Twelfth ❣

44 4 0
                                    

Aian's Dream

"Hoy babae! Anong ganap mo at isang linggo kang absent?"

Sinalubong agad ako ni Melissa sa gate nung nakita niya akong papasok ng school. After kasi nung tinawagan ako ni Harvey, in-off ko na yung phone ko. Mahirap na, baka atakihin na naman si Ate ng sakit niya kapag narinig uli niya ang boses ni Harvey.

"Wala lang, nagbakasyon lang." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa classrooms namin. Nauna kaming makarating sa classroom niya.

"Oh ano babs? Una na ako ha, mamaya na ang kwento. I miss you talaga ng sobra!" Sabi niya at yinakap naman niya ako. Oh how lucky I am to have a best friend like her.

Dumiretso na rin ako sa classroom ko, pero bago pa ako makapasok ay may humigit sa akin at isinandal ako sa pader habang hawak nya ng mahigpit yung isa kong kamay at yung isa niya namang kamay ay nakasandal sa pader na siyang humaharang sa mukha ko.

For the second time around, sobrang saya ko nung maramdaman ko yung higpit at kirot ng hawak niya sa akin. Sobrang ligaya ang naramdaman ko kahit na dumudugo na yung kamay ko dahil nakabaon yung mga kuko niya dun.

"Putangina. San ka galing?"

Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang kaba at takot ko dahil sa nakikita kong galit sa mukha niya. Mukha siyang tigre na matagal ng hindi pinapakain ng amo niya at ngayon ay nakawala sa kulungan niya.

"Ian.."

Oo tama kayo, yung boyfriend ko nga. Siya nga! Siguro ay nag-aalala rin siya sa akin. Sana.

"Anak ng pucha. Sumagot ka!" Medyo napalakas yung boses niya kaya kahit hindi ako tumingin sa paligid ay may mga usisero na at siguro ay lumabas na rin yung mga classmates namin sa classroom.

Pero kahit na sigawan niya ako, okay lang. Sobrang miss na miss na miss ko lang talaga siya.

Imbis na sagutin ang tanong niya, niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit. Sana maramdaman nya yung pangungulila ko sa kanya kahit na hindi ako magsalita. Sepanx.

Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.

"Ano ba. Kung ayaw mong sumagot, edi wag! Dyan ka na." Sabi niya pagkatapos niya akong itulak at napa-upo naman ako sa sahig.

Sementado lang ang sahig ng labas ng classroom namin kaya marami akong natamong gasgas sa binti at mga braso ko. Biglang may mga nagsi-lapitan sa akin, mga schoolmates ko na galing sa iba't ibang year pero may mga college students na gusto lang talagang makigulo.

"Hala Miss, huwag ka na umiyak."

"Ms. Friendly dalhin ka na namin sa clinic."

Di ko na namalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Ayaw ko man magpakita ng kahinaan sa iba, sadyang sumobra na talaga siya, di ko na kayang tiisin ang lahat ng sakit. Ni hindi ko man lang nga nararamdaman yung hapdi ng mga sugat ko eh. Mas masakit yung ginawa nyang galos sa puso ko. Ang sakit sakit, sobrang sakit.

"Tabe," may sumigaw, boses babae. Hindi ko na kayang tumingala para tignan kung sino yun, sobrang kahihiyan na para sa araw na ito.

Biglang nagsi-alisan yung mga tao pero parang may natira. Tinignan ko kung sino yun.

"Chay.."

Wala siyang ibang sinabi basta tinulungan niya lang ako makatayo at naglakad kami hanggang sa makarating kami sa clinic.

"Ano'ng nangyari?!" Sabi nung Nurse at dinala na agad ako sa may kama para magamot na niya ako.

"Oh may sprain ka pa oh? Dapat hindi mo na pinilit maglakad." Sabi nung Nurse.

Girl Of Your DreamsWhere stories live. Discover now