Sixteenth ❣

28 3 0
                                    


Aian's Dream

"The CBCP is against the Reproductive Health Bill just simply because it is against the Church.."

Back to reality.

Lessons na agad ang bumungad sa amin pagka-balik namin dito sa school.

At kailangan ko rin mag-catch up ng lessons dahil ang dami kong na-miss nung um-absent ako.

I don't feel like going to school pa nga eh. Hindi pa rin kami okay ni Mel. And mukhang walang konsensya si Ian at ni hindi man lang ako nilalapitan.. o kahit tignan man lang.

Ano ba talagang maling ginawa ko? Bakit lagi nalang ganito? Nakakasawa na.

"That's it for today. You may now take your break, good bye class."

What if mag-transfer nalang ako ng school?

Duh. Ilang months nalang kaya graduation na. Ano ba tong mga na-iisip ko.

Siguro mag-absent nalang ako? Papa-miss lang, ganon.

Pero kung gagawin ko naman yon, grades ko naman ang maa-apektuhan. Grabe nababaliw na yata ako. Gusto ko nalang iyakan itong mga nangyayari sa akin ngayon!! Ayoko naaaa.

"Uy Aian."

"Ayokoo!"

"Huh?"

Bigla naman akong napalingon sa tumawag sa akin. I was shocked. Nawala na pala ako sa sarili ko kanina sa sobrang stressed ko.

"Ah wala. Bakit ba?" Medyo irritated kong sabi.

Kitang nagmu-muni muni yung tao dito tas gugulatin mo? Bwiset na Harvey-ngot 'to. Bingot siya bingot!!

"May period ka?" Tanong niya sa akin at tinabihan ako sa upuan.

Oh nasaan na si Chay? Siya yung seatmate ko eh. And yeah, hindi niya rin ako pinapansin. Ang nice diba?

"Wala. At wala kang pakialam kung meron man. Ano ba bat ka ba nandito?"

"Taray naman."

Oops. Sorry na, ang dami ko lang kasi talagang problema ngayon eh.

"Sorry. Dami ko lang iniisip."

"It's alright. Anyway, hindi ka kakain?"

"Kakain? Eh nagkaklas—recess na pala."

Gaaah. Ni hindi ko man lang napansin. Ganun ba ako katagal natulala?

"Stop overthinking nga. Ang panget mo kapag nakasimangot."

"Wow ha! Wag mo nga akong bwisitin. Nasaan ba si Earl? Bakit di mo yata kasama ngayon?"

"Ewan ko dun. May tuturuan daw ng leksyon eh."

"Ano?!" Sabi ko at napatayo ako sa upuan ko. Wag naman sana..

Ito yung mga panahon na hinihiling ko na sana mali yung mga hinala ko. Kahit ngayon lang. Please.

"Yeah. Nagtu-tutor pala siya? I didn't know."

Oh my gush! Napa-face palm nalang ako sa sinabi niya. Seriously? Ganun ba siya kababaw mag-isip?

"Sira! Halika samahan mo ako," sabi ko at hinila ko siya palabas ng classroom.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ko na kailangang itanong kung nasaan si Earl kasi may nakita akong nagkukumpulang mga tao na halata namang nakiki-tsismis sa nangyayari.

And this time, I'm sure. Si Earl yun at si Ian..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Girl Of Your DreamsWhere stories live. Discover now