Ninth ❣

35 5 0
                                    

Dedicated tong chapter na ito kay bebe ko dito sa watty. Read her one shot after reading this one, please? Just click the external link. Thanks guys! Enjoy this one. xx

***

Aian's Dream

"Thanks talaga Earl, huh? Sorry na rin sa abala. Sige, pasok na ako." It's one o'clock in the morning. Inabot na kami ng madaling araw ni Earl.

Ikinuwento niya sa'kin na medyo nalasing daw ako at may ilang kahihiyang bagay na ginawa na ayaw naman niyang banggitin sa'kin, kay Mel ko nalang daw itanong. Kanina pa raw kami nandito sa subdivision namin pero hinayaan nya lang ako magising ng kusa, pinainom rin niya ako ng kape. Bait ni Earl eh, buti nalang sinamahan niya ako.

Ngayon naman, inihatid na niya ako mismo sa labas ng appy namin. Papasok na sana ako kaya lang nakalimutan ko nga palang magdala ng susi kaninang umaga—ay kahapon pala. Kaya kinuha ko nalang yung itinatago kong susi sa ilalim ng mat.

"Benz! Benz! Yung anak na'tin benz!!"

Hala. Si ate nasigaw sa loob. Binilisan ko ang pagbukas ng pinto at pumasok agad sa appy namin.

Pagkapasok ko.. nakita ko si ate na nakalupasay sa living room at katabi ang mga basag na flowervase at iba pang mga babasagin na bagay na naka display dito sa appy.

Inaatake na naman si ate ng sakit niya. Hindi na ako pwedeng maging mahina ulit. Not this time.

"Ate! Nandito na ako. Pupunta na tayo kay doc. Hintayin mo ako ha." Sabi ko kay ate habang hinahawi ko ang ilang buhok na tumatakip sa mukha niya.

Umakyat ako sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone ko at tinawagan ko yung family doctor namin dito sa Cavite para sabihing pupunta kami dun at inaatake na rin si ate ng sakit niya.

Pagkatapos kong makausap si doc ay pinuntahan ko ulit si ate sa sala at inalalayan ko siyang makatayo. Sinaktan na naman niya ang sarili niya. Ang dami na naman niyang galos.

"Si Beeenz! Kailangan ko si Benz." Ate. Tama na please. Tama na. Gusto kong sabihin yun sa kanya pero alam kong wala rin namang magagawa yung sasabihin ko para kumalma siya.

Pagkalabas namin ay nakita ko si Earl. Bakit nandito pa siya?

Pero hindi yun ang kailangan kong intindihin sa ngayon. Kailangan namin ng masasakyan ni Ate. At mukhang malabo na kaming makahanap ng tricycle sa ganitong oras. Kakapalan ko na ang mukha ko.

"Earl. Alam kong nakakahiya na itong gagawin ko. Pero please.. paki hatid naman kami sa San Carlos Village. Alam kong pagod ka na, pero please.. kahit na wag ka ng maawa sa akin, kahit sa ate ko nalang." Napa iyak na'ko. Natataranta na ako. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag may nangyari kay ate.

This is the second time na inatake si ate ng sakit niya. Pero yung first time ay noong nandito pa sila mama at papa sa Cavite.

Akala ko naman okay na si ate for the past two years na nandito kami. Akala ko lang pala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Si Dr. Villegas nalang ang pag-asa namin.

"Calm down Aian! Tutulungan naman kita eh. Wag kang mag-alala. Pero bakit ayaw mong sa community hospital nalang siya dalhin?" Sabi ni Earl habang kinukuha niya sa akin si ate at binuhat niya ito.

Girl Of Your DreamsWhere stories live. Discover now