CHAPTER 22 (Change for the better? Or worst?)

1.5K 62 1
                                    

Thalia's POV

"Li." Napalingon naman ako ng magsalita si carl habang nagdridrive siya para ihatid ako papuntang airport.

Sa states muna ako sa loob ng limang buwan para na din sa business and para na din makapagpahinga ako.

I'm physically and emotionally tired.

At alam kong ito din ang kailangan ko ngayon.

5 months? I know it's sound pathetic. Sobrang pathetic kasi kung sa loob nga ng five years dati, di ko pa rin nagawang makalimutan si travis. Tsaka five months lang din ako sa states kasi di ko naman kayang iwan ng matagal yung company namin altough alam kong iniingatan yun ni tito bilang chairman ng company namin.

At alam kong kailangan ko to. Kailangang kailangan..

"Bakit?" Pinigilan ko naman agad yung mga luha ko.

Lecheng mga luha to! Napakatraydor! T____T

Tsaka mamimiss ko agad sina mommy, lianne, manang josie tsaka si carl :(

"Mag-iingat ka dun sa states, ha? Di kita mababantayan dun. Bat kasi bawal ako sumama eh secretary mo naman ako li! Tsaka balita ko may mga photoshoots ka din dun. Baka naman mamaya manyak pa yung camera man tapos --" Nabatukan ko naman agad si carl.

"Anong manyak-manyak ka dyan? Haha baliw ka talaga carl." Natawa nalang din naman si carl tsaka di din siya pinasama kahit secretary ko siya kasi kailangan din siya sa company namin dito sa pilipinas.

"Biro lang. Paiyak ka na naman kasi e. Pero li, seryoso ako dun. Mag ingat ka sa states tsaka ingatan mo yung sarili mo." Pabulong naman yung susunod niyang sinabi. "Pero okay na din yun kasi mas delikado ang buhay mo dito sa pilipinas." Ano daw? Pilipinas lang naintindihan ko e.

"Ha? Pilipinas?"

"A-eh.. Oo! Baka kasi mamiss mo ang pilipinas at sa sobrang pagkahomesick mo at sa pinagdadaanan mo ngayon e, tumalon ka dun sa rooftop ng hotel na tutuluyan mo. H-hehe." Nahampas ko naman agad si carl.

"Abnormal! Hahaha pero ngayon palang, mamimiss na kita! Waaah carl!" Niyugyog ko pa si carl kaya naman nilayo niya ko sakanya. Ay oo nga pala, nagdridrive din siya. Haha.

"Pwes ako hindi. Wala ng sadista, maingay at umi-istorbo minsan sa moment namin ni danica. Yehey!"

"Che! Hahahaha."

"Basta li, yung mga bilin ko sayo. Take care of yourself." Tumigil na din naman na si carl sa pagdrive. "W-we're here."

Napatingin naman ako sa labas. Handa nga ba kong umalis?

Travis' POV

Napatingin naman ako sa oras ng cellphone ko na kanina ko pa tinititigan.

Almost half an hour nalang pala.. Flight niya na papuntang states.

Gusto ko man siyang pigilan pero alam kong hindi pwede.. Ayokong mas manganib ang buhay niya ng dahil sakin at sa tatay kong hindi ko alam.kung maituturi ko pa bang ama..

Napupuno na yung puso ko ng galit pero bali-baliktarin ko man ang mundo, ama ko pa rin siya..

"What the heck is wrong with you?! Bakit tinatanggal mo yung dextrose mo?" Diretsahan ko namang tinanggal yung dextrose ko at naramdaman ko na din yung sakit pero binaliwala ko nalang.

"I'm leaving." Tumayo na din naman na ko sa hospital bed ko at dire-diretsong lumabas ng room.

"Wait up! Michael!!" Sumusunod naman sakin si queen kaya tumakbo na din ako lalo na nung matanaw ko yung guards ni daddy na busy na kumakain sa cafeteria kaya di rin nila ko napansin at sigaw nalang ang nagawa ni queen. "TRAVIIIIIIIS MICHAEEEEL!!!"

Pagkalabas na labas ko naman ng hospital eh pumara agad ako ng taxi.

"San po kayo sir?"

"Airport."

Nagdrive na din naman na din agad si manong driver tsaka ko din naramdaman yung sakit ng ulo ko at pagdugo ng kamay ko dahil sa pagtanggal ko ng dextrose. Tinakpan at tinalian ko nalang din ng tela yung kamay ko para tumigil din yung pagdugo.

Napatingin din naman agad ako sa orasan sa phone ko. "Pakibilisan nalang din po manong!"

Yung kahit makita ko man lang siya bago siya tuluyang umalis..

Thalia's POV

"Calling all the passenger's of K215." Napatingin naman agad ako sa mga katabi na tumayo na. F-flight k-ko na p-pala..

Malungkot naman akong tumayo mula sa pinagkakaupuan ko. Ang hirap din pala iwan ng mga taong mahal mo sa buhay kahit sa saglit na panahon lang..

"Babe."

Napalingon naman agad ako sa nagsalita at nakakita ng couple na nagyakapan. Aalis na kasi si girl na katabi ko din kanina at malamang si boyfie medyo nalate lang pero yumakap kay girlfie dahil mamimiss niya ng sobra to.

Tsaka sa dinamirami naman kasi ng tawagan bakit, "BABE" pa? Minsan talaga mapanadya to si tadhana e. Sarap tadyakan -________-

"Mamimiss kita ng sobra babe."

"Ako din babe. Kahit one week lang ako sa states."

Rinig ko pa sa drama session nila bago ako naglakad palayo papuntang. HAHAHAHAHA shete, otso xD One week lang pala si girl pero akala mo buong taon mawawala.

Pero ganun talaga pag nagmamahalan.

"Isang oras nga lang na di kita makita at makasama, ang hirap na. Parang nawalan na ko ng hininga. Haha corny pero totoo."

"I'm not me without you babe. Haha."

Napapikit naman ako ng mariin at napatigil. B-bakit ganito? N-n..naalala ko na naman siya? :(((

D-di ko na rin naman na napigilan yung mga luha ko na kanina pang gustong lumabas..

Patuloy naman ako sa pag-alala sa lahat ng memories namin ni travis at pagiyak ng makarinig ako ng boses.

"Isang oras nga lang na di kita makita at makasama, ang hirap na. Parang nawalan na ko ng hininga. Haha corny pero totoo."

"I'm not me without you babe. Haha."

O______O

B-boses ni travis? Naghahallucinate na ba ko dahil sa sobrang pag-iimagine? O.O

Mas lalo naman ako napapikit at iyak.

Please.. Please travis.. wag mo na kong pahirapan ng ganito :((

"Pero, hindi siguro talaga tayo yung para sa isa't-isa.. *sobs* I-i'm letting you go.. Kahit sobrang hirap.. But, I'm so thankful that you came in to my life once again."

"Pero kailangan na kitang i-let go.. I'm so sorry thalia. I hate to say goodbye cause' goodbye means that you're leaving forever. But for now, goodbye thalia.. Iloveyou. Always, and forever." Mas lalo naman akong napaiyak at takip sa mukha ko.

D-di to totoo... nasa hospital pa si travis at kailangan niyang magpagaling..

Bantay sarado din siya ng bodyguards dun at ng fiancee niya kaya imposible to. Impo --

O_______O

H-hinarap naman niya ko sakanya tsaka niyakap ng mahigpit ang hinalikan sa noo habang naiyak din.


"Mianhe."

And for once, h-he claimed my lips once again..

Kahit na anong mangyari, Ikaw parin ;) (KNPKAK Book Two)Where stories live. Discover now