right, they were now official.

'And good morning,' dagdag ni Alexa 'I'm glad you're awake. I'm on my way there. Makiki-almusal sana ako, eh...' sabi pa.

Biglang naging conscious si Aya sa sarili. "O-kay... Uh... nasaan ka na?" Ang tanong niya.

'Papasok na ako ng subdivision niyo,' sagot ng kasintahan.

"Oh. All right. Okay, see you," ani Aya na agad nang binaba ang telepono.

Matapos ilapag muli iyon sa mesa ay inayos ang magulo niyang buhok. She smelled her breath and grimaced. Nagmamadali siyang tumakbo ng banyo para mag-toothbrush.

Nang sa tingin niya ay presentable na siyang tingnan ay mabibilis ang hakbang na binaba na niya ang hagdan.

Ang kanyang amang palabas din ng sariling kuwarto ay nagtatakang sinundan siya ng tingin.

Hindi pa tumutunog ang doorbell ay nasa tapat na ng pinto si Aya.

Narinig niya ang tunog ng papalapit na makina at ang pagtigil niyon sa tapat. Mula sa labas ay rinig din niya ang pagbukas at pagsara ng gate. Sunod doon ay ang palitan ng boses nina Alexa at ng mama niya na hinuha niya ay nagdidilig ng halaman sa hardin.

Nang sa tantiya niya ay nasa tapat na ng pinto si Alexa ay binuksan na niya iyon.

"Hi!" Bati ng designer sa nagulat na si Alexa. Pipihitin na kasi sana nito ang pinto nang biglang buksan ni Aya.

"Hey..." ganting-bati ni Alexa. A knowing smirk formed on her lips. Her eyes scanned her girlfriend's figure. Labas ang mahahaba at makikinis nitong legs sa suot na cotton shorts. Napakagat-labi ang makulit na babae. Her girlfriend looked hot.

Aya cleared her throat. "Uhm... pasok ka," anyaya ng designer.

Alexa stepped inside. "Thank you..." Dumukwang siya para halikan sa pisngi ang kasintahan. She made it linger near the side of Aya's lips.

Namula ang pisngi ni Aya. Pero parang nabitin pa yata siya doon.

"Someone's excited to see me," tudyo ni Alexa sa ngayo'y girlfriend na niyang si Aya. Girlfriend. Alexa was loving the sound of it.

Inirapan naman ito ni Aya. "Hindi kaya," pagde-deny ng designer. "Ikaw nga itong napakaaga ng dalaw," ganting-tudyo sa makulit na babae.

"Kunwari ka pa... halata naman," Alexa playfully bumped the designer "Kaya ako maaga kasi---" she hanged her words in the air "---mamamanhikan na 'ko," Alexa joked.

Bigla tuloy itong nahampas ni Aya. "Sira! Anong mamamanhikan ka diyan?" Pinandilatan niya ang makulit na babae. Binabaan lang niya ang boses at baka marinig ng mga magulang "kagabi nga lang kita sinagot, pamamanhikan kaagad ang nasa isip mo? Ano ka sinusuwerte?"

Napabungisngis naman si Alexa. "Biro lang naman... itong mahal ko talaga... ke aga-aga, high blood," paglalambing ng makulit na babae at mabining kinurot ang pisngi ng kasintahan.

Aya blushed again. Nakakasunog yata ng pisngi ang ka-sweet-an ni Alexa. Nailing sa sarili si Aya. Hindi niya na-imagine noon na magiging ganito siya ka-affected kay Alexa. "Ewan ko sa'yo!" Pagtataray pa kunwari pero kinikilig naman.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now