Luna: Pagbabago 13

29 0 0
                                    

Alaala'y lalong kay hirap burahin kung hindi lamang iisa kundi'y lampas apat ang nagpapaalala.
Mga dakong napuntahan,
Bawat halakhak na napagsaluhan,
Mga yabag mula sa mga paglalakbay,
At bawat iyakang dulot ng totoong tagumpay,
Kumakalikot sa isipang pilit kinakandado patungo sa kahapong dinaluhan ng ikaw at ako.
Pinapili ka, uusad ba o hihinto na.
Tinanong ka, nahihirapan na ba o lalaban pa.
Inintindi ka, napapagod na ba o may iaahon pa.
Saglit, inisip kong kasing tapang kita.
Mga alaala, kay hirap balikan kung wala ka na.
Mga nagpapaalala, napakahirap paalisin sapagkat sa kanila, ikaw at ako ay mahalaga,
Magkasama man o magkalayo na.

Alaala

🔥
Hera of the Universe

When She SpeaksWhere stories live. Discover now