CHAPTER 9 (Master/Slave)

2.2K 71 0
                                    

Thalia's POV

Pasubo naman na ko ng pagkain ng bigla kong utusan ni master -___-

"Hoy pango.. yung noodles. Paki-init uli." Aish! Kanina pa siya utos ng utos! Ako na nga naghanda ng kainan tsaka nagsandok ng kanin para sakanya e >.<

"Aish. May kamay at paa ka naman diba?"

"Haha. Sinasagot mo na ba ang master mo?"

"Oo! At pwede, pakainin mo muna ko!!" Sagot ko naman sakanya tsaka ko sumubo ng kanin tsaka ulam.

"Oo ba basta, subuan mo nalang din ako."

Agad naman na nanlaki yung mata ko at nasamid pero uminom agad ako ng tubig. "A-anong subuan ka dyan?"

"Eh kasi ang sakit ng kamay ng master mo e.. Tignan mo pa pango. Kung hindi kasi sana ako napasabak sa away kanina edi sana --"

Aish! Kinokonsensya na naman niya ko!! "Oo na, akin na nga!" Inagaw ko naman agad sakanya yung kutsara tsaka siya sinubuan pero nasamid din agad siya kasi nanggigil na talaga ko dito.

"*cough cough* Dahan-dahan naman pango!"

Di ko naman mapigilan na matawa sa itsura niya. Hahahahaha ganito pala to pag nabubulunan. "HAHAHAHAHAHA." Ngayon lang ata ako ulit nakatawa ng ganito sa tala ng buhay ko. Hahahahaha.

"At talagang nakuha mo pa kong pagtawanan?" Masungit naman niya na sabi kaya tumigil na rin ako sa pagtawa. "Say the majic word."

"M-master."

"Magsorry ka sa master mo."

"S-sorry na master hito." Sabi ko naman sabay iwas ng tingin sakanya. Aish!! Kung hindi lang ako niligtas nito kanina at kinokonsensya di naman ako papayag na maging slave niya e!

"Appology accepted. Hahahahahahahaha and, hito pala ha." Ngumiti naman siya ng nakakaloko kaya sinubuan ko na rin agad siya ng pagkain.

Nginuya naman niya agad yun at ngumiti na naman ng nakakaloko. "Sige lang pango, subuan mo lang ng pagkain si master. Haha."


ARGH!!!! MAUUBOS NA DIN ATA PASENSYA KO DITO >//<







Travis' POV

After naman namin kumain ni thalia e, pinag-usapan na rin namin yung tungkol sa resort. Yung mga babaguhin dito and kailangan para mabalik to sa dati na madalas din binibista kahit ng mga tourist at bakasyonista.

Dala na rin ng pagod e, pumunta na rin kami sa mga kwarto namin after mag-usap tungkol sa buisness at agad na nakatulog.

Kinabukasan naman, maaga rin akong nagising. Ano ba magandang gawin ngayon? Mall kaya?

Hmm..

Napangiti naman agad ako ng nakakaloko sa naiisip ko. Haha. Alam ko na.. *smirk*








Thalia's POV

"Ano?! Mag ma-mall tayo e, kakasabi lang sa news na may parating na bagyo dito sa batangas." Reklamo ko naman habang nagdadrive na si travis papunta ng mall. Sabi niya kasi sakin nung nasa resthouse kami, may kikitain lang daw siya dyan sa may coffee shop malapit dito sa reslrt nila at dating buisness partner din kaya tiwala naman ako na sumama dito tsaka di na rin namin inistorbo si kuya junie na tulog na tulog pa hanggang ngayon. Haha pagod din kasi siya kaka-swimming kahapon at medyo may edad na rin.

"Haha naniwala ka naman kasi sa sinabi ko kanina na may kikitain lang tayo."

Inirapan ko naman agad siya. "Eh ani namang gagawin natin sa mall?"

"May bibilhin lang si master. At bilang slave ko, ikaw yung magbibitbit ng mga bibilhin ko kaya kita sinama."

Sumama naman agad yung tingin ko sakanya. Argh! Puno na talaga ko sa hito na to >//<




"WAAAAH!! TRAVIS MICHAEL C. FORD!!!"










Travis' POV

Natawa naman agad ako sa pagsigaw ni thalia. "HAHAHAHAHA calm down."

Sinungitan naman niya ko. "Ewan ko sayo!"

"Hahahaha loveyou pango."

Uh-oh.

O______O

B-bat yun lumabas sa bibig ko?

Agad naman kaming nagkatinginan ulit. Nandito na rin kasi kami sa may parking ng mall.

God.. If she only knows how much I miss her.

Umiwas na rin naman ko tsaka nag isip ng palusot. "A-eh. T-tara na. Hehe."

Lumabas na rin naman na kami ng kotse at pumasok ng mall pero ramdam ko na din yung, AWKWARDNESS. Naalala ko din kasi yung, Dating kami </3

Yung dating kami na nagbago ng dahil lang sa pagkakamali ni dad..


Ako naman na unang bumasag ng katahimikan. "Oh? Bat natahimik ka pango? Gutom ka na ba ulit? Haha."

"Ano namang tingin mo sakin? Patay gutom?" Sagot naman niya. Haha atleast nawala na yung, awkwardness.

"Haha wala kong sinasabi na ganyan ha."

"Ewan ko sayo."

"Eh bat ba ang taray mo?"

"Eh bat ba ang yabang mo?"

"Mayabang? Inano ba kita?" Sagot ko naman. M-mayabang? What does she mean? At di ako makapaniwala na nag-aaway na naman kami ng ganito ngayon.

"Eh kasi akala mo kung sino ka dyan kung makapag-utos e!"

"Paano naman ako naging mayabang nun?"

"Hay.. ewan!"

Napabuntong hininga nalang din naman ako. "F-fine! Hindi muna kita gagawing slave ngayon, pero let's just enjoy the day, please?"





Thalia's POV

Agad naman akong napatingin kay travis.

'Let's just enjoy the day, please?'

'Let's just enjoy the day, please?'

'Let's just enjoy the day, please?'

Waaah!! Bat paulit-ulit nag pa-play sa utak ko?! Parang kanina lang nung pagkababa namin ng kotse nung nag loveyou sakin kahit alam kong biro lang naman yun >///<

Nagulat din naman kami ng may mga naghiwayan sa likod at gilid namin.

"Yieeeee.. Bati na sila."

"Haha ang cute nilang mag away na mag-asawa. Parang teenager lang."

Seriously?! Inakala pa kaming mag-asawa ng hito na to? O////O




____
A/N: Pabitin portion xD HAHAHAHAHAHA. Ano kayang binabalak ni travis? :') Ako yung kinikilig sa hito na yun e x)) Haha. Have a nice weekends din guys! :D

Kahit na anong mangyari, Ikaw parin ;) (KNPKAK Book Two)Where stories live. Discover now